Seraphina's POV
"Oh my.. is that their son?"
"Huh? Hindi pa nga sila eh.. anong son pinagsasabi mo?"
"Masyado kang maissue gga!"
"Sorry! They look cute kase. Look oh! They look like a family"
Ganon ang bulong bulungan nang makalapit si Andrei samin. I look at him, and there! he's smiling like an idiot. He placed his hand on my waist and leaned.
"Oh, family daw oh" ngingisi ngising bulong niya. Bumaling naman siya kay Nathan at kinurot ang pisngi. "Thanks to you, lil guy." I just rolled my eyes.
~~~
Bulamik na muna kami sa room dahil mamaya pa ang awarding at closing. I changed my clothes and surprised to see 4 boxes of pizza on the table. Like, duh? But hindi na ako nagreklamo. Bahala na si dad magwaldas. After eating, I feel so tired or lazy like I just wanna go home and sleep. But it's just nearly 3 in the afternoon and hindi pa kami aalis kung hindi pa tapos ang program. Siguro naubos yung lakas ko sa sobrang kaba kanina. I can't blame myself, it's my first time.
Minutes passed and we're here at the gym again for the awarding. Inuna ang dancing, Individul category 4th year ang nanalo at nagrequest ang audience na magperform pa. He's really good nga, tili everywhere eh. Duo category, 3rd year ang nanalo at nagperform ulit sila. Interpretative, tapos yung song is When I was your man.. ang galing nga nila, puro 'aww' 'ahh sad' ang mga reaksyon ng audience. Ang sa team category, 4th year ang nanalo. Nagrequest din ang audience pero wala ng space para makapagperform sila.
"Let us move on to the awarding of sing and dance competition!" sabi ng emcee. Team Category lang dahil walang solo at duo, 3rd year ang nanalo.. ang cute at ang bilis nilang kumilos plus synchronized pa.
"And for the singing competition, may we call on Dean Sanches to do the honor to award the winners." agad namang tumayo at umakyat sa stage si dean kasama ang mga judges. Tapos na ang 3rd place and 2nd place hindi pa na announce and 1st at ang winner at sobrang kabado na si Tristan habang tinatawanan siya ni Andrei.
"And for the winner in male category, come up the stage.. Contestant number.." pabitin ng emcee at tumingin sa card. Napatingin naman ako kay Tristan na kinikiskis ang palad. "Contestant number 2! Tristan Vvon Cornel! From 1st year!" tumakbo siya paakyat ng stage, sinabitan siya ng medal ng mama niya.. ang loko hindi man lang sinabi na nandito pala ang mama niya. Binigyan din siya ng certificate. Super tili na naman ang kababaihan, nagulat pa ako nang makita ko si Kate na tumitili din. Hmm..
"Shhh! Girls kalma lang.. since walang duet category, magduduet na lang si Fafi Tristan at ang winner sa girl's category, okay? *aww* Wala kaming pake kung hindi nyo bet ang desisyon, you can't do anything about it." mataray na sabi ng emcee. Tapos ay nag announce na siya ng mga winner sa female category. 3rd place yung 1st performer, 2nd place ang 2nd performer.. kabado akong pilit na ngumiti at kinakalma ang sarili. Kami na lang ni number 3 ang naiwan. Kinakabahan ako.. isa samin ang magiging winner at isa ang magiging 1st place. Napatingin ako sa emcee na sumilip sa card, aksidenteng nagtama ang paningin namin at ngumiti siya. Ngiting hindi ko maintindihan, is it apologetic or a congratulating smile. Oh my gosh, ayoko naa!
"And the winner for the female category, It's none other than!.." pabitin nito at tumingin sa audience. Hindi ko alam pero tinakpan ko na ang tainga ko. "Stop covering your ears and take your walk as a winner.. Contestant number 4! Seraphina Jaiz Higdleberg! From 1st year!" tulala lang ako, hindi makapaniwala. Nagulat naman ako nang niyakap ako ni dad. Tumatalon talon sina mom at Kate, nakita ko ring pumapalakpak at ngumingiti ng tipid si Mirabell. Nagsimula na akong maglakad, nakaalalay si dad sa gilid ko at si mom namn na nasa likod ko ay tumitili tili. Si dad talaga ang nagsabit ng medal at humalik pa sa noo ko. Si mom naman ang tumanggap ng certificate at inabot sakin at niyakap niya ako at pagkatapos ay tumalon talon, kulit. "Smile!" sabi ni Andrei at kinuhanan kami ng picture. And oh.. she's not that really a bitch siguro 'cause she's taking a picture of us three, I'm talking about Mirabell. Bumaba rin sina mom and dad- oh correction, we forced mom kase gusto niya pa magpapicture, ang kulit niya talaga.
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...