"One spaghetti, a chocolate sundae and regular fries." she muttered to the Crew then gave her payment. After that day they recently had, sunod sunod na projects at paperworks na ang tumambad sa kanila.
She can't help herself from remembering the day that she was here with someone. For once, she enjoyed the company of herself. Parang natahimik ang mundo niya dahil walang nangiinis at nangungulit sa kanya.
Busy siya pagkain nang biglang may magsalita.
"Can I join?" tanong ng isang lalaking boses. Saglit siyang natigilan at nagisip. Unti unti niyang itinaas ang ulo niya para makita kung sino ang nagsalita.
'Michael.' sabi niya sa sarili. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Parang siyang biglang nataranta na hindi maintindihan.
"Pwede ba?" muling tanong sa kanya.
"Sure."
Mabilis na umupo ang lalaki sa katapat na upuan. Agad rin naman siyang nagiwas ng tingin. She feels uneasy. Kahit kasi nagkausap na sila noon, hindi pa rin siya sanay sa ganitong sitwasyon. She's not ready for this because she's not anticipating this anymore.
Iniisip niyang tapusin nalang agad ang pagkain para makaalis na agad siya. Halos mapatalon naman siya nang magsalita ulit ang lalaking kasama.
"Long time no see. Kamusta na?" sabi nito. Napatingin siya dito na nakatingin rin sa kanya. She then looked at the other direction and then to her foods before answering.
"me? better than before..." she responded, meaningfully. Pansin niya naman na natahimik ang kausap.
"Mabuti naman." sagot ng lalaking kaharap pagkatapos ng mahabang katahimikan. Hindi na siya nagsalita pa at nagpatuloy nalang sa pagkain.
Tatayo na sana siya nang mapansin iyon ni Michael.
"uuwi ka na?" he asked.
"huh? Oo. Marami pa kasi akong gagawin." she answered not looking at him.
"amm..." muling bigkas nito kaya siya napatingin. "...pwede bang 'wag muna. Samahan mo muna ako. Kahit sandali lang" dagdag pa nito kahit na medyo nahihiya. She just remained on looking at him as if confirming what she heared. Hindi niya alam pero napaupo nalang ulit siya at tinapos ang pagkain ng ice cream.
Nagikot ikot lang sila sa loob ng Mall. Tumingin tingin ng kung ano ano. Nanuod sa mga taong naglalaro ng Arcade Games pero bihira lang sila magusap. Kung maguusap man, those were just short and lame conversations, usually answered by a word.
Pagkatapos ng ilang oras na paglalakad, nagdesisyon na sila na umuwi na. Inihatid siya nito sa terminal ng mga jeep at nagpaalam na sa isa't isa.
Though they said their goodbyes, she has this feeling that that was not the last. Parang may susunod pa. And she doesnt know what to feel about that. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya, mage-excite o kakabahan.
Basta ang alam niya lang at ang sinasabi ng utak niya ay hindi iyon magandang ideya.
***
"oh Cass. Finally you're here. Kanina pa may naghihintay sayo." sabi ni Juvs. Halata namang wala sa sarili si Cassandra at malalim pa rin ang iniisip. "Cass? Cass?! "
"h-huh?"
"Nasa mall ka pa ba? Salita ako ng salita dito, hindi ka naman pala nakikinig."
"ano ba kasi 'yun?" bigla namang dumating si Xander.
"You're here. Namumuti na 'yung mata ng bisita mo kahihintay sayo." sabi pa ni Xander. Hindi niya nalang pinansin ang mga ito at pumunta na sa living room.
BINABASA MO ANG
The Broken Hearted Girl ✔️
Teen FictionCassandra Marie Fernandez, the name of the most intimidating woman in the campus. There are so many adjectives that people used to describe her, some are good but of course the opposite. She's a certified top student. A perfect definition of beauty...