Chapter 58

6 3 0
                                    

Seraphina's POV




Ilang linggo pa lang ang lumipas at naging close agad kami ni Mr. Cruz— Jaeus pala. Jaeus na lang daw kasi ang tanda daw pakinggan pag tinawag ko siyang Mr. Cruz.




Nahihiya na nga ako dahil parang wala pa akong natututunan dahil puro tawa na lang ang ginagawa ko kapag nagtuturo siya. Pinapagalitan tuloy kami ng secretary ni Andrei. Pano ako hindi tatawa eh minsan nilalait niya ang mga business proposals at sinasabing wala naman daw kwenta. Minsan ay sinisingit din niya ang kaniyang magic tricks.




Sa loob ng ilang araw na yon ay hindi kami nagpansinan ni Andrei. Kahit magkasama kami sa iisang building, iisang lobby, iisang elevator, wala! Hindi talaga namin pinapansin ang isa't - isa. Ni hindi nga siya pumapasok sa office ng secretary niya.




"Naiintindihan mo ba?" tanong ni Jaeus habang nagbabasa ako. Binalik ko ang mga bond paper at walang gana siyang tinignan.




"Hinde." sabi ko na tinawanan niya.




"Kasi ayaw mong pag-aralan to." sabi niya at naglahad ng kamay.




"Tara. Kain na muna tayo." tinanggap ko ang kamay niya at sabay kaming bumaba.




Doon kami pumwesto sa part na hindi ako mapapansin ng mga tao. Payapa lang kaming kumakain nang biglang nilapit ni Jaeus ang mukha niya sakin. Nailang agad ako at hindi alam ang gagawin.




He held my cheek and snapped. May isang rose na agad sa kamay niya.




"For you." nakangiti ko naman itong tinanggap.




"Aww, thank you!" sabi ko at tinabi ito. Nagpatuloy kami sa pagkain. Nang natapos ako ay pinaglaruan ko ang rosas sa isang kamay.




"Let's go?" tanong ni Jaeus sabay hawak sa kamay ko. Tumango na lang ako at sumunod.




Pasara na sana ang elevator nang hinarang ni Jaeus ang kamay niya at pinauna niya ako. Humakbang ako papasok at natigilan nang makita ko si Andrei na nakasandal at nakapamulsa. Hindi ko rin alam sa sarili ko pero agad kong binitawan ang kamay ni Jaeus.




Nang tuluyang sumara ang elevator ay nagsalita si Andrei.




"There's someone in my secretary's office. She's looking for you, Mr. Cruz." malamig sa sabi ni Andrei.




"Oh, really? Wala naman akong ibang schedule today." takang sabi ni Jaeus.




"I bet she's your wife.. and she's very mad. She even yell at me." seryosong sabi ni Andrei. Agaran naman ang paglingon ko sa kaniya at nagulat nang magtama ang paningin namin. Umiwas ako ng tingin nang irapan niya ako.




Tss.. suplado!




Hindi na sumagot si Jaeus nang bumukas na ang elevator kaya tumakbo siya. Lumabas na rin ako agad at susunod na sana kay Jaeus nang may humawak sa palapulsuhan ko.




"Let's go to my office. Doon ka na rin magtanong" mabilis niyang sabi at hinatak ako.




"Bakit?" tanong ko agad nang makapasok kami sa office niya.




Hindi siya sumagot at dumiretso sa table niya at kumuha ng alcohol mula sa drawer niya.




"Kamay" napatulala ako dahil tunog galit iyon.




"Ano na naman ba ang ginawa ko at galit ka na naman sakin?" inis kong tanong. Lumapit siya sakin at nilagyan ng alcohol ang kamay ko, tumutulo pa ito sa dami ng nilagay niya. Inirapan pa muna niya ako bago tumalikod.




"Hoy ikaw!" napalingon ako sa pinto nang marinig ang galit na sigaw na iyon. Palapit sakin ang babae at kasunod nito si Jaeus na pilit itong pinipigilan.




"Walang hiya kang kabit ka!" sigaw niya nang makalapit sakin at umamba ng sampal. Sa gulat at takot ko ay yumuko lang ako at pumikit, hinintay ang palad niya sa pisngi ko.




Rinig ko ang pagdapo ng palad sa pisngi pero ramdam kong hindi ko pisngi yon. Nang mag-angat ako ng tingin ay ang itim na tux ni Andrei ang nakita ko. Nakabaling lang sa kanan ang mukha ni Andrei. Pinaharap ko siya sakin at nanlaki ang mata ko nang magmarka ang kamay ng babae sa pisngi niya. Agad na nag-init ang ulo ko. Hinila ko siya at pinaupo sa swivel chair niya.




"Wag kang tatayo dyan ah" banta ko sa kaniya.




"Jaiz, no! Wait!" sigaw niya nang talikuran ko siya. Mabilis akong naglakad palapit sa babae.




"Kabit ka! Nilandi mo ang asawa ko para puntahan ka niya dito! Hindi ka na nahiya!" agad siyang natahimik nang buong lakas kong sinampal ang kaliwang pisngi niya. Inalalayan agad siya ni Jaeus. Ilang sandali ay nakabawi siya at sarkastikong tumawa.




"Ang tapang mo ah?" magsasalita na sana ulit siya nang ang kanang pisngi niya naman ang buong lakas kong sinampal. Napangisi ako, natutuwa sa lakas ng tunog ng paglapat ng palad ko sa pisngi niya. Hahakbang na sana ako palapit sa babae nang maramdaman kong nakapulupot na pala ang braso ni Andrei sa bewang ko.




"Jaiz, enough" bulong niya. Hindi ko na lang pinansin at pilit nilapitan ang babae.




"Ano? Masakit ba?" ngisi ko sa babae. Tinignan niya ako ng masama. Nagtangka ulit akong lumapit sa babae nang bigla na lang pisilin ni Andrei ang bewang ko.




"Jaiz, please. Wag ka ng lumapit." malambing niyang bulong.




Leche ka Andrei! Hindi ako pwedeng manghina ngayon.




"Oo naman. Natural na malalakas kasi ang mga kabit." inis naman akong napakamot sa gilid ng ulo ko nang magsalita ang babae.




"Bobo ka! Sino ba kasing kabit dito, ha?! Ano, ikaw lang ba may asawa?! Kung may asawa ka, m-meron din ako!" nag-alinlangan pa ako sa huling sinabi ko.




"At sino ang asawa mo?! Si Jaeus?!" ay nakakastress tong babaeng to.




"Malamang hindi! Tanga ka! S-Siya ang a-asawa ko!" sabi ko sabay turo kay Andrei.




"Shit" mahinang bulong ni Andrei.




"Tama na, Aina. Umuwi na tayo" sabi ni Jaeus sa babae.




"May asawa ka na pala, eh bakit mo pa nilalandi ang asawa ko?" ayaw talagang tumigil eh!




"Sabog ka ba? Para sabihin ko sayo ang asawa ko lang ang kaya kong landiin! At tignan mo naman! Sa ganitong mukha ng asawa ko ipagpapalit ko pa?!" inis kong sigaw.




"Damn, babe" halos hindi ko na marinig ang bulong na iyon. Bahagya kong sinilip ang mukha niya.. nakayuko na siya at nakangisi, kagat ang labi.




Napalingon ako sa pinto nang kumalabog iyon. Pumasok si Dun kasunod ang ibang guards. Agad na napataas ang kilay niya sa ayos namin ni Andrei. Sinenyasan ni Andrei ang mga guards bago bumaling sa babae.




"Enough with this nonsense, miss. My wife never did such things. You may now leave. My wife needs to rest. Stress is not good for the baby." naestatwa ako nang halik-halikan ako ni Andrei sa gilid ng ulo ko at hinimas ang tiyan ko.


~~~

To be continued..

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon