Seraphina's POV
"Wife.." napapikit ako sa inis dahil sa bulong na iyon. Inalis ko ang mga kamay niya na nakapulupot sa bewang ko at hinarap siya. Dalawa na lang kami ngayon ang naiwan sa office niya.
"Pahiram ng laptop" sabi ko at lumapit agad sa table niya, walang pakialam kung payag siya o hindi.
"Okay, wife" sagot niya nang makalapit. Marahas akong lumingon at matalim siyang tinignan.
"Tigilan mo ko" sabi ko at tinignan kung nasa headlines na ako.. o kami. Sa ngayon wala pang balita tungkol sa nangyari kanina. Baka mamaya pa.
Natigil ako sa akmang pagtayo nang biglang nilagay ni Andrei ang dalawang kamay sa table, kinukulong ako. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nasa laptop lang ang kaniyang paningin.
"Hmm.. wife" napapikit ako, nagsitayuan ang mga balahibo ko dahil sa malambing na bulong.
"Andrei, ang sabi ko tigilan mo ko" sabi ko at inalis ang isang kamay niya para makaalis ako.
"Where are you going, wife?" rinig ang matunog na ngisi. Alam ko namang inaasar niya lang ako. Humakbang muna ako palayo saka ako humarap sa kaniya.
"Okay, I'm sorry" panimula ko at bumuntong hininga. Unti unti namang napawi ang ngisi niya.
"Sinabi ko lang naman na asawa kita dahil wala akong choice kaya kung pwede.. tigilan mo na yang pang-aasar mo at baka sumugod si Bethany dito at masabihan na naman akong kabit." sabi ko na puno ng pait. Kunot na kunot naman ang noo niya. Nagpatuloy ako.
"Sorry. Asahan mo na lang mamaya na mag-aaway kayo. Selosa siya. Kahit galit ako sa kaniya ayaw ko pa rin naman siyang masaktan. Lalo na dahil pinsan ko siya, kambal pa nga ang turing ko sa kaniya. Ikaw na lang magpaliwanag sa kaniya. Hindi naman siguro kayo maghihiwalay ng dahil sakin. Mahaba-habang suyuan siguro. Again, I'm sorry. Aalis na ako. Wag ka sanang sumunod." sabi ko at dahan dahang umatras. Nag-aalinlangan siyang humakbang.
"W-What are you talking about? I.. I don't understand." sabi niya gulong gulo.
"And ako na rin ang bahala sa media. Kung tatanungin ka sabihin mo wala kang alam sa nangyari or pwedeng wag mo na lang sagutin. Mauuna na ako." sabi ko, binalewala ang sinabi niya at lumabas ng office niya. Gulat naman akong napatingin sa gilid ko. Si Bethany na nakataas ang kilay.
"I'm sorry" mahinang sabi ko at tipid na ngumiti. Magsasalita sana siya pero tumalikod na ako at tumakbo. Akala ko mabilis na ang mga paa ko yun pala ay mas mabilis tumakbo ang mga luha ko.
Tumigil ako sa pagtakbo at sumandal sa pader. Ang lakas ng iyak ko. Sa sobrang tahimik iyon lang ang naririnig ko. Ang sakit pala. Ang sakit palang tanggapin na hindi na kami pwede. Hindi pwede dahil may Bethany na siya at may anak pa sila. Natawa ako nang maalala ko ang sinabi ni Andrei. Napakadaya ko daw. Na masaya na daw ako sa iba tapos siya hulog na hulog pa rin. Natatawa kong pinunasan ang pisngi ko.
"Kailanman ay hindi ako naka-ahon. My love for you is just.. so strong. Sa sobrang lakas nito ay natutumba ulit ako. Natutumba, nadudulas.. nahuhulog kahit hindi naman ako umahon kahit kailan." iyak pa rin ako ng iyak. Ito ang hindi ko kayang sabihin sa kaniya. Natakpan ko ang sariling bibig nang makarinig ako ng tumatawag sakin.
