Andrei's POV
Paghinto ng sasakyan ay agad siyang lumabas. Sumunod kami ni Luke. Halos sabay kaming napamura nang makilala siya ng mga tao. Wala siyang mask at cap! Tinanggal niya kanina! Unti unting lumalapit ang mga tao sa kaniya pero tumakbo siya papasok ng ospital. Ang iba ay hinaharangan siya at gustong magpapicture.
"I'm sorry. Not now, please! Excuse me!" rinig kong sigaw niya. Nang maabutan namin siya ay hahawakan ko na sana pero nahila na siya ni Luke. Napahinto ako. Tinanaw ko silang sabay na tumatakbo papunta sa isang room. Lumabas doon ang daddy niya. Binawi niya ang kamay niya at yumakap kay tito. Naglakad ako palapit sa kanila.
"Where's mom? Is.. is she okay? How about grandpa?" sabi niya habang umiiyak at yakap ang ama. I saw how her dad's jaw clenched. He stayed silent. Kumalas si Jaiz sa yakap at pumasok. Nag-uusap sina tito at Luke kaya hindi na ako tuluyang lumapit. Pagtalikod ko ay nasa harap ko na ang babaeng hindi ko inaasahang makita dito.
"It's been a long time.." ngumisi siya. Hinila ko siya sa gilid para hindi kami makita ni Tito o ni Luke lalo na ni Jaiz.
Why the heck is she here?
~~~
Seraphina's POV
Nakaupo ako sa gilid ng hospital bed ni mom at nakahawak sa isang kamay niya, umiiyak pa rin. Ilang minuto bago ako dumating ay tulog na siya.
"I'm sorry, mom.. I'm really sorry.." paulit ulit kong bulong.
Biglang may humarang sa paningin ko. Panyo. Umangat ang tingin ko kay Luke na nakaiwas ang paningin. Kinuha ko ito at pinunasan ang pisngi ko.
"Tahan na. Ilang oras ka ng umiiyak. Tama na." sabi niya, hindi pa rin nakatingin sakin. Umiling ako.
"Kasalanan ko. Kasalanan ko.. kung hindi lang sana ako umalis." naluluha na naman ako.
"Matagal ng stressed ang mommy mo. Kahit hindi ka umalis ay lumalala pa rin siya." simpleng sabi niya.
"Kasalanan ko pa rin." pagpupumilit ko.
"Matagal ng stressed ang mommy mo sabi ng doctor. Kailangan daw siyang i-chemotherapy kaso ayaw niya. Kahit anong pamimilit ng daddy mo ayaw niya talaga. Sabi niya ay uuwi siya ng Pilipinas para makasama ang mga kamag-anak niya. Doon niya daw gustong.. gustong.. " hindi niya masabi. Alam ko ang ibig niyang sabihin.
" Why are you telling me this?" takang tanong ko.
" Dahil hindi kaya ng daddy mo" sabi niya at umigting ang panga niya.
Napalingon kami nang bumukas ang pinto. Niluwa niyon si Mirabell na may madilim na mukha. Hindi ko alam pero iba talaga ang aura niya ngayon. Sunod na pumasok si Andrei na hinihingal at namumutla. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa.
"Mirabell.. you didn't bring Nathan?" tanong ko. Binalewala niya ito at umupo na. "Please keep an eye on my mother. I'll go to grandpa's room." sabi ko at tumayo na. "Samahan mo ko" sabi ko kay Luke.
"Then what about me?" singit ni Andrei sa malamig na boses. Nangunot ang noo ko.
"What? The people out there recognized me. He's my bodyguard. What's the problem?" inosenteng tanong ko. Nagulat kami nang natawa si Mirabell.
"And you act jealous?" she said with full sarcasm. Humalakhak siya. Ngayon ay kita na sa mukha ni Andrei ang galit. Bumuntong hininga ako at lumapit sa kaniya.
"Chill, dude. I won't steal your girl." kunot noong sabi ni Luke.
"You like her." mariin niyang sabi.
