Tristan's POV
Tangna, ang sakit.. ang sakit sakit na makita siyang nasasaktan. Ilang araw na siyang nasasaktan. Nagbabakasakaling makapag-usap sila. Pero ang ggo lang ni Andrei na hindi man lang niya mabigyan ng oras si Seraphina. Kahit isang minuto lang, pero wala eh ggo kasi.
Dumagdag pa yung post na may kahalikan ang mokong. Iisipin na naman ni Seraphina kung worth it piliin si Andrei.
At ngayon, tumatakbo siya papalayo, tinatakasan ang sakit kahit na ilang araw na itong dikit ng dikit sa kaniya. Napatingin ako kay Andrei na tumatawa kasama ang babaeng pinagseselosan ni Seraphina.
Hindi man lang nila naramdaman na kanina pa ako nakasunod sa kanila. Patawa tawa lang silang dalawa na tipong mga walang pinoproblema. Nang maihatid na ni Andrei ang babae, nagsimula na siyang maglakad papuntang Science Building. Nang masiguro kong wala ng masyadong mga estudyante, hinila ko siya. Hanggang sa nasa likod na kami ng building. Nang tumigil kami, sinuntok ko agad siya.
"What was that for?" inis niyang sabi habang nakahawak sa panga niya.
"Para sa babaeng mahal ko, na mahal ka, na hindi mo namamalayang nasasaktan mo!" galit na sigaw ko at sinuntok siyang muli. Napaupo siya.
"Ggo ka, Andrei! Napakaggo mo! Alam mo bang noong nasa park tayo, ikaw yung pipiliin niya? Alam mo ba ha?! Tangna Andrei! Nagpaubaya ako! Para hindi na siya mahirapan sa pagpili! Kahit na gustong gusto ko siya! Kahit na gusto kong ako ang piliin niya! Alam mo ba kung bakit? Dahil may nararamdaman siya sayo! Gusto ka ng babaeng mahal ko!" nakayuko lang siya habang sinisigaw sigawan ko siya.
"Alam mo bang iniisip ni Seraphina kung tama pa bang ikaw ang piliin niya? Grabe yung sakit na dinulot mo sa kaniya. Ilang araw na siyang nasasaktan. Ilang araw ka niyang hinintay. Ilang araw ka niyang iniyakan. At sigurado akong nakita niya rin ang post." sabi ko at tumalikod na.
"Nga pala. Nakita niya kayong magkasama kaya tumakbo siya papalayo." pagpapatuloy ko at lumapit ulit sa kaniya.
"Hindi ko na hahayaang makalapit ka pa sa kaniya" sabi ko at nagsimula ng maglakad.
"Wala kang alam" sabi niya na nakapagpatigil sakin. Humarap ulit ako.
"Malamang wala, ang alam ko lang sinaktan mo si Seraphina" sabi ko at tuluyang umalis.
~~~
Seraphina's POV
Nakakapagod.. ang dami na namang pinagawa sakin ng prof namin dahil nalate ako ng 5 minutes. Naghilamos pa kasi ako eh.
"Seraphina" gulat akong napalingon sa nakakakilabot na boses ni Tristan.
"Nyare sa'yo?" natatawa kong sabi. Hindi siya sumagot sa halip ay inabotan niya ako ng pagkain. Napatingin ako sa kamay niya. Hinawakan ko ito.
"Nakipagsuntukan ka? Namumula kamay mo oh!" binawi niya ang kamay niya.
"Hindi ah. Sinuntok ko lang siya hindi ako nakipagsuntukan. Ni hindi nga siya nakatayo eh" sabi niya at humagalpak ng tawa.
"Kawawa naman siya" natigil ang pagtawa niya at malamig niya akong tinignan.
"Hindi siya kawawa. Dapat lang sa kaniya yon."
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...