Seraphina's POV
Panay ang sermon ni Tristan sakin. Ang dami niyang tanong. Bakit daw ako nandito, bakit daw ako tumakas, san ko daw nakuha ang pera, bakit ayaw kong malaman ng iba at marami pa. Syempre sinagot ko naman at hindi ko na mabilang kung nakailang irap ako.
"Sa bahay tayo." sabi ko sa kaniya. Nasa likod kaming dalawa at ang driver nila ay grabe kung makatingin sakin.
Buong biyahe ay puro pagtatalo ang ginawa namin. Nang malapit na sa bahay ay nakita kong ang dami ng bodyguards. Kinabahan agad ako. Napatingin ako sa relo ko. It's 8 in the evening. It's probably 1 in the afternoon there. By now, alam na nilang tumakas ako.
"Tristan, bumaba ka at magtanong sa mga guard kung bakit sila nandiyan."
"Edi magmumukha akong tanga. Simula ng umalis kayo ay nandiyan na sila."
"Shit! Why didn't you tell me earlier?!"
"Eh hindi ka naman nagtanong."
"Nakakainis ka! Umalis na tayo dito!"
"At saan ka pupunta?" tanong niya sakin, nakataas ang kilay.
"Kina Kate" sagot ko at ngumisi sa kaniya.
~~~
"Tristan? Bakit ka nandito? Alam mo namang nagagalit si tatay kapag—"
"Shh.. Calm down" malambing niyang sabi at nakita ko pa ang hintuturo niyang pumipigil sa labi ni Kate. Hinaplos niya ang pisngi ni Kate. Kahit madilim na ay kita dito ang pamumula ng pisngi niya. Kyaaa! They look cute!
"Natatakot lang ako para sayo" mahinang sabi ni Kate at hinawakan ang kamay ni Tristan at dinama ito sa pisngi niya.
"Ehem.. tama na yan, naiinggit na ako." sabi ko at lumabas. Nanlaki ang mata ni Kate at tinanggal ang kamay ni Tristan sa pisngi niya. Kitang kita ang iritasyon sa mukha ni Tristan.
"Ate, nakauwi na pala kayo?" nanginig ang boses niya. Hinawakan siya ni Tristan sa baywang. Agad niya itong tinanggal. Napabaling siya kay Tristan nang magsalita ito.
"Bakit mo ginawa yon?" malamig na tanong ni Tristan. Mukha namang natakot si Kate.
"Ang a-alin?" utal niyang sabi. Hinawakan ni Tristan ang kamay niya pero binawi niya ang kamay niya.
"Iyan! Tinatanggal mo ang kamay ko!" sigaw ni Tristan sa kaniya. Umirap ako.
"Ako lang ang umuwi, Kate. Dito na muna ako sa inyo dahil may mga bodyguards sa bahay. Tumakas lang kasi ako. Wag niyo sanang tawagan sina mom." napunta sakin ang paningin niya.
"Oh sige ate. Pasok na tayo para makapagpahinga ka na" sabi niya at agad na tinalikuran si Tristan.
"Ano? Hahayaan mo ako dito? Ilang araw na tayong hindi nagkikita tapos papasok ka na?" napapikit siya at tumigil sa paglalakad dahil sa sinabi ni Tristan.
"Ikaw na muna ang pumasok ate." sabi niya at binalikan si Tristan. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
"I'm sorry." base sa boses niya ay kinakabahan siya. Hindi kumibo si Tristan. Lumingon ako at nakanguso ang loko at nagcross arms pa. Hinawakan ni Kate ang braso niya at hinaplos. "Uy.. Tristan.. Sorry na.." ang loko ay hindi man lang tinignan si Kate.
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...