Seraphina's POV
"Uh.. Hi?" hiyang bati ko.
Palipat lipat ang tingin nila sakin, sa katabi ko at sa kamay naming magkahawak.
"Okay lang ba na kasama siya sa meeting?" tanong ko. Tumingin ako sa katabi kong may sariling mundo, pasipol sipol lang siya habang ako ay hiyang hiya na.
"So.. kayo nga?" tanong ni Manager Lara na pinipigilan ang pagtili.
"Huh? Hindi ah!" tanggi ko. Natigil ang pagsipol ni Andrei at binitiwan ang kamay ko.
"Ano? Anong hindi?" inis niyang tanong. Mariin akong napapikit.
"I mean.. hindi pa" nakayukong sabi ko.
"Akala ko ako lang, babe?" biro ni Benedict at nagpigil ng tawa nang tinignan siya ng masama ni Andrei.
"Ako lang ang babe niya" sabi ni Andrei na lumapit pa lalo sakin.
"Aw.. edi ikaw na lang babe ko!" sabi ni Benedict at tumawa. Inirapan naman siya ni Andrei.
~~~
The meeting ended earlier than expected. Agad akong naghanda para makaalis.
"Mauuna na kami. May trabaho pa kasi siya" paalam ko sa kanila. Pumayag naman sila at nagpasalamat kami bago umalis. Nasa kotse na kami nang magsalita si Andrei.
"Sa akin ka uuwi ngayon" he said with finality.
"H-Huh? Bakit?" gulat kong tanong.
"Mag-uusap tayo"
"Tungkol saan?"
"Lahat" maikling sagot niya.
Pagdating sa hotel ay may nakita akong delivery truck ng wine. Nakita ko rin si Simone na inuutusan ang mga kasama niyang lalaki. Bigla ay hindi ko na sila nakita nang humarang si Andrei.
"Ayokong lumalapit ang nerd na yon sayo" sabi niya at masama na naman ang mukha.
"Bakit?"
"Hindi pa ba halata?" inis niyang tanong.
"Huh?"
"May gusto yon sayo. Mula pa noong college tayo." sabi niya at pumasok na. Sumunod naman ako.
"Kaya mo siya inaway dati?" tanong ko nang nasa elevator na kami.
"Hindi. Napikon lang ako sa kaniya dati."
~~~
Nagising ako nang may maramdaman akong malambot na dumampi sa gilid ng ulo ko. Pagmulat ko ay bumungad sakin ang gwapong mukha ni Andrei.
"How was your sleep, babe?" malambing niyang tanong.
"Good" maikling sagot ko at nag-inat pa. Pagkatapos kong mag-inat ay papikit pikit akong bumangon at tumingin sa kaniya.
"Babe.." antok kong sabi at basta na lang yumakap sa kaniya. Ramdam ko ang gulat niya kaya napangiti ako.
"Hmm.. bango" sabi ko at inamoy pa siya lalo. Yumakap siya pabalik at hinalikan ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...