Chapter 57

7 3 0
                                    

Seraphina's POV


Yakap-yakap ko ang unan at nakatulala sa kawalan. Pakiramdam ko ay pumikit lang ako saglit at nagising agad. Hindi mawala-wala sa isip ko ang nangyari kagabi. Naguguluhan ako. Nalulungkot ako dahil nasasaktan siya pero nagagalit din ako. Hindi ba ay may anak siya? Sila ni Bethany? Kaya bakit ganon yung mga sinabi niya kagabi?


Inis kong dinampot ang phone kong kanina pa tumutunog.


"Ngayon magsisimula ang pagtuturo sayo. 8 am pupunta si Mr. Cruz. Bawal malate." sunod-sunod na sabi ng secretary ni Andrei. Hindi man lang nag-hello at basta na lang pinatay ang tawag. Ang bastos!


Sinumpa ko na lang siya sa isip ko. Bumangon ako at nag-inat. Naligo ako at bumaba para magluto ng makakain ko. Susubo na sana ako ng kanin nang tumunog ang phone ko.


Manager Lara Jhane Calling..


"Hello?" panimula ko at tinuloy ang pagkain.


"Seraphina! Asan ka na? Ilang minutes na lang mags-start na ang photo shoot mo pero wala ka pa!" nagpapanic na sabi ng manager namin at rinig ko rin ang ingay sa background na mukhang nagkakagulo rin.


"Ano? Photo shoot saan?" takang sabi ko at kinagatan ang toasted bread ko.


"Ha? Ano ba?! Sa 1st single mo! Yan kasi hindi ka sumasagot sa tawag! Tinext ko na lang! Ano? Hindi mo rin ba binasa?" muntik na kong mabilaukan sa sinabi niya.


"Oh sige.. Ano.. ah.. Paalis na ko!" tarantang sabi ko at pinatay ang tawag. Uminom na lang ako ng tubig at nagtatakbo papuntang kwarto ko. Hindi ko alam pero naisipan kong dalhin ang alahas ni mom. Pero pagbukas ko ng cabinet ko ay dalawang box ang nandon. Dinala ko na lang pareho at bumaba.


"Dun! Ihanda ang sasakyan! Nagmamadali ako!" sigaw ko at muntik pang matalisod sa pagmamadali. Agad akong sumakay ng kotse nang makalabas.


"Bilisan mo!" sigaw ko sa driver. Inis naman akong tinignan ni Dun na nasa tabi ng driver.


"Tabi! Ako na!" sigaw ko sa driver at basta na lang ako sumiksik sa space sa gitna nila. Tinulak ko paalis ang driver paupo sa kandungan ni Dun at ako ang pumalit sa driver's seat.


Agad akong bumusina ng sunod-sunod at binilisan ang pagpapatakbo. Rinig ko ang mga mura ng dalawa pero hindi ko na pinansin at nagpatuloy sa ginagawa. Agad kong hininto ang kotse nang nasa labas na kami ng building. Nauntog pa ang dalawa sa isa't-isa at halos isumpa na ako ni Dum sa sama ng tingin niya sakin. Lumabas na ako dala ang mga gamit ko at nagtatakbo papasok ng studio.


Nilabas ko ang phone ko at tinawag ang manager namin.


"Nandito na ko. Asan ang set?" hingal kong tanong habang palinga-linga.


"3rd floor." pinatay ko agad ang tawag at sumakay ng elevator. Ilang saglit ay tumunog ito at bumukas. Naka-abang na pala ang manager namin.


"Dito tayo" sabi niya at hinatak ako. Binuksan niya ang pinto at halos mapapikit ako sa sobrang liwanag ng set. Ang kaninang nagkakagulo ay natigil nang mapalingon silang lahat sakin. Nagtaka naman ako at napatingin sa sarili.


Halos maiyak ako nang makita ang itsura ko. Ang spaghetti strap ko sa kanan ay nakababa na at naka-short shorts pala ako at nakatsinelas pa. Medyo magulo na rin ang buhok ko.


Agad na nagtawag ng hair and make up artist. Inayusan nila ako pagkatapos ay nagbihis ako. Paglabas ko ay pumwesto na ako sa harap para masimulan na agad to. Nakakadalawang kuha pa lang ng litrato ang photographer nang sumenyas siya.


DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon