Chapter 54

6 3 0
                                    

Seraphina's POV


"So, we'll just stare at each other?" tanong niya. Umupo nang naka dekwatro at nilaro laro ang swivel chair niya. Pinigilan ko ang mapairap dahil magkaharap kami.


"Uh.. where's your dad?" alanganin kong tanong.


"I'm here. Why are you looking for my dad?" kunot noong tanong niya at napaayos pa ng upo.


"Daddy told me that Mr. Dominique will teach me—"


"I am Mr. Dominique" seryosong sabi niya.


"So i-ikaw ang magtuturo sa'kin?" utal kong tanong. At gusto kong sabunutan ang sarili ko sa hiya nang tumawa siya. Yung tawang maaasar ka, ganon.


"Sorry for laughing.. Do you think I can teach you, huh?" natatawa pa ring sabi niya.


"I'll hire someone to teach you. My secretary's currently looking for a good one. I have no time for you, Miss Higdleberg" seryosong sabi niya. Nakuha ko ang sinabi niya pero yung huling sinabi niya ang tumatak sa isip ko.


I have no time for you, Miss Higdleberg

I have no time for you, Miss Higdleberg

I have no time for you, Miss Higdleberg



"Okay, I guess that's all? Just give your number to my secretary so she can update you." sabi niya at tumayo. Tumayo na rin ako.


"Uh.. Thank you. I gotta go now." naiilang kong sabi. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at tumalikod na ako. Hindi pa ako nakakahakbang nang bumukas ang pinto at may batang lalaking tumakbo papasok at nagulat ako sa sinigaw ng bata.


"Daddy!" tumakbo ito palapit kay Andrei at nakangiti niya itong sinalubong ng yakap at kinarga ito.


"Hi baby, sinong kasama mo?" tanong niya sa bata.


"Me" agad akong napalingon sa pinto nang marinig ko ang nakakairitang boses na yon. Nang magtama ang paningin namin ay ngumisi siya ng malademonyo. Agad na nag-init ang ulo ko pero hindi ko pinahalata.


"Nana!" sigaw ng bata.



"Hinayaan mo siyang magtatakbo?" medyo iritang tanong ni Andrei sa kaniya.



"Because he's excited to see his daddy" nakangising sabi niya at biglang bumaling sa akin.


"Aren't you supposed to exit the scene, twinny?" pinigilan ko ang sugurin siya. Sa halip na ipakita ko ang galit ko ay ngumiti ako ng matamis.



"Hindi ako magsasayang ng laway sa'yo, Bethany. Mauuna na ko." sabi ko at tumalikod na saka ako umirap. Malapit na ako sa pinto nang bumukas ito. Niluwa niyon ang manager namin at nagkagulatan pa kami.


"Seraphina" ngiti ng manager. Sumilip sa pinto si Benedict at agad na ngumiti nang makita ako.


"Babe!" sigaw niya na ikinalaki ng mata ko. Tuluyan siyang pumasok at agad na yumakap sakin at hinalikan pa ang ulo ko.


"Makisakay ka" bulong niya. Awtomatiko akong napayakap sa kaniya. Kusa rin kaming humiwalay at hinawakan niya ang bewang ko.


"Bakit kayo nandito?" tanong ko.


"May meeting.. hindi mo ba alam?" sabi ni Benedict.


"Meeting?" takang tanong ko.


"Para sa performance natin next month." sagot niya. Tumango na lang ako kahit hindi ko pa rin alam ang tinutukoy niya.


Napunta ang atensyon namin kay Andrei nang tumikhim ito at masama na ang mukha.


"Why don't we all take a seat?" sabi ni Andrei at nagpilit ng ngiti. Binigay niya ang bata kay Bethany at umupo kaming lahat.


Nagbunga ang kanilang kababuyan..


Napangisi ako ng mapait sa naisip.


Nagsimula na silang mag-usap-usap at wala man lang akong naintindihan. Nakatulala lang ako buong meeting.


"It's all settled. See you all next month." rinig kong sabi ni Andrei at tumayo na silang lahat.


Naglalakad sila palapit sa pinto at ako naman ay kakatayo lang. Maglalakad na rin sana ako nang may narinig akong nag-vibrate. Lumingon ako sa upuan namin kanina at nandon nga ang phone. Lumapit ako at kinuha ito. May tumatawag.


"Babe" mahina kong tawag at mukhang walang nakarinig.


"Babe" nilakasan ko na ng konti pero wala pa rin. Napagpasyahan kong sumigaw na lang.


"Babe! Bab—" naputol ang pagsigaw ko dahil sa gulat nang may sumigaw sa unahan ng


"WHAT?!"


Lumingon silang lahat sakin at tumingin ulit sa unahan hangang sa magpalit palit ang tingin nila sakin at sa unahan.


"I-I.. wasn't calling you" pigil ang inis na sabi ko. Kita ko naman ang pamumula ng mukha, tenga at leeg ni Andrei.


Napaka-assuming kasi.. di ko naman tinawag.


"Uh.. Uhm.. I-I mean w-what's the noise a-about" hiyang-hiyang sabi niya at  nagkanda-utal-utal pa ang lintik. Hindi ko na sya pinansin pa at bumaling kay Benedict.


"Babe.. may tumawag sayo" sabi ko at inabot ang phone niya. Nagngitian naman kami ng matamis sa isa't isa.


~~~

To be continued..







Hello! It has been so while! Kasi naman kagabe lang ulet kami nagkakuryente.. lecheng bagyo kasi eh. Anyway, hope you are all fine.

Happy reading!

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon