Seraphina's POV
Nag-aya si dad na magdinner kami kasama sina Andrei, Tristan at family niya. nandito kami ngayon sa restaurant nina Andrei, sagot niya na daw dinner namin.
tsk tsk.. masyadong masaya ang boyfriend ko... Oh my gosh!!!! boyfriend ko na siya!! hoo! kalma lang self.. calm down, masyado ng malande.
Tahimik kaming kumakain nang magsalita si dad.
"Aren't you going to introduce your boyfriend?" ang sarap sagutin ng aren't you there earlier? pero dahil good mood ako at may mga kasama kami, behave lang ako.
"Mom, dad.. everyone, I'll formally introduce my boyfriend.. Andrei Dominique." sabi ko at nilingon ang katabi kong kulang na lang ay costume para magmukhang clown, eh sa kanina pa mukhang tangang nakangiti.
"I'm so happy for you both. Congratulations! Please take care of my daughter." nagkamayan sina dad.
"Of course, dad. She'll experience my tender love and care" I just rolled my eyes.
"WHAHAHAHA pinagsasabi mo? eh ikaw pa nga hinarana" singit ni Tristan.
"Kasalanan mo! May pashare pa ng mic, yuck!" diring diring sabi ni Andrei. Tumawa lang kami.
"Akala ko nga ay kayo ni Tristan ang magkakatuluyan, eh ito kasi ang hina eh." bumusangot naman si Tristan.
"Ma, wag mo naman akong ipahiya dito at tsaka marami pa namang iba diyan" sabi ni Tristan at tumingin sa kaharap, medyo nagkagulatan pa sila nang magtama ang paningin.
tsk tsk.. Tristan, bata pa ang isang yan..
"Kate, ilang taon ka na nga?" mahina kong tanong kay Kate pero si Tristan ang tinitignan ko.
"16 po, ate" inosenteng sabi ni Kate. Nangunot naman ang noo ni Tristan nang isenyas ko si Kate gamit ang mata at tinutukso sa kaniya.
Lokong to.. sa patingin tingin pa lang ay halata na masyado.
"Why are you looking at each other?" natigil ang pagtukso ko ky Tristan nang sinabi yon ni Andrei at napunta sa kaniya ang atensyong ng lahat.
"Bakit? Bawal ba?" mahina kong sagot. Wala akong nakuhang sagot sa kaniya, pinisil niya lang ang pisgi ko. Napatili naman si mom at kinalabit si Kate.
"Kita mo yon, Kate? Ang cute nila!" wala sa sariling tumawa lang si Kate. Itong si mom kita ng abala sa pagtingin yung isa kay Tristan pinutol niya pa.
Napansin kong kanina pa nakatingin ang mama ni Tristan sa tahimik na kumakain sa si Mirabell. Hanggang sa hindi na siya nakatiis.
"Kapatid ba yan ng daddy mo?" tanong niya. Napatingin naman si dad samin.
"Introduce her, dad. They're curious." sabi ko.
"Uh.. Uhm.. Everyone, she's Mirabell.. she's my wife. And this is Nathan, my son" My ears hurt.. It pains me hearing him call Mirabell as his wife when he is still married with mom. Natahimik naman ang mama ni Tristan. Nagsimula namang magkwento si mom to lighten up the mood.
"Where are you staying?" tanong ko kay dad nang pauwi na kami.
"Hotel" tipid niyang sagot.
"Hotel?! We have guest rooms at home, dad. Why stay at the hotel?"
"Am I welcome?" medyo malungkot niyang tanong. Nag-iwas ako ng tingin.
"The last time we talked you were not. But I'm in a good mood so you are welcome."
"That's good to hear but I can't leave them."
"Who told you you'll leave them?" I rolled my eyes.
Nilabas ko ang phone ko at tinext si Andrei.
Me:
Hey Andrei.. you home?
Andrei:
Hindi ka na nga nag- I love you sakin, hindi mo pa ako tatawaging babe?
Me:
OA mo na ah! Oh cge na.. babe naka-uwi ka na? oh ano? okay na?
Andrei:
Hindi pa rin.. napipilitan ka eh
Me:
Ewan ko sayo
Nang makarating kami sa bahay, inasikaso ko muna si mom hanggang sa makatulog siya saka ako pumasok sa kwarto. Nag-shower, nag-toothbrush, inayos ang bed and tada~ tapos na. Nakapikit na ako nang magring ang phone ko.
Andrei Calling..
"Hello?"
"Hindi ba pwedeng may kasunod na babe yang hello mo?" sa inis ko ay pinatay ko ang tawag.
Andrei Calling..
"Hello babe?" sabi ko nang sagutin ko ulit yung tawag.
"Bakit mo ko binabaan?!"
"Diba sabi mo gusto mo marining na may kasunod na babe yung hello ko.. edi pinatay ko para tumawag ka ulit at boom! Narinig mo diba? Ba't ka na naman na gagalet?"
"Ewan ko sayo"
Oh my.. first day, first argument, first tampo?
"Babe?" as expected hindi sumagot ang loko.
"I love you" natahimik ang kabilang linya, kahit hininga niya ay hindi ko naririnig.
"Babe? Hello? Babe? You still there?" tanong ko. Bigla na lang siya tumawa.
"WHAHAHA.. gusto ko na lang tuloy mag tampo araw-araw para araw-araw ka rin mag- I love you sakin."
"Ngayon lang to noh!" tumawa lang siya.
"I miss you, babe"
"What? Ilang oras pa lang tayong hindi nagkikita ah?"
"I want to see you, I want to hug you. And then punish you" napangiti ako. kyaaa!
"You can't punish me"
"Uh-huh? I'll give you a sweeter punishment."
"Stop it! Matulog na nga tayo."
"AHAHAHA I know you're blushing, babe"
"Shut up. Good night"
"Good night, babe. Sweet dreams, I'll punish you in your dream" alam kong nakangisi siya.
"Mm.. love you too. Good night"
~~~
To be continued..
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...