Episode 46

877 17 0
                                    

Isang oras. Dalawa. Tatlo. Apat. Lumipas ang magdamag pero wala pa ring Cassandra ang tumatawag o umuwi sa apartment nila. The whole night was just a sleepless night for them.

Nakahiga na sa kama niya si Riann pero gising pa rin ang isip niya. She has been worrying kung nasaan na ba ang kaibigan. Gustong gusto niyang magpatuloy sa paghahanap pero hindi niya naman alam kung saan maguumpisa. She doesnt have any idea where her best friend probably go.

'Sana lang talaga at magkasama sila ng Stefen na 'yun..' she thought at the back of her mind and heaved a deep sigh.

Si Xander naman, kahit na nagkaroon ng kaunting sagutan kagabi sa pagitan nila Riann, she is still worried for Cassey. She just wants to be positive. T-in-ext na niya ang lahat ng kakilala para abisuhan sila kapag nakita nila si Cassandra. All they could do for now is to wait and pray that she is really safe.

But among them all, the person that worries the most is Mike. Madaling araw na siyang nakauwi dahil sa kakahanap sa kasintahan pero wala pa ring nangyayari.

Napasabunot nalang siya sa sariling buhok at isinandal ang likod sa sofa. Hindi na niya alam kung anong gagawin. Hindi niya alam kung nasaan ba si Cassey.

"argh!! sh*t! sh*t!" Napapamura nalang siya dahil sa sobrang pagaalala.

And in the midst of worrying, something caught his attention. The small red box placed on the table. Saglit na nagsalubong ang mga kilay niya at inabot ang kahon.

'Happy Birthday!'

Nang buksan nakita niya ang isang bote ng pabango. He used to have this kind of perfume before pero hindi na ngayon. Binalewala niya lang ang regalo dahil alam niyang hindi naman iyon galing sa girlfriend niya.

Napahugot nalang siya ng malalim na buntong hininga at napasandal nalang ulit sa sofa.

'Nasaan ka na, girlfriend-ko' tanong niya sa sarili. Hindi niya pa rin makalimutan ang huling pagtatagpo ng mga mata nila. She was so hurt. Walang tigil sa pagagos ang mga luha niya habang titig na titig sa kanya. Masakit para sa kanya na makitang ganoon ang babaeng pinakamamahal. Ang hindi niya lang alam ay kung bakit.........Pinilit niyang inalala ang mga pangyayari, simula sa masaya nilang paguusap sa telepono ng kasintahan noong umaga hanggang sa makita niya nalang itong nakatayo sa pintuan ng kwarto at umiiyak.

~~~

He was planning to surprise her, though it was going to be his birthday. Simpleng dinner lang, mas excited siya sa mga gagawin nila together on his day.

All set na ang lahat, nakahanda na ang lahat ng gamit na dadalhin, nakatawag na rin siya sa rest house nila sa Quezon.

He took a glance on his wrist watch. 5:00 pm. He composed himself then grabbed all the bags. Lalabas na sana siya ng unit niya nang mapansin ang isang babae na nakatayo pagkabukas niya ng pintuan.

Naguluhan pa siya sa kung anong ginagawa ng babae dito.

"Happy Birthday" nahihiya nitong bigkas at iniabot ang regalo. Nagpabalik balik ang tingin ni Mike sa mukha ng babae at sa kahon na binibigay nito sa kanya. She is a friend of his girlfriend yet they are not even close. Ni hindi niya nga matandaan na nagusap sila. Masyado kasi itong tahimik unlike Riann and Xander.

"Salamat. Kasama mo ba si Cassey?" tanong niya nalang. Bigla namang lumungkot ang mga mata ng babae at dahan dahan na umiling. Napatango nalang si Mike dahil hindi na niya alam kung ano pang dapat sabihin.

"ummm..." panimula ng babae. Napatingin naman siya dito.

"..pwede bang pumasok?" mas lalo siyang nabigla. Gusto niyang sabihing hindi pwede dahil nangako na siya sa sarili na wala nang ibang babae ang dadalhin niya sa unit maliban kay Cassey

The Broken Hearted Girl ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon