Chapter 46

10 3 0
                                    

Seraphina's POV




"omg!! she's so evil!"



"I thought she's a good girl but she's not. I don't like her anymore!"



"ugh! she's so selfish"



"Stop that." sabi ni Andrei matapos niyang agawin ang phone ko.



Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa rin ako sanay sa mga pambabash ng mga tao. Nagkalat ang video kung saan nagsasabunotan kami ni Bethany. Nung na discharge si mom ay dinumog kami ng media. Ang daming tanong. Binato rin ng itlog ang sasakyan namin. Gusto kong magalit. Gusto kong magwala. Hindi nila alam ang buong istorya and they chose to judge me. Nagkalat na rin ang balitang may sinakal at sinipa akong trainee sa agency. Kaliwa't kanang pambabash kahit hindi nila alam ang buong kwento. Gusto ko mang linisin ang pangalan ko, pero mukhang imposible.



"Akala ko uuwi ka na?" tanong ko sa kaniya.



"Papanoorin ko pa ang event mo." sabi niya at ngumiti ng matamis.



Sa kabila ng lahat, patuloy pa rin akong pumupunta sa events na dapat puntahan. Hindi pwedeng hindi. Trending ang agency dahil sa issue ko kaya go pa rin sa events at training. Kahit ayaw ko na.. kailangan eh.



"Wag na. Magagalit ka lang pag may bumato ng kung ano sakin." sabi ko at yumuko.



"Malamang! magagalit talaga ako. Kung pwede nga lang na sa stage ako dun na lang ako."



"Anong gagawin mo sa stage? sasamahan mo kong mag perform?" natatawang sabi ko.



"Ako ang magiging human shield mo. Kung nandon ako, hindi ka na matatamaan." seryosong sabi niya. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi na ako nagsalita pa.



Pagkatapos ilibing si grandpa ay umuwi ng Pilipinas si mom. Yon ang gusto niya. Ayaw ko man ay mas gugustuhin kong wala siya dito kaysa mastress siya sa media. Gusto ko rin namang umuwi. Kaso hindi ako pinayagan ng agency. Hindi daw ba ako nahihiya sa ginawa kong pagpakahiya sa pangalan ng agency. Tinanggap ko lahat ng sinabi ng mga boss ko at ng mga kapwa ko trainee. Kung noon ay nagagawa ko pang sumagot at ipaglaban ang sarili ko, ngayon hindi na. Kung hindi maganda ang naranasan ko noong una, ngayon ay mas lumala. Minsan pang umuwi akong may pasa. Galit na galit si Mirabell non. Yung mga time na umuuwi akong luhaan at may mga itlog at kung ano pang binabato sakin, si dad ang nagagalit.. binabalewala lang ako ni Mirabell. Pero nung nagkapasa ako.. nagwala siya. Galit na galit siya. I was super shocked, of course.



I went home late cuz I don't want my dad to see me. He'll just get angry again. Pagsarado ko ng pinto at pagtingin ko ay nasa harap ko na si Mirabell.



"It's late." malamig niyang sabi. Iniwasan kong makita niya ang pasa ko sa pisngi kaya tinabunan ko ito ng buhok ko.



"Oh yeah.. Uh.. goodnight!" sabi ko at mabilis na tumalikod pero hinawakan niya ang palapulsuhan ko kaya napasigaw ako sa sakit. Nangunot ang noo niya at inangat ang jacket kong tumatakip sa sugat ko don. Nanlaki ang mata niya at matalim akong tinignan.



"Take this off" tunog galit ang boses niya kaya kinabahan ako.



"What? It's cold—" hindi niya na ako pinatapos at siya na mismo ang naghubad ng jacket ko. Nalaglag ang panga niya nang makita ang mga braso kong may mga pasa.



"Who did this?" napapapikit niyang sabi.



"I'm just fine—"



DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon