Episode 47

972 17 4
                                    


"hindi pa rin tumatawag?" nagaalalang tanong ni Riann. Umiling si Xander.

They have been trying to contact her best friend to atleast track her location pero hindi naman nito sinasagot ang mga tawag.

Medyo kumalma na sila knowing that Cassey is fine. With the format of the message, they are slightly convinced na ito nga ang nag-text and not just some lunatic out there. But still, they couldnt stop themselves from worrying.

"sh*t! bakit ba hindi pa umuuwi si bhext!" Riann murmured, facing back and forth. Nanatili lang namang tahimik ang tatlo. Nasa apartment rin kasi ang boyfriend ni Xander na si CJ para i-locate sana kung nasaan si Cassandra through the use of a computer application.

"can't we just use the data from her text message? baka naman pwede na 'yun"

"eh di sana ginawa na kanina pa." sarkastikong sagot ni Xander. Inirapan lang siya ni Riann.

"maybe she just wants to be alone, for a while.." mahinang suhewstiyon ni CJ. Napatingin naman ang tatlong babae sa kanya bago humugot ng malalim na buntong hininga si Riann.

Maya maya pa ay nagpaalam na si CJ sa girlfriend at sa kanila. Nanatili pa rin naman ang katahimikan sa buong bahay. Lahat nagiisip kung nasaan si Cassandra.

Kung halos mapraning na si Riann sa pagaalala, nagsisimula na naman si Xander na magduda. Napapatingin siya kay Juvs na tahimik at nakayuko. Ayaw niyang pagisipan ng masama ang kaibigan but after what she heard yesterday, her mind has begun to wonder.

"nawawala daw si Cassandra?" tanong ng isang estudyanteng babae sa kasama.

"hindi nawawala. Umalis. She caught her boyfriend daw kasi on act...you know.." sagot naman ng kasama nito.

"ows? really? si Mike? with whom naman?"

"umm. I dont know who's the girl eh, but I heard very close daw kay Cassandra."

"what!? you mean, her friend?" hindi makapaniwalang sagot ng nauna. Tumango tango naman ang kausap.

" who among that three? Sila lang naman ang friends niya.." pagpapatuloy pa nito. The other girl just shrugged.

Naglalakad si Xander para puntahan si CJ nang marinig niya ang usapan ng dalawang babae. Umalis? Caught on act? Si Mike? with Cassey's friend?

Naguluhan pa siya saglit at inisip mabuti ang mga narinig niya.

Tama nga naman sila, they are the only friends of Cassandra so if ever that news is true, isa lang sa kanila ang babaeng tinutukoy na kasama ni Mike. Sino? Paano? Bakit?

and she remembered the meaningful words and stares of Euphiemia. The way, Mike acted the morning they have known that Cassey has been gone...at 'yung kanina lang..

Speculations formed in her mind but she's hoping na sana hindi totoo ang mga nasa isip niya. She still believes na hindi kayang gawin iyon ng kaibigan o nang kahit na sino sa kanila. They've promised to each other.

Everyone startled when someone knocked on the door. Their eyes all turned on one place. Si Juvs na ang tumayo at pinagbuksan ang kumakatok. Mabilis na napatayo si Riann at sumunod naman si Xander nang makita ang taong nakatayo sa may pintuan.

"Bhext?" was all Riann said. She was stunned as if couldnt believe that her best friend is finally home. Cassey remained impassive and ignored the woman standing infront her. Agad na lumapit si Riann sa best friend.

"oh my gosh, bhext. Where have you been? Bakit ngayon ka lang umuwi? We're all worried about you." sunod sunod na sabi ni Riann pero nanatili lang na tahimik si Cassey. Tinungo nito ang kwarto. Sumunod naman siya.

"saan ka ba galing, bhext? Sabi mo may whole day birthday celebration kayo ni Mike, eh bakit bigla ka nalang nawala?" walang tigil sa pagtatanong si Riann pero hindi pa rin nagsasalita si Cassey. Tuloy lang ito sa paghahanap ng kung ano sa kwarto. Sumilip pa ito sa ilalim ng kama bago pumunta sa harap ng cabinet. She opened the two drawers then closed it again. May kung anong kinapa siya sa ibabaw nito bago makuha ang isang malaking duffle bag. Naguluhan si Riann kung anong gagawin ng kaibigan sa bag na iyon.

"ano 'ya, huh? Dont tell me, aalis ka na naman? Saan ka pupunta?" hindi pa rin nito sinasagot ang mga tanong niya.

"umuwi ba si Tita? Sasama ako. I'll come with you.." magsisimula na rin sana siya sa pagaayos ng mga gamit nang biglang huminto ang best friend sa pagiimpake.  Cassey heaved a deep sigh then threw something on the bed. Riann immediately picked it up.

"Inter-Academic Program." she read aloud. ".. eh ano naman ang koneksyon nito sa---" bago niya pa matapos ang sasabihin, it finally registered to her mind. She gaped at her best friend.

"You are the exchange student?" gulat na tanong niya kay Cassey na hindi naman kumibo. "..tell me, bhext. You are the exchange student? Pupunta ka sa Europe? Kailan? How long ka doon? Sino kasama mo?"

"8pm" tanging sagot lang ni Cassey. Napatingin naman si Riann sa wall clock only to see the time - 10 minutes before 7. Her eyes widened but her reaction couldnt make her best friend stop from going. Kinuha na nito ang lahat ng bags at lumabas ng kwarto. Sumunod pa rin naman siya.

"Easy lang, bhext. Sigurado ka na ba talaga? Baka naman nabibigla ka lang. Pagisipan mo muna. " pagpigil niya dito.

"You owe us an explanation, Cassandra Marie. Halika dito, mahaba habang usa--" napatigil si Xander sa pagsasalita nang makasalubong ang dalawa. Her brows furrowed.

"bhext, naman. Pagisipan mo muna.."

"ano na naman 'to? aalis ka na naman?" medyo iritable nang tanong ni Xander. Hindi sila pinansin ni Cassey, dire diretso itong lumabas ng apartment.

"Bhext!" Riann called, following her best friend but then turned to Xander. ".. call Mike, papuntahin mo sa Airport. Sumunod na rin kayo"

(Alexandria Bernardino)

The Broken Hearted Girl ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon