Episode 27

1.2K 16 0
                                    

"Happy Birthday!!!!!!" sabay sabay nilang sigaw nang buksan ko ang pintuan ng kwarto para lumabas na sana. May pa confetti pa sila.

"Happy birthday bhext!" - Riann

"Happy birthday Cas!" - Juvs

"Happy Birthday Casseyyyyy!" -Xander

"happy birthday! happy birthday! happy birth~~day sayo! happy birthday! happy birthday! Cassey We love youuuu!!" they all sang habang sinusunduan ako papunta sa kusina at sa sala. Natatawa nalang ako sa kanila.

"blow the candle! blow the candle!" Xander squealed like a child as she showed the round chocolate cake.

"ice cream cake 'yan bhext. You're favorite." Sabi naman ni Riann. Mas lumawak ang ngiti ko. Alam na alam talaga nila kung ano ang gusto ko.

"teka, make a wish muna" sabat naman ni Juvs. Sa totoo lang, hindi na ako makapagsalita ng dahil sa kanila. Kaya naman I closed my eyes and made a wish at tsaka ko hinipan ang kandila.

"yehey! happy birthday!" sabay sabay nilang sigaw while clapping their hands. Para tuloy silang mga bata.

"dalaga na si bhext. Pwede na mag-boyfriend. Ay, may boyfriend na pala siya. ayee" she squealed as tinulak tulak pa ako ng mahina. Ganyan naman talaga sila kapag kinikilig. I just smiled.

"ummm. Gusto niyo bang kumain sa labas? Treat ko" I asked munching my piece of ice cream cake. Nagkatinginan muna silang tatlo before giving me a sorry-Cassey look.

"sorry bhext, pero kasi may pupuntahan kami ni bhie. He already set this date na kasi" sabi ni Riann. I looked at Xander and Juvs at ganoon din ang expression ng mga mukha nila

Teka, parang nangyari na 'to huh. Tsk. This would be the second time that they refused me, at sa mismong birthday ko pa. Arghh! Nakakainis.

"fine. fine. Ano pa nga ba ang magagawa ko." sagot ko nalang trying to sound calm at tsaka pumasok sa kwarto. I dialed Mike's number.

"the number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.

sinubukan ko ulit.

the number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.

Arghh! Nagsisimula na naman akong mainis huh. Nasaan na naman ba 'yung lalaki na 'yun. I dialed again, for the last time.

the number you have... I threw my cellphone on the bed. Nakakaasar. Ano? busy rin siya? Bakit ba lahat ng tao busy ngayong araw? Ano bang meron ngayon? Nakakainis talaga.

Arghhhhhh!!!!!

"hi! ate Cassey. Wala po dito si kuya" sabi ni Kael, kapatid ni Mike. I've decided na turuan nalang siya ngayon kesa naman mainis lang ako sa kwarto ko.

Geez! That man. Ano na naman kaya ang pinaggagagawa? Ayst!!

"ganun ba? do you want to study now?" I asked leveling with his height. Ngumiti naman siya sa akin ng pagkalapad lapad sabay tango. Parehong pareho talaga sila ni Mike kung ngumiti.

I smiled back to him at pumunta na kami sa sala nila para magaral.

I always glanced on my phone, baka kasi may tumawag o mag-text manlang. But to my sadness, wala kahit isa. Halos paggabi na rin at malapit na kaming matapos.

"done?" I asked. Tumango naman siya. Tiningnan ko kung tama ba ang mga ginawa niya.

"very good. Ang galing galing mo talaga" I uttered as I crumpled his hair. Humagikhik naman siya.

The Broken Hearted Girl ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon