Third Person's POV
December has finally come and today is the first day of the month which is also his (Michael) birthday. They'd decided to celebrate it with just a dinner date. Kahit na hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon nila ng best friend na si Riann at ni Mike, susubukan niya nalang na maging masaya kahit ngayong araw lang. Isa pa, kailangan niyang panindigan ang naging desisyon niya.
She easily got into their meeting place - one of the fancy restaurants in the Metro. She immediately saw him inside, waiting. Though, she still feels little nervous when seeing him, she just always tries to hide that emotion away. She first heaved a deep sigh before pushing the glass doorway.
"hi. Sorry, I'm late" masiglang bati niya sa kasama nang makalapit dito. Napatingala naman ito at ngumiti.
"Okay lang" he added. She just smiled. Sa totoo lang, hindi niya pa rin alam kung paano sisimulan ang paguusap nila kahit ilang linggo na silang dalawa. Wala naman talagang panliligaw na nangyari, basta nangyari nalang. He needs someone to comfort him and it turned out that she is so much willing to do that. Besides, this has been the moment she'd been dreaming, ang maging sila - kahit noong highschool pa.
Bago pa mamuo ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, binigay na niya ang regalo sa lalaking kasama.
"Happy Birthday" She said, smiling at him. She even noticed how he forced himself to smile back but she just shove that away.
"Thank You. Nagabala ka pa."
"Wala 'yun. Birthday mo naman eh" masiglang tugon niya. Saglit silang nagngitian bago magdesisyong kumain na. Ang daming mga bagay ang gusto niyang sabihin sa kasama - things that normal couples talk about, like What are their plans this coming Christmas? New Year? Will they celebrate it with each other? How?
"amm..Cassandra..." biglang tawag nito sa pangalan niya. Natigilan siya saglit at nakaramdam ng kaunting kaba. Matagal bago ulit nasundan ang mga naunang salita hanggang sa isang malalim na buntong hininga ang nagsimula ng pagpapatuloy nito.
"I'm sorry, pero kasi, buntis siya...at kailangan ko siyang panagutan.." Napalunok nalang siya at ilang beses na kinurap kurap ang mga mata upang pigilan ang sariling mga luha. Hindi na siya nabigla, alam naman niya na darating at darati ang araw na ito sa ayaw at sa gusto niya. Pero hindi pa rin maipagkakaila na nasasaktan siya. He still have the same effect on her because she still loves him.
Hindi siya nag-angat ng tingin at nanatili lang ang mga mata niya sa pagkain. Alam niya kasing kapag ginawa niya iyon, she would break down. At iyon ang isa sa mga pinakaayaw niya, ang makita siyang mahina ng kahit na sino lalong lalo na ang mga ito.
She's tired of being an option. She's tired of not wanting back. Ano ba kasing mali sa kanya at hindi siya magawang gustuhin rin ng lalaking gusto niya? She tried to be like his girl. She changed herself. Inayos niya ang sarili niya pero bakit hanggang ngayon ayaw pa rin nito sa kanya? Ano ba kasing kulang?
"Cassandra..." muling tawag nito sa pangalan niya. Bakas sa boses nito ang lungkot at awa. Pero hindi niya kailangan 'yun. Mas malungkot siya. Mas nasasaktan siya.
Hindi niya alam kung ano na bang dapat gawin. Gusto niyang umiyak pero ayaw niyang magmukhang taluhan. Gusto niyang sumigaw. Gusto niyang magwala. Gusto niyang saktan ang lalaking nasa harapan para sa lahat ng sakit na binigay nito sa kanya. Gusto na niyang umuwi. Gusto niya ring matawa dahil sa sariling katanganan.
Pero sa lahat ng bagay, gusto niya nalang umalis ng tahimik sa restaurant, humiga na sa kama niya at doon ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman. This is reality. No one really cares for her. Tanging ang unan niya lang ang karamay niya sa ganitong sitwasyon.
BINABASA MO ANG
The Broken Hearted Girl ✔️
Teen FictionCassandra Marie Fernandez, the name of the most intimidating woman in the campus. There are so many adjectives that people used to describe her, some are good but of course the opposite. She's a certified top student. A perfect definition of beauty...