"Jaiz!" sigaw niya. Mas lalo akong napa-iyak. Siya lang ang tumatawag sakin gamit ang second name ko. Ramdam ko ang pagvibrate ng phone ko.
"Jaiz!" rinig ko pa rin ang sigaw niya pati na ang tunog ng sapatos niya, tumatakbo.
"Jaiz.. please answer my call." mahinang sabi niya. Halos pigilan ko ang paghinga nang marinig ko ang boses niyang papalapit.
"Babe.. Babe, please. Babe.." umiiyak siya..
"Andrei!" alalang sigaw ni Bethany.
"No! Don't touch me! She'll get jealous! My babe will get jealous!" para siyang batang nagrereklamo. Inalis ko ang sapatos ko at naglakad palayo na hindi gumagawa ng ingay. Naririnig ko pa sila pero hindi ko na maintindihan.
~~~
"Ate.. tahan na" maingat at mahinhing sabi ni Kate. Nakahiga ako ngayon at umiiyak, si Kate naman ay hinahaplos ang buhok ko.
"Nakapagluto na ako ate. Kumain ka na po" malungkot niyang sabi. Umiling ako. Bumuntong hininga siya.
"Ate ayaw ni tita na ganito ka. Alam mo pong mag-aalala siya." natigilan ako sa sinabi niya. Dahan dahan akong bumangon. Ngumiti naman si Kate. Pinunasan niya pa ang pisngi ko.
"Ayan ate.. maganda ka na po ulit" ngiting sabi niya.
Bumaba kaming pareho at nakahanda na ang pagkain. Kumain kami at kung ano ano na lang ang sinabi ni Kate dahil tahimik lang ako. Bigla ay tumunog ang phone ko. Wala akong ganang sagutin ito kaya kinuha ni Kate at tinignan kung sino ang tumatawag.
"Ate.. si k-kuya po.." alinlangang sabi niya. Umiling agad ako. Tumango naman siya at pinatay ang tawag. Tumawag ulit ng ilang beses pero pinapatay lang ni Kate.
"Kate" basag ko sa katahimikan. Inosente naman siyang tumingin sakin.
"Po?" tanong niya.
"Nakapunta ka na ba sa bar?" kita ko ang gulat niya sa tanong ko.
"Hindi po ako nakapasok. Ayaw ni tatay. Gusto rin akong isama ng mga kaklase ko kaya lang nasa labas pa lang ng bar.. ano po.. ahm.. ate.. kasi.." hindi niya matuloy ang sasabihin. Hula ko..
"Kinaladkad ka ni Tristan pauwi, tama ba?" ngumisi ako. Yumuko naman siya at napanguso.
"Hay nako, ewan ko sa inyo." sabi ko at tumayo.
"Tara sa taas.. tatakas tayo." bulong ko sa kaniya.
"Ate baka mag-alala si tatay" sabi ni Kate habang nagbibihis.
"Ako na ang magpapaalam. Akong bahala sayo." sabi ko at ngumiti.
Nang tapos na akong magsabi kay Kate kung anong plano ay agad kong nilapitan si Dun.
"I need a car" malamig kong sabi. Rinig ko na ang papalapit na si Kate, umiiyak kunware.
"Ate.." iyak niya at kumapit sa braso ko.
"Shh.. panget naman iyong bagong girlfriend. Ang importante ay maganda tayo." sabi ko kay Kate at hinaplos ang pisngi niya. Bumaling ako kay Dun.
"May pupuntahan lang kami. Kailangan niyang ilabas lahat ng sakit." malungkot kong sabi.
"I'll tell my men to escort—" agad siyang pinutol ni Kate.
"H-Hindi ako sanay na may mga ano.. ate.." ngusong sabi ni Kate.
"Hindi siya komportable kung kasama kayo. Uuwi rin kami pagkatapos ko siyang ihatid." tumingin lang siya sakin ng seryoso.
"Or you can call dad. Tell him that Kate's broken hearted. I know he'll understand." seryosong sabi ko. Wala siyang nagawa kundi ang tumango.
~~~
To be continued..
Hi! Antok na ko.. nyt!✨
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...