Episode 38

1.2K 20 3
                                    

Riann's POV

"nakikita mo ba 'yung babae na 'yun?" tanong niya sa isang estudyanteng lalaki na nakaupo rin sa bench. Tumingin naman ito sa tinutukoy niyang babae at sa kanya na para bang nagtataka.

"maganda siya, di ba? Siya si Cassandra....Ang one and only girlfriend-ko." I giggled. Para kasi siyang sira habang sinasabi ang mga salitang 'yun. He was smiling from ear to ear while staring at my best friend. The guy he was talking to just shook his head as if thinking na nababaliw na si Mike. Well, he is. He is crazy in love to my Best ever friend.

Umalis nalang si kuya. Nanatili namang nakatitig si Mike kay bhext na nakaupo pa rin sa isa pang bench na malayo sa kung nasaan kami. She was just scanning the page of her book at kung minsan tumitingin sa relo niya.

May date siguro sila, at pinaghintay na naman siya nitong si Mike. I shook my head, favorite niya talagang inisin si bhext.

Napapailing nalang ako as I noticed that piece of clothe hanging from her lap.

She was wearing a white polo blouse with red neck tie partnered with grayish-color pencil cut skirt. Iyon na kasi ang bagong uniform nang lahat ng mga 4th year students who are taking up business-related courses. At dahil Accountancy student si bhext, kasali siya sa policy na 'yun.

Super bagay nga sakanya 'yung uniform nila. She looks so sexy. Mas maraming lalaki na tuloy ang napapatingin sa kanya as she's forced to show some skins. Kaya lang, masyado namang protective si Mr.Right.

~~~

nakaupo lang kami ni bhext sa may bench waiting for our owm prince charming. As usual, busy na naman siya sa pagbabasa. 'Yan na kasi talaga ang hobby niya. Hindi ko na nga mabilang kung ilang libro na ba ang nababasa niya eh..

"girlfriend ko..." he called, excitingly. Kasama niya ang boyfriend ko. Napatingin naman kami ni bhext sa kanila. Suddenly his face darkened. Biglang nagbago ang expression ng mukha niya as his eyes roamed around bhext's body, especially nang tumigil ang mga ito sa hita niya.

"woot woot" sipol nang mga lalaking napadaan habang nakatingin sa legs ni bhext. Hindi naman 'yun pinansin ni bhext.

"girlfriend-ko!" seryoso at medyo galit na ang boses niya. Lumapit na siya kay bhext pagkatapos tingnan ng masama 'yung mga lalaking dumaan.

"what do you think you are wearing!?" He growled. His forehead knotted in irritation. Nabigla at nagtaka naman si bhext sa inasal niya.

"uniform" takang sagot naman ni bhext.

"alam kong uniform 'yan! What I mean is, bakit ganyan kaiksi!? " medyo malakas na ang boses niya. Nagsimula na ring maiinis si bhext.

"teka nga. Ano bang problema mo, huh?" she snapped. Mike ran a hand through his hair. Naku, mukhang may away na namang magaganap..tsk! tsk!

"problema ko 'yang suot mo! Bakit ka ba kasi nagsusuot ng ganyan?!"

"eh bakit ka ba sumisigaw?!" malakas na sagot naman ni bhext. Galit na rin siya. They were the center of attention. Nakatingin na sa kanila ang halos lahat ng estudyanteng nandito. Para naman natauhan na si Mike sa ginawa ni bhext. He closed his eyes and his face softened as he opened it.

He hugged her....tight...

"sorry na. Hindi ko naman sinasadya na sumigaw. 'Wag na tayo magaway..please, girlfriend-ko?" he whispered and gently kissed her hair. "ayoko lang kasi na may mangbastos sayo. I just dont want some strangers ogling you inside their dirty minds. Sorry na.."

The Broken Hearted Girl ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon