Chapter 55

7 3 0
                                    

Seraphina's POV


"Ewan ko." walang gana kong sagot sa paulit-ulit nilang tanong.


Kung bakit daw sumagot yung gago nung sumigaw akong 'babe'
Pano ba naman hindi sasagot eh yun yung—wag na yoko na sabihin.


Mabuti naman at tinigilan nila ako. Napakachismosa't chismoso nila. Si Benedict naman ay palihim na natatawa. Siya lang naman kasi nakakaalam.


Umuwi ako at nagpahinga. Hinintay kong antukin ako pero wala eh, gising pa rin ako. Naalala ko ang mga nangyari kanina. Nainis lang ako at naisipan ko na lang na bumaba at binuksan ang ref. Ayaw ko namang kumain ng kanin kaya mga chocolate na lang ang kinuha ko. Bumalik ako sa kwarto ko at nahagip ng mga mata ko ang phone ko. Naisipan kong tawagan si dad.


"Ayoko talaga dad! Hindi ako magpapaturo sa kaniya!" agad kong sigaw nang sagutin niya ang tawag.


"HAHAHAHAHA!" buong akala ko ay makakatanggap ako ng sermon dahil sa pagsigaw ko pero humagalpak siya ng tawa.


"Dad!" inis kong sigaw.


"Oh, sorry for laughing. I told you, you have no other choice."


"Dad! Please! I'm not stupid! I know you're up to something!" gigil kong sigaw. Napatingin ako sa chocolate na hawak ko at gigil ko itong kinagat at nginuya.


"And?" natatawang sagot niya.


"That's all you're gonna say?" inis kong sabi.


"What else do you want me to say?" painosenteng tanong niya.


"Dad, please. Hindi na ko natutuwa." mahinahon, napapapikit kong sabi.


"Fine, fine. Just try and call me if you're having a hard time then I'll decide if you stop and do whatever you want." seryosong sabi niya.


"Okay." sagot ko at pinatay ang tawag at pinagpatuloy ang pagkain ng chocolate.


~~~


Kinabukasan ay pumunta akong salon. Nainis ako nang makitang magkatulad na naman kami ng buhok ng lintik kong pinsan. Kaya magpapakulay ako ng buhok. Kulay black ulit para mas maganda ako kesa sa kaniya.


Tumunog na naman ang phone ko. Hinahayaan ko lang itong tumunog, gusto ko lang magrelax ngayon. Bahala na kung importante basta magrerelax ako ngayon.


Gabi na nang matapos ang pagpapakulay ko ng buhok. Dumiretso akong mall at nag-ikot-ikot. Tinamad akong mamili ng kung ano dahil ayaw kong magbitbit. Nalibang ako kakatingin ng mga stuff toy nang bigla na lang akong may nabunggo.


"Sorry." sabi ko at aalis na sana nang may humawak sa braso ko.


"Seraphina?" nakangiti niyang sabi. Yung nerd na nasuntok dati ni Andrei.


"Uh.. hi? Sorry nga pala ulit. Hindi kasi ako nakatingin." nahihiya kong sabi.


"No, it's fine. Mag-isa ka lang? Saan punta mo? Samahan na kita." sabi niya at nagsimulang maglakad.


"Uh.. wala naman akong pupuntahan. Nag-iikot-ikot lang." sabi ko at kakamot kamot sa likod ng tenga.


"Oh, it's past 7 pm na. Tara dinner tayo, treat ko." hindi na ko nakatanggi nang hinatak niya ako.


Nang maka-upo ay agad siyang nag-order. Pag-alis ng waiter ay bumaling siya sakin at ngumiti. Ang cute ng singkit niyang mga mata!


"So, kumusta ka na? Okay na ba ang tuhod mo?" tanong niya.


"Ah, oo. Naging maayos naman ako non kinabukasan" sabi ko.


"Mabuti naman."


"Uh.. ano palang pangalan mo?" nahihiya kong tanong.


Hello? Treat niya tas hindi ko man lang alam pangalan niya. Di ba nakakahiya?


"Di nga pala ako nakapagpakilala sayo, I'm Simone but you can call me Sy." ngumiti siya at dumating ang order namin.


Nagkwentuhan kami habang kumakain. Nalaman kong supplier pala siya ng mga kung anong kailangan sa mga bahay, hotels and restaurants. Ang dami naming napagkwentuhan. Paminsan minsan siyang nagbibiro kaya nauwi sa tawanan ang kaninang pagkailang ko.


"Hope you enjoyed our dinner." ngiting sabi niya nang makaalis na kami sa restaurant.


"I really enjoyed it. Ang saya mo palang kasama." sabi ko at ngumiti sa kaniya. Bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko.


"Really? Ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng nag-enjoy na makasama ako." seryosong sabi niya at saka tumawa. Pilit akong ngumiti at nagpatuloy sa paglalakad. Hinayaan ko lang ang kamay niya.


Ilang sandali pa nang tumunod ang phone ko. Nang tingnan ko ay hindi nakarehistro ang number kaya hinayaan ko lang ito. Bumaling ako ky Sy.


"Uhm.. treat ko naman next time." nahihiya kong sabi. Lumiko kami at napatigil sa paglalakad nang may bigla na lang may humarang samin.


"There will be no next time." walang ganang sabi ni Andrei na nakapagpaikot sa mata ko.


Hindi ko siya pinansin at basta ko na lang hinawakan ang kamay ni Sy at naglakad sa ibang direksyon. Natigil ulit kami nang humarang ulit ang gago. Sa inis ko ay hinarap ko siya at inirapan.


"You're blocking our way." pigil ang inis kong sabi.


"Hmm.. You're coming with me." sabi niya at nakataas ang kilay na nakatingin sa magkahawak naming kamay ni Sy.


"I'll take her home." sabi ni Sy na tinawanan ng loko at bumaling sakin.


"Isusumbong kita sa daddy mo." sabi niya sakin at binalik ang paningin kay Sy.


"Wala kaming ginagawang masama." mariing sabi ni Sy.


"Holding her.. Yun ang masama." sagot ni Andrei na halatang nagsisimula ng magalit.


"Siya ang humawak sa kamay ko." ngising sabi ni Sy at tinaas pa ang kamay naming magkahawak. Bigla na lang sumugod si Andrei at kwinelyohan si Sy.


"You were holding her wrist" gigil na sabi ni Andrei habang umiigting ang panga. Agad akong pumagitna sa dalawa.


"Andrei tama na! Let go of him." sabi ko pero hindi siya nakinig. Nagugulat ko namang nilingon si Sy nang bahagya itong tumawa.


"Still territorial, huh?" mapang-asar na sabi ni Sy.


"Wag!" sigaw ko nang umamba ng suntok si Andrei at mabilis ko siyang hinawakan sa braso.


Halos manginig ako sa takot nang bumaling siya sakin na galit ang mga mata at biglang tinabig ang kamay ko kaya napaatras ako. Hindi na niya hawak si Sy at matalim ang tingin niya sakin.


"Fucking follow me." he said while clenching his teeth and started to walk like a very mad man.


"Uh.. sorry Sy. I really have to go" nagmamadali kong sabi at hindi na hinintay ang sasabihin niya at tumakbo na pasunod kay Andrei.


~~~

To be continued..

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon