Chapter 15

15 4 0
                                    

Seraphina's POV



"Anak, mukhang puyat ka ah" sabi ni mom habang nagbbreakfast kami.



"Marami po kasi akong ginawa kagabi" pagdadahilan ko.



Anong maraming ginawa?! Eh isa lang naman ang ginawa ko. Inisip ko lang naman ang nangyari kagabi. That was my first kiss! Natutuwa ako at the same time naiinis. Kasi naman noong isang araw nagmake out sila ni Marie  tapos ako naman ang hinalikan niya kahapon! Naiirita na akooo!



"Alam mo, Seraphina? Parang ako lang ang tao dito, kanina pa kita kinakausap eh di ka naman nakikinig" inis na sabi ni Tristan.



"Sorry, kulang lang ako sa tulog" walang gana kong sabi.



Napatingin ako sa mga taong nasa labas ng school. Maya maya ay may kumaway. Argh! Si Andrei! Ngumiti siya, masasabi mo talaga na sobrang saya niya. Lumapit siya sa amin.



"Hi babe! Good morning." nagulat ako dahil bigla niya akong hinalikan malapit sa labi. Tinulak siya ni Tristan.




"Alam mo bang school 'to? Alam mong bawal yung ginawa mo di ba?" sabi ni Tristan.




"Nasa labas tayo ng school. Masama bang halikan ko yung girlfriend ko?" ngising sabi ni Andrei.

girlfriend ko

girlfriend ko

girlfriend ko

*Dug dug* *Dug dug* *Dug dug*


Paulit ulit kong naririnig yung mga sinabi ni Andrei kanina. Ba't ba ang kapal ng mukha niya?!




"Miss Haydelbuhdj!" nagulat ako sa sigaw ng prof naming bakla.



"Yes, sir?" mahina kong sabi.




"You are not listening! If you're not interested in our lesson, the door is wide open!" galit na sigaw ng prof.



"S-sorry, sir" nakayuko kong sabi.

Kainis ka Andrei! Napagalitan ako dahil sa'yo!

~~~

Natapos ang klase namin na masama ang tingin ng prof sa'kin. Papunta na akong cafeteria dahil lunch time na. Malayo pa lang ay na tanaw ko na sina Marie at Andrei na nagtatawanan. Napairap na lang ako nang grabe kung makangiti si Andrei.

Saya ka? Ngiting parang walang bukas ah? Kainis kaaa!!!



Hindi ko sila pinansin at bumili na lang ng pagkain. Akmang magbabayad na ako ay biglang may sumulpot at nagbigay ng pera sa tindera. Inis na nilingon ko siya.



"Excuse me? I don't need your money" malamig kong sabi at binalik sa kaniya ang pera niya.




"I know, I just want to spoil my girl" ngiting ngiti niyang sabi at kumindat pa ang loko.



Binigay niya sa tindera ang pera at hindi na hinintay pa ang sukli. Napatingin ako sa mga pagkain. Inis ko siyang tinapunan ng tingin at binigay sa kaniya ang mga pagkain na dapat ay kakainin ko na.




"Sa'yo na" sabi ko at dali daling umalis. Tinatawag niya ako pero hindi ako huminto. Naiinis ako. Naiinis ako sa kaniya. Naiinis ako na makita siya kasama ang Marie na iyon at grabe pa siya makangiti.




"Alam mo Seraphina,  naiinis na ako sa'yo" nagulat ako nang nagsalita si Tristan.



"Kanina ka pa diyan?"




"Kahapon pa, Seraphina. Kahapon pa" inirapan niya ako at may inabot siya sa'kin.




"Ano 'to?"




"Seraphina?! Pagkain 'yan! Ba't parang lutang ka? Sabihin mo nga sa'kin, may nangyari ba?"



"Sorry kulang lang talaga ako sa tulog" nangunot ang noo niya sa sinabi ko.



"Walang test, Seraphina. At kahit exam pa 'yan, hindi ka napupuyat"




"It's because we kissed." gulat akong napalingon sa likuran.




"A-ano?" tanong ni Tristan kay Andrei.




"She's thinking about the kiss, right babe?" ngising sabi niya at umakbay sa akin.




"Shut up" inis na inalis ko ang kamay niya at iniwan silang dalawa doon.

~~~

Kanina pa ako hindi makatulog. Kung ano ano na lang ang ginawa ko para dalawin ng antok. Nagbasa ako ng mga libro. Nakalimang lesson na ako ay hindi pa rin ako inaantok. Nakinig na din ako ng music pero wala pa rin.




Napatingin ako sa cellphone ko. Hindi ko na pwedeng patagalin pa dahil ayaw kong masaktan pa siya lalo.

To Tristan:

hey! let's go to the park tomorrow. I have something important to tell you.

Nagreply naman siya agad.

From Tristan:

ah.. cge


Sunod ay si Andrei. I just copied my text to Tristan and sent it to Andrei.

From Andrei:

Okay babe! Goodnight!😘



Kailangan kong pumili. Ayaw kong mas lalo pang masaktan ang isa. Kahit na alam kong masasaktan siya sa hindi ko pagpili sa kaniya. Ayaw ko siyang saktan dahil hindi kakayanin ng konsensiya ko. Pero mas hindi matatahimik ang konsensiya ko kapag hindi ko pinili ang taong nagpapatibok sa puso ko.

Ang pipiliin ko ay si...

~~~

To be continued...







Author's Note:

Hello guys! It's been a while. Medyo maiksi po itong update na to kasi.. hindi ko din alam. char. Hindi po kasi ako makapag-isip ng mga magagandang scene dahil masyado akong affected sa nangyayari sa GFRIEND. Nakakalungkot lang kasi isipin as a fan na matatapos sila. Hindi ko alam na ganito pala talaga kasakit. Grabe kasi yung impact nila sakin. Malaking kawalan talaga sila. Synchronisation, Powerful vocals, Killer dance moves, etc. Lahat nasa kanila. Kahit na hindi na sila GFRIEND, THEY ARE STILL GFRIEND IN BUDDY'S HEARTS. BE STRONG MY GIRLS! BUDDIES ARE ALWAYS HERE FOR YOU! YOU WILL ALWAYS BE OUR GFRIEND💖😭

BUDDIES ARE WILLING TO WAIT FOR YOU. WE TRUST YOU. NEOMU NEOMU SARANGHAE, YEOJACHINGU😘

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon