Seraphina's POV
"Mom.." luhaang sambit ko. Napakasakit na makita siyang hinang hina na. May mga kung anong nakakabit sa katawan niya. Kahit nakangiti siya sakin ay ramdam ko ang pagod niya.
"I'm sorry, mom. I'm here now. I promise I'll stay here with you" nagawa niya pang abutin ang pisngi ko at punasan ang mga luha ko.
"Stop iyak na anak" imbes na tumigil ako sa pag-iyak, mas lalo akong umiyak.
"Just don't leave me mom.. please"
"Anak you have your daddy and you have Nathan. You also have Andrei." nakaramdam ako ng galit nang marinig ko ang huling pangungusap.
"I only have you, mom." sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
"Anak, hindi ko naman gustong iwan ka. Pero narinig mo yung doctor diba? Yung nangyari sakin.. It's a sign when a person with cancer is nearing death" mapait siyang ngumiti.
"Shh.. stop it mom. Stop it." sabi ko at pinigilan siyang magsalita gamit ang hintuturo ko. Pero inalis niya ito at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Acceptance is the key, anak. Kailangan mong tanggapin, kailangan nating tanggapin anak. Ngayon pa lang magso-sorry na ako dahil iiwan ka ni mommy. I'm sorry anak." iling ako ng iling habang umaalingawngaw ang iyak ko sa buong kwarto ng ospital.
~~~
Kahit labag sa loob kong magmulat ng mata ay ginawa ko pa rin dahil sa mumunting ingay na naririnig ko.
"Wag nga kasi tayong makialam" bulong ni Kate.
"Eh ggo yun eh. Kailangan ng ilayo yan sa kaniya." galit na bulong ni Tristan. Napatingin ako sa wristwatch ko. Isang oras lang akong natulog. Tinignan ko si mom na mahimbing na natutulog.
"Hindi natin alam ang buong kwento. Kumalma ka nga!" sabi ni Kate. Tumayo na ako at naglakad palapit sa dalawa.
"Tanga mo talaga, Tristan. Yung bulungan ninyo dinig na dinig ko." sabi ko at tumalikod sa kanila nang makita ko ang mga chocolate at mga bulaklak at kung ano anong regalo. Syempre yung chocolate lang yung kinuha ko.
Masaya akong kumakain ng mga chocolate nang makaramdam ako ng pagka-ilang. Tumingin ako sa dalawa. Pareho silang seryosong nakatingin sakin. Tumigil ako sa pagnguya. Kumuha pa ako ng chocolate at tinaas.
"Gusto nyo?" sabay silang umiling. Nangunot naman ang noo ko.
"Ba't ganyan kayo makatingin?" tanong ko at kumagat ulit sa chocolate ko.
"Ah.. eh.. kasi ate.." sambit ni Kate na pinutol ni Tristan.
"Kasi ang tanga mo ba't—" agad na tinakpan ni Kate yung bunganga ni Tristan.
"Ano ba?!" bulong ni Kate at tinignan ng masama si Tristan.
"Ikaw Tristan ha, sating dalawa ikaw yung tanga" irap ko sabay kagat sa chocolate ko.
"Eh ang tanga mo eh. Hindi ka pa nga kumakain ng kanin, kumain ka na ng chocolate!" galit niyang sabi at inirapan kaming dalawa ni Kate.
"Ayy.. bawal yon?" sagot ko habang napapaisip.
"Oo! Kaya hiwalayan mo na. Yung.. chocolate hiwalayan mo." sabi niya at lumabas. Agad na pumasok sa isip ko si Andrei. Nilapag ko na ang chocolate ko at bumalik kung saan ako nakatulog kanina.
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...