Chapter 60

11 3 0
                                    

Kate's POV

Napagtagumpayan namin ni ate na makatakas sa mga bodyguards niya. Totoo nga ang sabi niyang madali lang mapaikot si kuya Dun. Pero may isang tanong lang na hindi matanggal sa isip ko.

"Uh.. ate?" panimula ko. Tumaas ang dalawang kilay niya, nagtatanong.

"Ehehe.. nevermind po" sabi ko sa maliit na boses. Hindi ko kayang magtanong. At hindi ko na dapat itanong kung totoo bang.. ano.. ahm.. pangit iyong girlfriend ni Tristan.

Dapat wala na akong pakialam sa kaniya. Kaya kakalimutan ko na lang ang mga sinabi ni ate kanina.

Naglalakad na kami patungo sa bar. Palapit ng palapit ay palakas ng palakas ang kalabog ng puso ko. Kinakabahan ako. Paano pag hindi ako makapasok ulit. Paano pag.. nandito siya. Humawak ako sa braso ni ate.

"Ate.. ano.. ahm.. umuwi na lang kaya tayo?" kabadong sabi ko. Natigil siya sa paglalakad at ngumiti sakin.

"Kate.. come on! Nandito na tayo. Don't worry. Akong bahala sayo." sabi niya at ngumisi. Tinalikuran na niya ako. She walked confidently like a model in a runway. Hinawakan niya ang pinto at binuksan.

Ako lang yata ang nasilaw sa liwanag nitong bar. Lumingon si ate at tumawa tila ba ang saya saya niya. Humakbang siya papasok at naghubad saka niya tinapon kung saan ang mga damit niya. Sexy dress na lang ang naiwan sa kaniya. Lumakad na siya ng dire-diretso. Ako naman ay pinulot ang mga damit niya. Pagkatapos ay sumunod ako sa kaniya.

Umorder agad siya ng maiinom. Tinignan niya ako at nangunot ang noo niya.

"Bakit mo pa kinuha iyan?" tanong niya sabay turo sa damit niyang pinulot ko. Sasagot na sana ako pero nagulat ako nang buksan niya ang butones ng suot ko.

"Ate wag! Ano po.. ahm.. n-nahihiya ako" hiyang sabi ko. Tumawa naman siya.

"Kate hindi pwedeng balot na balot ka lagi tsaka may damit ka pa naman sa loob niyan. Look, igala mo ang mata mo kung may nakikita kang naka long sleeves dito at naka slocks, iyong balot na balot." iginala ko ang paningin at puro mga halos labas na ang dibdib ang mga nakikita ko.

"See? Kaya hubarin mo na iyan. Padamihan tayo ng lalaki" napasimangot ako sa huling sinabi niya.

Wala na akong nagawa kundi hubarin ang damit ko. Napangiti ng malapad si ate nang makita niyang sexy tube dress na lang ang suot ko. Umupo ako at tinakpan ang hita ko gamit ang damit kong hinubad. Hindi ko rin maalis ang kamay ko na ginawa kong panakip sa dibdib ko. Si ate naman ay tinatawanan ako habang umiinom.

Ilang sandali pa ay inabutan ako ni ate ng alak. Tinanggap ko ito kahit hindi naman ako iinom. Tinitigan ko lang ito hanggang sa napaisip na ako kung ano ba ang lasa nito. Unti unti kong ininom ito. Matamis, mapait, at may init na naiiwan. Uminom ulit ako hanggang sa naubos ko.

Lumapit sakin si ate at hinatak ako papunta sa dance floor. Nakatayo lang ako at siya naman ay sumasayaw. Kumurap lang ako at hindi ko na agad nakita si ate. Pilit ko siyang hinanap kahit na nahihirapan ako sa dami ng taong sumasayaw.

Nagulat ako nang bigla na lang may sumayaw sa likod ko at humawak pa sa bewang ko. Inalis ko ang kamay niya at humarap sa kaniya.

"Bastos ka!" sigaw ko at inirapan siya. Tumawa ito na naging dahilan para mairita ako.

"You're cute." sabi niya at tinignan ako sa mukha pababa sa aking katawan. Halos umusok ang ilong ko nang magtagal ang tingin niya sa dibdib ko.

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon