Seraphina's POV
"Good morning class" matamlay na bati ng baklang prof namin.
"Good morning, prof"
"Regarding sa ating College Musical, napagmeeting-an kanina na i-separate ang girls at boys. Of course madaming prof na hindi pumayag dahil mahirap mapilit ang mga boys ng school natin. Pero ang kanilang dahilan ay malamang girls talaga ang mananalo kapag pinaghalo ang babae't lalaki pero kapag daw separate ay magkakaroon ng chance na manalo din ang mga lalaki." madami ang napatango tango sa sinabi ng prof.
"Ang problema nga lang ay walang willing na sumali. Paniguradong pahirapan ang paghahanap." naiiling na sabi ng prof.
"Idaan mo na lang sa incentives, prof! Matetempt silang sumali!" sabi ng class president namin. Napatingin ako kay sir. Ang kaninang busangot ay nakakaloko na ang ngisi ngayon.
"Thank you for that, miss president! So ganito boys, kapag sumali ay hindi na kukuha ng exam sa subject ko. Kapag nanalo naman ay magkakaroon ng plus 2 points sa final grade. For example, 89 yung grade mo kapag nanalo ka ay magiging 91 na ang nakalagay sa card mo." nakangising sabi niya at nagpatuloy sa pagsasalita.
"Pero dahil wala akong makitang lalaking magaling kumanta dito ay sa ibang course ako maghahanap." humagalpak siya sa tawa. Nanghinayang naman ang mga kaklase ko dahil masyadong mahirap ang subject na ito kaya bihira lang ang nakakakuha ng line of 9 sa kaniya.
"Okay, now get one whole sheet and answer this" sabi niya sabay taas ng makapal na questionnaire.
Nang natanggap ko na ang questionnaire ay nagsimula na agad ako. Nadiscuss naman na niya ito last week kaya madali lang sagutan. Maya maya ay tumayo na ako at nagpasa ng papel.
"May vacant time ka ba mamaya?" tanong ng prof.
"Yes, prof. From 1 to 2 o'clock po." sagot ko.
"Punta ka sa room 22, doon mo yon mahahanap sa building ng mga business ad."
"Okay, prof. Am I allowed to go now?"
"Yes. You may go to your next class" tumango ako sa sinabi niya.
~~~
Hindi ako sumabay kumain sa dalawa. Medyo nahihiya ako sa iniasta ko kahapon. Nasayang ang oras nila. Pero hindi ko na muna yon iisipin dahil pupunta pa akong room 22.
Nang nasa harap na ako ng building ay nagsimul na akong umakyat sa hagdan. Nagulat na lang ako nang makarinig ng mga yapak, mga tumatakbo kaya nagbigay daan ako. Pero kahit na nasa gilid na ako ay nabangga pa rin ako ng mga tumatakbo kaya napaluhod ako. Hindi man lang nila ako nilingon at tinulungan! Mga walangya!
Masakit na ang tuhod ko kaya umupo muna ako patalikod sa ibang mga estudyanteng umaakyat. Maya maya ay sapilitan akong pinatayo. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakakunot na ang noo ni Andrei.
"Babe, kung gusto mo akong puntahan dito sana ay nagsabi ka" chosero to!
"At sinong tanga ang nagsabing pupuntahan kita dito?" sabi ko sabay irap at bumaling sa namumula kong tuhod.
"Eh sino pa bang pupuntahan mo dito? diba ako lang? at napano na naman iyang tuhod mo? Namumula oh!" sabi niya sabay luhod at in-inspeksiyon ang tuhod ko.
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...