Episode 35

1.1K 15 2
                                    

" lonely, oh she is lonely ♪♪
she has somebody, pero war sila, ahh♪♪
lonely ♪♪ oh she is lonely ♪♪
she misses him very
araw at gabi ♪♪♪" Xander sang as she changed some lyrics of that song, and with action pa huh. Inirapan ko nalang siya. Bhext just laughed.

"One more time.." Udyok pa ni bhext and they sang in chorus...

"lonely ♪♪si Cassey ay lonely
where are you boyfie? ♪♪
sorry na daw ahh ♪♪♪
lonely ♪♪si Cassey ay lonely♪......"

"Si Mike!" interrupt ni Juvs. Sabay sabay kaming napatingin sa bintana ng room.

Kusang kumurba pataas ang mga labi ng makita ko siya. God knows how much I miss him. Naglalakad siya at parang bumagal ang takbo ng oras pa sa akin. As if I was watching him in a very slow motion. Napatingin siya sa gawi ng room at nagtama ang mga mata namin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto kong tumakbo palabas ng room at yakapin siya. Saglit siyang napatigil sa paglakad as his eyes never leave mine.

Kitang kita ko sa mga mata niya that he feels the same.

Tatayo na sana ako nang mapansin ko naman ang isang babae na lumapit sa kanya. He looked at her. The girl was smiling while talking to him and my lips undoubtedly formed into a thin line and my brows furrowed.

The next thing she did was clung into his arm pero mabilis niya rin itong tinanggal sa braso niya. He looked at me once more bago nagpatuloy sa paglalakad. That girl was just following him after giving me a wicked grin.

"huh! what a flirt. Si bhext pa tinawag na malandi, eh siya naman itong kung makadikit kay Mike parang linta. Hello! as in hello? Does she really think na break na sila bhext and Mike? Grabe. ang landi talaga..Arghh" - Bhext burst out.

"puso mo.. kalma lang..." - Xander

"nai-stress ako dahil sa babaeng 'yun eh. Basta bhext," baling niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. "... walang susuko, huh? Konting lambing pa kay Mike, bibigay din 'yan. You know, boys, they also have their time." sabi niya pa cheering me up...

"Let's go, may klase pa tayo" - Xander, after checking her watch

"Byeeee Bhext, I love you"

"eeeww" - Xander

"eeww ka diyan. Tsk!" sininghalan lang siya ni bhext at tuluyang na silang lumabas ng room.

Napapailing nalang ako sa kanila. Kahit kailan parang mga bata.

I sighed. Again, I am alone.

Naisip ko ulit 'yung kanina? I know, gustong gusto na niya rin akong kausapin, eh bakit ba kasi hindi niya gawin. I apologized. Ilang beses na..Well, isa palang ata talaga ang maayos, the last day we talked, sa likod ng Science Building. Masyado na kasing naging busy sa school these past few days. Everytime naman na makikita ko siya at kakausapin, palagi nalang wrong timing...

~~

"after class nalang natin gawin. Saan niyo ba gusto? Ay hindi, saan ba pwede?" I asked my groupmates about sa Strategic Planning na project namin.

"sa bahay nalang namin, aalis naman sila mama kaya----" hindi ko na naintindihan ang mga sunod niyang sinabi. Sinundan ko kasi na agad siya.

The Broken Hearted Girl ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon