Episode 20

1.5K 30 0
                                    

Saglit silang natigilan sa pagkukwentuhan ng lumabas na nang kwarto si Cassandra. Tulad ng mga nakaraang araw, walang kibo pa rin ito.

Since that night, she has been like that, tahimik at tulala. She has never done anything but to lock herself inside their room with the comfy of her bed and books. Libro ang naging tanging karamay niya.

Dumaan ang pasko nang hindi siya lumalabas ng apartment nila kahit na naiwan lang siya dito mag-isa noong mga panahon na iyon. Riann, Xander and Juvs went to their families in Laguna but not her. Wala rin naman siyang uuwian doon.

~~~

"Good morning, Cass." Bati ni Xander. Tipid na ngiti lang naman ang sinukli nito sa kanya.

"Coffee, bhext?" Alok naman ni Riann. She only shook her head and went to the fridge to take a glass of water.

"Ok. breakfast is ready. Let's eat." Sabi ni Juvs at kanya kanya na silang pumwesto. They first gave each other a look before eating their foods.

"Pupunta kami sa supermarket mamaya, gusto mong sumama, Cass?" malumanay na tanong ni Juvs bilang panimula ng usapan. Napabaling naman ang mga mata nila kay Cassandra na para bang hinihintay nila ang magiging sagot nito.

"Wag nalang" sagot lang nito makalipas ang ilang segundo. Napabuntong hininga nalang sila.

"Umm. Ok. Ikaw nalang gumawa ng desserts." Masiglang suwestiyon naman ni Xander. Hindi naman ito kumibo.

"Kayo nalang ni Xander ang mamili. Dito nalang kami ni Bhext. Ihahanda nalang namin 'yung mga gagamitin." Sabi naman ni Riann at tiningnan ang best friend. Tumango tango lang si Xander.

"Ok."

Maya maya pa ay tumayo na si Cassandra.

"Tapos na ako." Sabi nito.

"Huh? Eh halos hindi ka pa kumain." pagkontra naman ni Juvs.

"Wala akong gana." Sabay kuha ng plato na ginamit at hinugasan. 

"Bhext." Tawag ni Riann na may halong pagaalala.

"pabayaan niyo na. Mamaya babawi 'yan si Cass." Pagbibiro naman ni Xander just to lighten up the mood. They just looked at her and to Cassandra who only went back to her room. They sighed .

"Make sure na pupunta si Mike. Siya nalang ang makakatulong sa atin para ibalik sa dati 'yang si Cassandra." Sabi pa ni Xander bago pumunta na rin sa kwarto nila ni Juvs. Nagkitinginan nalang naman sila Riann at Juvs bago ipinagpatuloy ang pagkain nila ng agahan.

~~~

"Bhext." Riann called as she entered their room. She received no response as her best friend just continued to stare outside.

"Bhext, hindi ka pa rin ba ok?" Muli niyang tanong. She missed her so much. Simula kasi ng komprontansyon nila noong malaman niya na nagkikita si Cassandra at Michael, hindi na sila nag pansinan. Ngayon nalang ulit.

Mahabang katahimikan muna ang namagitan sa kanila bago magsalita na rin si Cassandra.

"At first, I was afraid. I was petrified." Seryosong sagot nito sabay tingin sa kanya. Her expression showed nothing but little sadness in her eyes. Riann's brows furrowed for seconds before taking a deep breath. She knows she's still in pain.

"Kept thinking I could never live without him by my side." Pagpapatuloy pa nito at tumingin ulit sa labas ng bintana. Riann's brows creased again as if thinking where she heared those words.

"...but I've spent so many nights thinking how he did me wrong..." she muttered and she finally got what her best friend was trying to say. A smile formed on her face.

The Broken Hearted Girl ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon