Chapter 27

9 4 0
                                    

Seraphina's POV




Nang nasa stage na siya ay sobrang ganda ng ngiti niya, at talagang sakin agad siya tumingin. Nagulat naman ako nang kumaway siya sakin, nakuha lang namn niya ang atensyon ng lahat. Naramdaman kong hinawakan ni Andrei ang kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya,ngumiti siya sakin na parang sinasabi niyang okay lang ang lahat.




"Ay taray.. kinawayan ka gurl." pabulong pang sabi ng bakla, ni hindi niya man lang namalayang nakamic siya kahit siya ay nagulat eh. "Uhm.. Jusko mapapa-english tayo bakla! Uh.. Do you know each other sir?" tanong niya kay dad, agad akong umiling. Pero hindi yata nakuha ni dad ang ibig kong sabihin.




"Yes, of course. We look alike, right?" napapikit ako sa inis at wala sa sariling hinigpitan ang paghawak ko kay Andrei.




"Oh, you mean you're related?" tumango naman si dad.




"She's my lovely daughter" sa oras na 'to ay gusto kong maging bula. Ang ganda ganda ng ngiti niya, palihim akong umirap. Nang matuon sa ibang direksyon ang mata ko, nakita ko ang babaeng nakataas ang kilay sakin at may batang lalaking kumakain ng lollipop sa tabi niya.




Hindi ko na nasundan pa ang pinagsasabi nila sa stage at ang narinig ko na lang ay..




"Be ready contestants, the contest will resume in less than ten minutes. Thank you."




"Hi baby, Surprise!" he said happily as if I'm pleased to see him.



"What are you doing here?"



"To support you."



"How did you know? I don't remember telling you."



"Well, Sarah told me." sinasabi ko na nga ba. Noong debut ko busy siya sa phone, noong mga nakaraang araw ay busy rin siya sa phone niya. Tinignan ko si mom ng masama, tahimik lang siya.



"Punta lang akong canteen" hindi ko na hinintay ang sagot nila, tumakbo na ako kung saan. Ayokong harapin si dad,nagagalit ako. Sobrang bilis kong magalit to the point na nakakalimutan kong magulang ko siya.




Hindi ako pumuntang canteen, dumiretso ako sa cr. Hindi pa ako tuluyang nakapasok sa cr ay may narinig akong kanta.



"Where do broken heart goes?"



"Sa CR!" sagot ko sa kantang yon.




Doon ako umiyak ng umiyak. Bumalik siya dito at sinama ang pangalawang pamilya niya. Ang sakit, ang sakit sakit.. konting respeto naman sana samin ni mom. Ang mukha ng lintik na Mirabell ay nagsisigaw ng kayabangan. Parang sinasabi sakin na 'Ano? kompleto ang pamilya ko'.. napakasarap basagin ang pangit niyang mukha. Ang sarap ipamukha sa kaniyang 'Anong pinagyayabang mo? eh kabit ka lang naman?'.. kaso hindi ko kaya. Magagalit sakin si mom kapag pinagsalitaan ko ng masama ang lintik na yon.




Naghilamos na ako pagkatapos kong umiyak, naghilamos ako hanggang sa mabura ang make up ko. Hinayaan ko lang tumulo ang tubig sa mukha ko dahil wala naman akong dalang panyo. Wala sa sariling nakabalik akong gym. Nahagip ng mata ko si mom na pinupunasan ang pisngi ni Nathan. Maya maya lang ay lumapit si Mirabell at mahinang tinulak si mom at dali daling kinuha ang anak.




"Don't you dare touch my son" sabi niya na tinignan pa si mom mula ulo hanggang paa na animoy diring diri. Agad akong lumapit at buong pwersa siyang tinulak kaya natumba siya.




DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon