Chapter 13

17 4 0
                                    

Seraphina's POV




Hindi ko inasahan na sa ganoong sitwasyon ko makikita si Andrei. Hindi ko inakala na kaya niyang makipag- argh! Ni hindi mabura sa isip ko ang mukha nilang dalawa. Napipicture out ko pa kung ano ang mga nangyari sa loob ng kotse niya. May ginawa kaya silang milagro? Argh! Pakialam ko ba?!





Nasa bahay kami ngayon at pinaghahanda ko ng miryenda si Tristan.





"Anong nangyari sa mukha mo, Tristan? Ba't may mga pasa ka?" narinig ko ang nag-aalalang boses ni mom.





"Hindi naman po sa sinisiraan ko si Andrei pero muntik niya na pong masagasaan si Seraphina kaya sa sobrang galit ko ay nagkasuntukan kami." mahinahong sabi ni Tristan.





"Pero okay lang ako mom. You don't need to worry" agad kong sabi. Alam ko kasing magpapanic agad siya.





"Si Andrei?!" humalakhak siya.
"Parang imposible naman ang sinasabi ninyo." sabi ni mom na natatawa sa amin na hindi kami pinaniniwalaan.





"Believe it or not, we are telling the truth mom. He's with a girl and they look like... like they did something creepy inside the car. Oh crap! I don't wanna talk about it! Gotta go upstairs. Tristan, be the story teller for now." sabi ko at padabog na umakyat papuntang kwarto.





" Hayyy nasstress ang beauty ko" sabi ko habang nakatingin sa salamin. At ngayon ko lang masasabi na ang pangit ko. Hindi nakapagsuklay, bagsak ang balikat, matamlay at maputla. Tanga! sadyang maputi lang! Dahil nasstress na naman ang beauty ko, nakinig na lang ako ng mga kanta ni Taylor Swift. Maya maya ay narinig ko si mom.





"Anak kumain ka na. Handa na ang hapunan."





"Busog pa po ako mom. Kayo na lang." pagsisinungaling ko. Ayaw ko lang kumain dahil wala akong gana. Nakakapanghina kasi ang mga nangyari.





Kung kailan na naaamin ko na sa sarili ko na unti unti ko na siyang nagugustohan, bigla na mang makikita ko siyang lalabas sa kotse niya na gulo gulo ang buhok at uniporme, may lipstick na nagkalat sa labi niya at higit sa lahat may kasamang babae na ang hitsura ay katulad ng sa kaniya.

Di naman masakit...

~~~


Late na ako nagising dahil hindi ako makatulog kagabi dahil sa kaiisip sa mukha ni Andrei at ng babae. Pinauna ko na si Tristan dahil tinatamad talaga ako kumilos mabuti naman at naiintindihan niya ako.




Naglalakad na ako papunta sa room 11 nang madaanan ko ang oval. Nangunot ang noo ko nang may nakita akong mga lalaking nagsusuntukan. Hahayaan ko na sana sila nang makita kong hindi na nakakahinga ng maayos ang nerd na lalaki at dumudugo na ang ilong niya. Tumakbo ako palapit sa kanila. Akmang susuntukin ulit ng lalaki ang nerd pero natulak ko agad ang nerd na nahihirapang huminga.




"Ahh!" sigaw ko nang matumba ako sa sobrang lakas ng pagkakasuntok ng lalaki sa braso ko. Naiiyak ako sa sakit!




"Sh!t.. Jaiz!" sigaw ni...




"Andrei" napapikit ako nang pumiyok ang boses ko. Nilapitan niya ako.




"Jaiz.. I didn't mean to-"




"I'm fine. Dalhin mo siya sa clinic" malamig kong sabi sabay turo sa nerd na hirap na hirap huminga.




"Yes, after I take you there" akmang itatayo niya ako nang tabigin ko ang kamay niya.




DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon