Chapter 45

10 3 0
                                    

Seraphina's POV




I felt someone's hand squeezing my hand. I tried to open my eyes and I saw Andrei's worried face.



So, it was all a dream?



"Babe.. you okay?" bulong niya na hindi ko pinansin. Ginala ko ang mga mata ko at nalamang nasa hospital ako. Binalik ko ang mga mata sa kaniya.




"What happened?" napapaos kong tanong at pilit na umupo. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa naramdamang sakit.




"Masakit pa rin ba? Wag ka na lang munang umupo." sabi niya na inilingan ko.




"Anong nangyari?" tanong ko ulit.




"Magpahinga ka na muna saka na natin pag-usapan." sabi niya at pilit na ngumiti.




"Why? Nakapagpahinga na ako. Sabihin mo na sa'kin." kunot noong sabi ko.




"Hihintayin na muna natin ang daddy mo. May inaasikaso lang siya sa labas."




"Inaasikaso? What is it?.. Tell me." nagsisimula na akong mainis.




"Babe, please.. magpahi—"




"Just fucking tell me!" sigaw ko. Hindi nagtagal ay pumasok si Mirabell, namumula ang mata at may luha pa sa pisngi.




"Mirabell!" tawag ko. She looked at me with sorrowful eyes. This is the very first time that I saw her crying, she always looks so cold and mysterious. But now.. it's different.




"Mirabell.. why are you looking at me like that? You're making me nervous! Tell me what happened!" sigaw ko at hinahampas na ang kinauupuan ko. She only shook her head. My heart is beating so fast like I was chased by the media.




Ilang beses ko silang tinanong kung anong nangyari. Walang ibang sagot si Andrei kundi ang magpahinga ako, si Mirabell naman ay puro iling lang. Naubos ang pasensya ko at nagwala. Lumabas si Mirabell at nagtawag ng nurse. Si Andrei ay pilit akong pinapakalma pero buong lakas ko siyang itinulak kaya napaatras siya. Agad akong tumayo at tumakbo papuntang pintuan. Bubuksan ko na sana pero nabuksan na ito. Umangat ang tingin ko sa galit na mga mata ni Luke. Sapilitan niya akong pinatalikod at palapit sa hospital bed. Tinabig ko ang kamay niya at kusang umupo.




"Luke—"




"Ba't ba ang tigas ng ulo mo?!" galit niyang sigaw na ikinagulat ko.




"Gusto kong malaman kung anong nangyari!"




"Hintayin mo ang daddy mo." mariin niyang sabi.




"Ba't ko pa siya hihintayin kung nandito naman kayo?!" sigaw ko. Dumating ang mga nurse na tinawag ni Mirabell. Nakita kong may dalang syringe ang isang nurse. Sisigaw na sana ulit ako nang bumukas ang pinto at pumasok si dad.




"Dad! Daddy!" tawag ko pero hindi siya lumapit. He just opened his arms. Agad na akong tumako sa kaniya at yumakap.




"Hush now, baby. Just rest hmm?" malambing niyang bulong. Napatingin ako sa gilid ko nang may maramdamang kaunting kirot at nakitang may tinurok ang nurse sakin. Kumalas ako at galit na tinignan si dad hanggang sa unti unti na akong napapapikit. "I'm sorry, baby." huli kong narinig na sinabi ni dad.


DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon