Seraphina's POV
He has a reason, everything's fine.
Iyan ang paulit ulit na pinapaintindi ko sa sarili ko. I woke up earlier than usual dahil alam kong kakausapin niya ako mamaya. 6:02 pa lang ay nasa labas na ako ng school. Hihintayin ko si Andrei.
Parami ng parami ang mga estudyanteng nagsisidatingan at hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa kinatatayuan ko mula kanina. Maya maya ay nakita kong papalapit sa'kin si Tristan.
"Good morning. Aga mo masyado." nakangiti niyang sabi. Aakalain mo talagang hindi siya nasaktan sa mga nangyari kahapon.
"Hinihintay ko kasi si Andrei" sabi ko at pilit na ngumiti.
"Anong oras ka dumating?" kunot noong tanong niya.
"Around six, I think" nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko.
"God, Seraphina! It's 7:15! Mahigit isang oras ka ng nakatayo dito?!" napapikit ako sa sigaw niya at dahan dahang tumango. Hinatak niya ako papasok ng school at pinaupo sa post ng guard.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Tinext mo na ba siya kung nasaan na siya? Ni hindi mo man lang naisipang umupo?" inis niyang sabi.
"Hindi na ako nag-abalang magtext kasi sinubukan ko siyang tawagan, naka-off ang cellphone niya."
"Edi sana di mo siya hinintay!" sigaw niya sa'kin at nakarinig kami ng tunog ng bell. Hudyat na mag-uumpisa na ang klase.
"Halika na" sabi ni Tristan. Nahihimigan ang inis. Hinatak niya ako pero hindi ako nagpadala. Tinignan niya ako ng masama.
"Hihintayin ko siya. Pumasok ka na" sabi ko. Inirapan niya ako.
"Natin. Hihintayin natin" sabi niya at naupo sa tabi ko.
"Pano yung klase mo?"
"Pano din yung klase mo?" ginaya niya ang boses ko at inirapan niya ako at bumaling sa mga estudyanteng pumapasok.
Patapos na ang first period at nakita ko na si Andrei. Unang tingin mo pa lang sa kaniya halatang nagmamadali siya.
"Andrei!" sigaw ko nang lumampas na siya sa amin. Lumigon siya.
"Talk to you later! I really have to go!" sigaw niya habang tumatakbo pa rin.
"Okay!" sigaw ko pabalik at kumaway kahit hindi niya nakita.
"Ginagago mo ba ako? Seriously, Seraphina?! Anong okay?! Hindi ka pumasok sa first class mo! Alam kong hindi yon okay sa'yo!" galit na sigaw niya.
"Okay lang talaga, Tristan." sabi ko at pilit na ngumiti.
"Seraphina, naghintay ka sa wala! Ilang oras ang nasayang! Ni hindi ko nga alam kung nakakain ka na!"
"B-Busog ako" napapikit ako nang tumunog ang tiyan ko.
Napatingin ako kay Tristan. Masasabi ko talaga na galit na galit na siya. Bigla na lang niya ako hinila papuntang cafeteria. Napakadami ng pinamili niya.
"Kain." malamig niyang sabi.
"Tristan hindi ko to mauubos" mahina kong sabi.
"Wala akong sinabing ubusin mo. Mamaya mo kakainin ang iba." sabi niya at umirap.
~~~
Natapos ang klase namin nang hindi ko man lang namalayan. Matamlay akong naglalakad palabas ng school. Pasipa sipa lang ako sa maliliit na bato at nang mag-angat ako ng tingin, nakita ko si Andrei na nagmamadaling sumakay sa kotse nila.
I thought you'll talk to me. I thought you'll explain everything. Or maybe I just thought? haha.
Mapait akong ngumiti at nagsimulang maglakad. Maya maya ay may narinig akong sumigaw.
"Seraphinaaa!" sigaw ni Tristan. Paglingon ko, nakita ko siyang tumatakbo ng sobrang bilis papunta sa'kin.
"Ano? Nag-usap kayo?" tanong niya na hingal na hingal at ang dalawang kamay ay nasa tuhod. Umiling ako kahit hindi niya nakikita dahil nakayuko siya. Unti unti siya nag-angat ng tingin. Bakas ang pag-aalala sa mukha niya. Bigla na lang niya ako niyakap.
"Shh..." sabi niya habang hinahaplos ang likod ko. Ni hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.
"Tristan.. sinungaling ka. Sinungaling ka. Ang sabi mo piliin ko siya para maging masaya ako. Sabi mo piliin ko siya para hindi na ako mahirapan pa. Pero bakit nandito ako ngayon? Nakayakap sa'yo, umiiyak, nasasaktan? Tama nga bang siya ang piliin ko?"
"Shh.. tahan na." paulit ulit niya akong pinapatahan pero hindi napapagod ang mga luha kong mag-unahang tumulo.
~~~
Kinabukasan ganon pa rin ang nangyari. Hinintay ko ulit siya, late ulit siya pumasok, sabi niya mag-uusap kami mamaya, nang uwian na nauna ulit siyang umuwi kaya hindi kami nakapag-usap. I ended up crying again in Tristan's arms.
"Naiinis na akong makita kang iniiyakan ang pangit na yon. Pakiramdam ko nasayang ang pagsasakripisyo ko." kumawala siya sa yakap at hinawakan ako sa balikat.
"Hanggang. Sampung. Iyak. Ka. Lang. Kapag sumobra pa ilalayo na talaga kita sa kaniya. You understand?" mariing sabi niya. Tumango ako habang singhot ng singhot.
Nang sumunod na araw, naghintay ulit ako. Pero hindi siya dumating, wala siya. Naging busy ako kahit na marami kaming vacant time. Marami kasi akong namiss na topic kakaabsent ko sa first period namin.
Pagod na pagod ako pagkauwi. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at nahiga kahit hindi pa ako bihis. Tinawagan ko muna si Kate na siya na muna ang mag-asikaso kay mom.
Nagising na lang ako dahil naiinitan ako. Nakalimutan ko pala i-on yung aircon. Naligo na lang ako at hinanda ang makakain namin ni mom.
Maya maya naalala kong icheck yung phone ko. Pagbukas ko ng Facebook ko tumambad agad sa'kin ang post ng school namin. Hindi ko na sana ito papansinin pero nakita ko ang pangalan ni Andrei.
"Spotted: Andrei Dominique and Marianne Cruz kissing. This happened last night at Marianne's condo unit." yon yung nakalagay sa post.
Natawa ako.
"That won't happen. That's nonsense"Sa ika-apat na pagkakataon, nandito na naman ako sa labas ng gate ng school. Hinihintay siya. Alam ko namang malabong mangyari yon.
Napangiti ako nang hindi nagtagal ay nakita ko na ang papalapit nilang kotse. Tumigil ito ng mga 5 metro ang layo sa akin. Lumabas si Andrei. Lalapit na sana ako kaso may inalalayan siya. Nakangiti siya habang inaalalayan ito. His face explains that freaking rumor.
Inaalalayan niya si Marie.
Nanlabo na ang paningin ko. Bago pa tumulo ang luha ko, bago pa nila ako makita, tumalikod na ako at nagsimulang tumakbo papuntang first subject ko.
Guess it's the end?🙃
~~~
To be continued...
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...