Episode 11

1.4K 26 3
                                    

"Tara pare." Invited by his friends. He's busy on texting Cassandra. May usapan kasi sila na magkikita ngayon araw.

"Sige, next time nalang." Pagtanggi niya naman.

"Sus, pang ilang next time mo na yan. Tara na."

"Sige lang. May gagawin pa ako."

"Si Cassandra na naman. Nagseselos na kami niyan pre, palagi mo nalang kasama 'yang Cassandra na 'yun." Napangiti nalang siya at napailing.

"Ihahatid ko pa siya sa bahay."

"Aba at ibinabahay mo na pala. Iba ka talaga."

"Tss. Tumigil nga kayo." Natatawa nalang sila.

"Ayaw mo talaga sumama?"

"Umalis na kayo."

"Okay. Enjoy kayo ni Cassandra." Natatawa nalang siya sa kalokohan ng mga kaibigan.

He then checked the time and began on dialing her number. He's been waiting for her for almost two hours.

'Ang usapan, hihintayin niya ako. Nasaan na siya?' He said to himself. He roamed his eyes around the area when he finally had a sight of her.

"Saan ka ba galing? Kanina pa ako naghihintay sayo." he snapped then grabbed her hand. Isasama na sana niya ito papunta sa kung nasaan ang sasakyan niya nang biglang bawiin nito ang sariling mga kamay. He looked at her.

"May pupuntahan ako ngayon. Bukas nalang." she stated. His forehead knotted in confusion.

"Saan?"

"Basta. Pasabi nalang kay Kael."

"Ihahatid na kita."

"No. I can manage."  sabay talikod  nito sa kanya. Gusto niya itong pigilan pero hindi niya magawa. Wala nga naman siyang karapatan at isa pa wala rin siyang pakialam if she has something more important thing to do.

Sumakay nalang siya sa sariling sasakyan at umalis na rin. Ngunit hindi niya maiwasang mapaisip sa kung ano bang nangyayari sa dalaga at naging masyado na itong busy. 'Malapit na naman ang Christmas break. She should have lots of free time.' sabi niya pa sa sarili.

Napabuntong hininga nalang siya at aksidenteng nagawi ang mga mata sa isang restaurant. Nakita niya ang si Cassandra na pumasok sa loob kaya agad siyang sumunod. Pinarada niya ang sasakyan sa tapat at bumaba. Nahanap ng mga mata ang pwesto nito ngunit kumunot ang noo niya nang mapansin ang kasama nito. Para siyang biglang naguluhan at nainis.

'Bakit sila nagkikita? May girlfriend na siya, di ba?' mga tanong na nabuo sa isipan niya. Kahit na gusto niyang pumasok sa loob at hilahin palabas ang dalaga,  he can't just ignore the happiness  written on her face while talking to that man. The  sincerity of her smile was priceless. A smile that he has never seen before. She has never smiled at him like that.

"Sir? You can come in." sabi ng guard. He just looked at him but then turned on his heel, suddenly feeling a castaway. 

***

"since when, bhext?" bungad na tanong  ni Riann pagkapasok na pagkapasok nito sa kwarto nila. Pansin niyang naguluhan pa ito noong una.

"what do you mean?" she asked.

"kailan pa kayo nagkikita ni Michael? Kayo na ba?" mariing tanong niya. Cassandra was taken a back for a while and thought of how she knew it.

"Paano mo nalaman?"

"It doesnt matter kung paano ko nalaman. So it's true? " Hindi ito sumagot at yumuko lang. Napabuntong hininga naman si Riann.

"Bhext naman. Akala ko ba move on na? 'Yun ang plano di ba? Then why on this earth you've changed your mind?" Akala kasi ni Riann, new life na for her, for them. Kaya nga sila nagdesisyon na magaral sa Maynila, to stay away from those people who hurt them and to build themselves. Pero bakit parang babalik naman sa nakaraan ang kaibigan nito. And she doesnt want that to happen.

"Wala na sila." Bulong nito.

"Oh? eh ano naman? Pakialam natin?" Hindi naman sumagot si Cassandra. "You're thinking na it means pwede na kayo? Na mangyayari na ang love story na gusto mo? Bhext naman, ayaw mong pansinin 'yung iba pero pagdating sa kanya, hindi ka na nagdalawang isip pa. Ano 'yun? Bakit ganun?"

"I just want to be happy." Cassandra murmured, playing with her fingers. Medyo nabigla naman si Riann sa sagot ng best friend niya .

"you want to be happy?" She snorted again. "...And you think, you will have that now? Bakit naging masaya ka ba noon? Minahal ka ba niya noon? Hindi, di ba?! And it will never change. Hindi ka magiging masaya sa kanya kasi HINDI KA NIYA MAHAL, BHEXT! HINDI!"

"pero mahal ko siya!" Depensa nito. Tears were streaming down on her face. She stared at her for few seconds before heaving a deep breth. Naiinis siya pero naaawa rin siya sa best friend niya. This is her other side, the side that she is trying to hide from other people. Malayo sa Cassandra na kilala at nakikita ng karamihan.

"Ayokong maging kontrabida sa love story mo, bhext. Of course, I want you happy pero hindi ko kayang maging masaya kung alam kong sa dulo nito iiyak at masasaktan ka na naman. I dont want to see you shattered in pieces again."

At napailing nalang siyang iniwan ito.

"Anong nangyari?" Tanong agad ni Xander.

"Ewan ko sa kanya. Nagpapakatanga na naman."

"Ha? Bakit?"

"Eh di sila nung kabute na 'yun."

"What?! So paano na 'yan? Paniguradong hindi papipigil 'yan."

"Hindi ko alam."





***********************************************************************

Read. Vote. Comment. Share.

Please check out my new fanfic - Memories [SB19 KEN]



PrettyLonelyPrincess

The Broken Hearted Girl ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon