Epilogue

9 3 0
                                    

Andrei's POV



Yeah right. Dad's mad again and he won't let me use the car. So here I am, walking under the sweltering heat of the sun.



Nilagpasan ako ng mga lalaking nagj-jogging. Nang tuluyan na silang makalayo ay nakita ko ang babaeng nahihirapang tumayo. Napansin ko ang kulay ng buhok niya at ang naisip ko agad ay ang ex-girlfriend ko.



Nilapitan ko siya at naglahad ng kamay. Nang tumingala siya ay nakilala ko siya agad. Siya yung babaeng kinaiinggitan ng mga babae sa school dahil sa taglay niyang ganda. Well, she really has a pretty face.



Nang muntikan siyang matumba ay hindi na ako nagdalawang isip pa at binuhat na siya. Malapit naman na kami sa school katamtaman lang rin ang bigat niya. Nakakailang lang dahil malapit ang mukha namin sa isa't isa at kanina pa siya nakatitig sa buong mukha ko.



Malapit na kami sa gate at nakita ko ang lalaking parati niyang kasama na masama ang tingin sakin. Nang makalapit ay kinuha niya agad sakin ang babae at pumunta silang clinic.



Simula noon ay palagi na akong lumalapit sa kaniya lalo na nang nag-away sila ng best friend niya. Iniinis ko siya at inaasar para hindi na siya malungkot. Hanggang isang araw ay tuluyan na akong nahulog sa kaniya.



Kabado ako noong debut niya dahil doon ako umamin. Masama pa ang tingin ng daddy niya sakin. Pero naglakas loob ako at umamin na sa kaniya.



"Babe.. listen carefully. I.. I love you." pag-aamin ko.



~~~



"Leave me alone, Beth" galit kong sabi kay Bethany dahil nandito na naman siya sa office ko at kung ano anong picture ang pinapakita sakin.



"Your girlfriend didn't stick with the plan? You must be sad. Would you like me to make you happy?" malanding sabi niya at lumapit sakin. Hindi na ko nagdalawang isip pa na lumayo sa kaniya at tawagan ang mga guards. Kinaladkad siya ng mga ito palabas.



Buong araw na mainit ang ulo ko dahil sa mga picture na pinapakita niyang magkasama sina Jaiz at Luke. Naiintindihan ko naman dahil bodyguard niya ito pero hindi ko talaga maiwasang magselos. Ilang linggo na kaming hindi nag-uusap dahil busy siya. Nahihirapan na rin ako sa kompanya.



Bago umuwi ay dumaan muna ako sa bahay nila para kamustahin si tita. Naabutan ko sila ni Kate na nagsasagutan.



"Sige po ate.. Tita.. Tita heto oh.. gusto kang makausap ni ate." rinig kong sabi ni Kate kaya lumapit na ako sa kanila.



"Ayoko! Gusto ko nandito siya! Hindi ko siya kakausapin hangga’t hindi siya umuuwi dito!" galit na sigaw ni tita. Halos lahat kami ay namimiss na siya.



"Tita.. huminahon po kayo. Uuwi rin naman si ate—"



"Kailan?! Kung kailan nasa kabaong na ako?!" nilagay ulit ni Kate sa tainga niya ang phone at may pinindot.



"Naka-on na po ate" mahinhin niyang sabi.



"Mom.. I'm sorry" nanginginig na sabi ni Jaiz. Alam kong umiiyak na siya. Nang tignan ko si tita ay namumuo na rin ang luha sa mga mata niya.



"In three days.. in three days mom. I'll go home. I promi—" bago pa siya matapos ay agad na akong nagsalita.



"How many promises will you still make then break it afterwards?" malamig at galit kong tanong.



DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon