Seraphina's POV
Maaga akong nagising at naghanda dahil baka madagdagan ang kasalanan ko kay Andrei. Buti na lang talaga ay naisipan niyang umuwi.
"Good morning, mom" bati ko kay mom nang makita ko siyang uminom ng tubig.
"How are you?" tanong ko pa sa kaniya at nagthumbs up lang siya.
"Did you know that Bethany is turning 20 next month?"
"Talaga?.. sa tagal na nating hindi nakapunta doon ay nakalimutan ko na."
"I actually forgot too. Tumawag siya at sinabing gusto niya daw akong pumunta doon.. Do you wanna come with me?"
"May klase ka diba? You sure you wanna go there?"
"Pwede naman siguro akong mag-excuse.. 4 days lang tayo doon pagkatapos ay uuwi na."
"Sige,kung yon ang gusto mo.. sasamahan kita." napangiti ako sa sinabi niya.
"Thanks, mom. And oh, I nearly forgot.. Your husband called-"
"Seraphina?" pagalit na sabi ni mom kaya napanguso ako at huminga ng malalim.
"Dad called and he said he want to go here together with his b!tch and the son of the b!tch"
"Anak, hindi na maganda iyang lumalabas sa bibig mo. Hindi na ako natutuwa. Hindi kita pinalaking ganiyan"
"I just can't accept it! You know- of all people! You know how much I am hurt seeing that man! Everytime I look at his face I remember all the things that happened 5 or 6 years ago!" and my vision is starting to get blurry.
"Anak, I know that you're mad at your daddy but please.. it's been years, 5 looong years. Can't you just forgive him?" I just can't believe that she's saying this.
"Seeing you like that?" tanong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Seeing you suffer because of your illness? I don't think I can forgive him that fast" sabi ko at pinunasan ang pisngi ko.
"Anak, daddy mo pa rin siya. Patawarin mo na siya, anak. Mabubuhay ka lang sa galit at ayokong habang-buhay kang magalit sa daddy mo"
"Ayokong alisin ang galit sa puso ko hangga't nakikita kitang nahihirapan diyan sa sakit mo" malamig kong sabi na patuloy pa ring pinupunasan ang pisngi. Maya maya ay may nagdoor bell.
"Tama na, ayokong pag-usapan pa to kahit kailan. Mauuna na ako, nandiyan na si Andrei. Nakapagluto na rin ako ng breakfast ninyo ni Kate. Papasok na po ako."
"Sige, mag-iingat ka anak" sabi ni mom at lumabas na ako.
"Hi!" masiglang bati ni Andrei nang lumabas ako. Pero biglang nawala ang ngiti niya, napalitan ito ng pag-aalala. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.
"Jaiz.. are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Wala sa sariling napatango ako. Saka ako tumingin sa kalsada, kunyaring naghihintay ng tricycle.
"Nandito ang sasakyan namin" gulat naman akong napatingin sa kaniya. Ni hindi ko man lang nakita ang sasakyan nila na hindi naman kalayuan sa gate namin.
"Let's go" hinila niya ako at inalalayan papasok ng kotse nila.
Wala kaming imikan, halatang nararamdaman niyang hindi ako okay. Dahil alam kong hindi tatahimik ang biyahe na ito dahil nagalit siya sakin kahapon.
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...