"Stop it, babe. You rest, okay? I'll be back" sabi ko at humalik sa pisngi niya. Nagulat ako nang hinalikan niya ako sa labi. Tumugon din ako kaya medyo tumagal ang halikan namin. Kung hindi ko lang siya tinapik at tinulak ay hindi pa matatapos. Luke and Mirabell is in this room! Nang tingnan ko sila ay hindi sila nakatingin. Agad na akong tumalikod at lumabas.
Dang Andrei! Dang it!
"Where's Grandpa's room again?" tanong ko kay Luke na kakarating lang sa gilid ko.
"ICU" malamig at tipid niyang sabi.
Nakikita kong gustong lumapit ng mga tao sakin kaso ay inanunsyo na ni Luke na wag na muna kasi may emergency. Parang wala ako sa sariling naglalakad. Bigla na lang umingay at tumatakbo na ang mga nurse at doktor. Agad na kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Nagulat na lang ako nang napaupo na ako sa malamig na sahig ng hospital. Napasigaw ako nang may humila sa buhok ko.
"You dare to come here?!" sigaw ni Bethany habang hinihila pa rin ang buhok ko. Pilit siyang pinapatigil ng mama niya pero hindi siya nakinig. Nang sobrang hapdi na talaga ng ulo ko ay inabot ko rin ang buhok niya at malakas na hinila pababa at pataas.
"I will forever blame you! It's all your fault! Ah! Let go of me!" galit niyang sigaw. Sa sobrang galit ko ay hinihila ko pataas ang buhok niya. Alam kong mas masakit kapag pataas. Mas matangkad ako sa kaniya kaya alam kong mananalo ako sa lintik na pakikipagsabunutan sa peste kong pinsan.
Nakaramdam ako ng malakas na pagkakatulak kaya naghiwalay kami at natigil sa pagsasabunutan.
"What the fuck is your problem?!" galit kong sigaw kay Bethany. Kung sa ibang sitwasyon ay tinawanan ko na siya dahil sa gulong buhok niya na nagpapangit lalo sa mukha niya. Mukha siyang aswang na ni-rape ng sampung beses!
"You! You're the problem! It's all your fault! You're the only one to be blamed with what happened to your own mother and to grandpa!" sigaw niya sakin. Narinig ko ang singhap at bulungan ng mga tao.
Yeah great. We made a scene. Headlines na naman ang abot ko.
Natigilan kaming lahat nang makarinig ng pamilyar na tunog na yon. The sound of the frequency when someone is..
Grandpa..
Napatakbo kami dahil sa tunog na iyon. Kahit na hindi na ako makakita dahil sa panlalabo ng mga mata ko ay tumatakbo pa rin ako. Nang sumilip kami sa room ni grandpa, nandon ang mga nurse at doctor. May nurse na nagpapump ng oxygen, may doktor na nagpapump sa dibdib niya. May nurse pang pumasok at may dalang cart na may device. Kinuha ito ng doktor, pinagkiskis at dinikit sa katawan ni grandpa. Pero walang nangyari. Nag-iwas ako ng tingin at napahawak sa bibig. Walang tigil na bumuhos ang luha ko. Pilit kong pinakalma ang sarili at sumilip ulit. Saktong tumingin ang doktor sa wristwatch niya, may sinabi muna siya bago tinakpan ng kumot ang grandpa ko. Parang may kumuha sa puso ko at binagsak ito mula 99th floor tapos ay dinurog durog gamit ang mortar and pestle. Napuno ng iyakan ang labas ng ICU. Nakakapanghina, Nakakalungkot, Nakakabaliw, Napakasakit.
My grandpa died.. and it's because of me.
"Did you see what just happened?!" gigil na sigaw ni Bethany sakin. Wala na akong lakas para lumaban pa. Nakayukong napabaling ang mukha ko sa gilid dahil sa lakas ng sampal ng mama ni Bethany.
"You should have thought about the consequences of your absence! You just escaped and went back to the Philippines! That's because of your selfishness! Look at what happened now!" nagagawa nilang sumigaw habang umiiyak habang ako ay hinang hina na. Yun na ang huling narinig ko bago nandilim ang paningin ko.
~~~
To be continued..
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...