Episode 8

1.9K 44 2
                                    

The College of Accountancy and College of Engineering have teamed up and organized a Nutrition Program. Their destination this year was on one of the rural areas in the Northern Luzon and their beneficiaries would be of course the kids.

This is the annual program of the two departments.

Tahimik lang na nakatayo sa isang gilid si Mike habang pinagmamasdan ang iba pa. Halata sa kanya na hindi talaga siya malapit sa mga bata.

Nagpapatuloy lang siya sa pagmamasid when she crossed in his mind. Simula nang dumating sila sa lugar, hindi niya pa nakikita ang dalaga. Balita niya ito raw kasi ang assigned leader sa section nila kaya expected na busy ito. Wala tuloy siyang makulit.

For some reason, his eyes began to find her. He couldn't help himself. He wanted to see her. And it came true as his eyes landed on a woman sitting on the ground. Children are encircling her while staring at her amazingly. They are all gawking at her as if she is a bon fire igniting. Merong mga nakatulala sa kanya, mga nakangiting nakatingin sa kanya at mga masugid na nakikinig sa bawat salitang sinasabi niya. She's like their real sister. Who would have thought that this woman who likes to scowl at him is like an angel when it comes kids.

Napapangiti siya habang pinagmamasdan sila - siya. 'Ang ganda niya'. Bigla niyang nasabi sa sarili na kahit na mismo siya ay hindi inaasahang sabihin iyon.

Maya maya pa ay napansin niyang isa isa nang tumayo ang mga bata at lumayo sa bawat isa. Maglalaro siguro sila. He concluded to himself and remained on watching them.

Nagsimula silang tumakbo.

"taya" sabi ng isang batang babae nang dumampi ang kamay nito kay Cassandra.

"hala! hindi pa nga ako nakakatakbo" pagrereklamo ni Cassandra but more on a joke. Natigil naman ang mga bata. Nangiti si Mike dahil sa inasal nito. Kahit kailan mareklamo talaga. Sabi pa sa sarili.

"taya ka na, ate" pagkumpirma ng isa pang bata. Nanatili lang naman sa pwesto niya si Cassandra, hindi ito tumakbo at hinabol sila. Parang nataranta naman ang mga bata at nagalala na baka nagalit na ito. Isa isa silang lumapit dito at nang magkumpol na sila sa harap ni Cassandra biglang....

"ahhhh" sabay takbo palayo. Natawa ng bahagya si Mike. Bigla kasing nanaya si Cassandra at nagulat ang mga bata.

He was just watching them when a hand touched his legs.

"taya" sabi ng batang babae na nasa tatlong taong gulang lang. Nabaling naman ang mga mata ni Mike dito na nagsimulang tumakbo palayo. His eyes followed her until he noticed that everybody was looking at him, as if waiting for him to run and chase them. His eyes turned to her, who was just cocking her brow, teasing him. He smirked first before joining them.

Una niyang hinabol ang dalaga na ginagawa naman ang lahat para hindi maabutan at mataya ni Mike.

"taya..." masayang sabi ni Mike nang mahawakan niya ang braso nito. Mabilis naman itong nagbago ng direksyon at hinabol ang iba pang bata.

"taya"

"taya"

"taya"

Nagpatuloy lang sa sila sa paglalaro. Smiles and Laughters were the evidence of how much they're enjoying what they were doing. Especially on the two of them.

"taya" sabi ni Mike. Sumimangot naman si Cassandra.

"ano ba yan. Lagi nalang ako ang taya. Ang daya mo" she argued. He smiled at her.

"anong madaya doon? Sa ikaw ang lagi kong nakikita"

"boom" sabat naman ng mga bata sabay tawa. Salita na sinasabi pagkatapos ng isang pick up libe. He also chuckled. Inirapan lang naman sila ni Cassandra.

"kids, tingnan niyo si ate niyo, namumula, kinilig ata sa pick up line ko" pangaasar niya. Tumawa naman ulit ang mga bata.

"sige na nga. Ako na ulit ang taya. Game" sabi niya pa pero hindi na tumakbo muli si Cassandra.

"Girlfriend? Bakit hindi ka tumakbo? Sige ka, tatayain kita. Girlfriend? Ayaw mo na ba? Sorry na. Girlfriend. Sorry na poh" pero hindi kang siya pinapansin nito. She's just frowning again. Hanggang sa may lumapit na batang babae sa kanya.

"ate, patawarin mo na po si kuya. Nagbibiro lang naman po siya kanina. Sige na po. Magbati na po kayo ni kuya. Please ate" the little girl pleaded. Wala nang nagawa si Cassandra but to join in their game again.

Lagi paring tinataya ni Mike si Cassandra. She then just didnt mind that, instead she did the same to him, kaya parang silang dalawa lang ang naglaaro, though nakikitakbo pa rin ang mga bata sa kanila.

If you looked at the two of them, you could say that they really looked perfect as a couple. Para silang magkasintahan na naghahabulan sa tabi ng dagat

***

Iniabot ni Mike ang isang bote ng mineral water kay Cassandra bago umupo sa tabi nito. Saglit naman itong napatingin sa kanya at ngumiti.

"Iyan lang ang meron doon eh" sabi niya pa.

"Thanks" ngiting sabi ulit ng dalaga at tsaka ibinalik ang mga mata nito sa mga batang naglalaro. Napatingin naman si Mike sa katabi at napatitig. Hindi niya alam pero parang may kakaiba sa babaeng katabi niya ngayon. She is not the usual Cassandra he's teasing, maybe because of the smile on her face - a smile that still doesn't fade away.

Naalis lang ang tingin niya nang may isang batang lalaki ang lumapit sa kanila. Ngiting ngiti itong tumayo sa harapan ni Cassandra at pinakita ang koronang bulaklak na ginawa. Napatingin rin si Mike sa bagay na nasa mga palad ng bata at sa katabi niya ulit.

"ang ganda naman" masayang puri ni Cassandra sa koronang bulaklak. Inilagay naman ng bata ang koronang bulaklak sa ulo nig dalaga. Lalong lumawak ang ngiti nito nang makitang bagay ang ginawa sa ate nila. Tinanggal rin nito ang ponytail niya kaya nalugay ang buhok niya.

"Wow! ang ganda..." manghang mangha na sabi pa ng ilang mga batang nakakita at lumapit.

"...ako din, gusto ko din nun. Ang ganda" hiling ng mga batang babae. Sabay sabay silang napatawa at isa isa na ngang umalis ang mga bata para gumawa pa ng marami. Ang tanging naiwan lang na nakatitig kay Cassandra ay si Mike. His eyes had never left her face as if he's seeing an angel. He seemed speechless for the first time infront of a girl - this girl. She looks perfect. She's like a goddess.

Hindi mapaigilan ni Mike ang sarili na puriin ang babaeng kaharap. Marami na siyang nakita at naging girlfriend na maganda but she's different. Her beauty is natural. Lalo pa siyang natulala when she turned her head to him then smiled. Everything was in a slow-motion for him, even the movement of her head, the quirking up of her lips.

Naramdaman niya pa ang pagdampi ng kamay nito sa kanya, not once but twice...

"hoy! tulala ka na diyan" at doon lang siya parang natauhan. He shook his head, setting aside those insane ideas away. Pinilt niya nalang ang sarili na hindi na ulit tumingin sa katabi pero hindi niya magawa.

"oo nga pala, gusto mo maging tutor?" he asked, distracting himself from his own thoughts. Napatingin ulit si Cassey sa kanya, her forehead slightly knotted.

"ng kapatid ko.." he continued. Nagiwas na naman ng tingin si Cassandra.

"bakit ako?"

"bakit ayaw mo?" sagot ni Mike. His eyes were once again on her.

"hindi naman, kay---"

"Okay. Ikaw na ang tutor ng kapatid ko. Sa Monday na ang umpisa" Napabuntong hininga nalang ang dalaga.

Tumayo na naman si Mike para umalis na but before he did that, he leaned onto her, as if giving her a soft kiss on a cheek. She immediately pulled her body away then frowned. Tumawa lang naman ng bahagya si Mike at tuluyan na nga siyang umalis.

Napailing nalang ulit si Cassandra dahil sa kakulitan ng lalaking iyon. Mas makulit pa sa mga bata. Sabi niya sa sarili....

"girlfriend" tawag muli ni Mike bago magpatuloy sa paglalakad, napalingon naman si Cassey.

"bagay sayo.." he added not on a playful way. She suddenly flushed for some reason and turned her head away.

The Broken Hearted Girl ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon