[Sorry late update, isang chapter muna ngayong umaga! Enjoy reading 😍]
"Magjojogging lang po ako!" pasigaw na paalam ko kay Manang na abala sa kung anong bagay sa kusina. Hindi ko na nagawang makapag paalam kila mama dahil umagang-umaga ay mukhang may importante silang pinaguusapan sa library ni papa.
These past few days, kapansin-pansin ang pagiging abala ng magulang ko sa kung ano. Hindi ko naman magawang mag-usisa dahil baka sabihin nila na usapang matatanda iyon at bawal akong makisalo. Pero siguro ay tungkol sa negosyo ang mga iyon. Lalo ngayon na kasama namin si lola, tiyak na doble ang focus nila sa mga negosyo ng pamilya.
Kahit si Mama nga ay palaging out of town, tumutulong na rin siya sa pagmamanage ng mga hotel dahilan para mag-hire sila ng karagdagang tauhan sa bahay, bukod sa mga guard, may taga asikaso na din sa garden (kapag wala si lola) na siya ding tumatayong family driver. May kasama na din si Manang kaya dalawa na ang aming kasambahay, naaawa kasi sila kay Manang dahil may edad na at all around pa ang trabaho sa amin kung kaya nagpasya sila na manguha ng makakatulong niya, bukod pa iyong weekly na tagapag laba ng mga damit namin at tagapag-alaga ni Mia, nag-aaral na kasi siya sa kindergarten kaya kailangan ng magbabantay sa kanya sa School, iyong kinuhang tagapag-alaga at isang body guard/driver ang lagi niyang kasama sa pagpasok at pag-uwi galing sa school tuwing busy si mama. Pero syempre gusto ni mama na matutukan niya si bunso.
Si Zander? Iyon pinagpatuloy ang kanyang kurso na Business Management, napag alaman kasi namin na nahinto pala siya sa pag-aaral dahil kay Misael. Hindi ko alam ang eksaktong dahilan pero may kinalaman si Misael doon.
Si Kuya Michael at Kuya Vincent ay kasalukuyang namamahala sa Airline Company. Mas intresado kasi sila doon sa mga eroplano kaysa sa mga hotel na siyang pinamamahalaan nila papa, si tito Melvin naman ay abala pa rin sa taekwondo school niya pero paminsan-minsan ay tumutulong kay papa.
Ngayon na wala na kaming pinagtataguan, maaari na naming ilantad ang tunay na katayuan namin sa buhay. Hindi na kami nagtatago sa Apelyidong Corpuz. Bagaman ganoon ang nangyari, nananatili pa rin kaming tahimik at tikom ang bibig sa media. Nananatiling nakatapak sa lupa ang aming mga paa.
Ayaw namin mamuhay tulad ng ibang mayayamang pamilya na sobrang taas ng tingin sa mga sarili nila. Iyong tipong pakiramdam nila ay Diyos sila na kailangan luhuran at sambahin ng mga tao.
Nananatili kaming simple ang pamumuhay tulad ng nakasanayan, may nagbago man, iyon ay nagkaroon kami ng mga tauhan o empleyadong pinasasahod. Atleast nakakatulong pa din dahil nagkaroon sila ng trabaho na may magandang sweldo at benepisyo.
Si lola ay abala sa mga charity, madalas siyang umattend sa mga charity events at ball. Syempre kasama niya palagi si mama at tita Cynthia bilang representative ni papa at tito Melvin.
"Hey!" abala ako sa mabagal na pagtakbo habang nakikinig sa music ng may humablot sa earphone na nasa tainga ko. Kunot noong hinarap ko ang taong may gawa niyon.
"Oh, Zachareus? Why?" takang tanong ko. Napansin kong naka jogging attire din siya.
"I'm calling your name but seems like you didn't hear me, I thought you're just ignoring me but now I know why."
"Sorry, alam mo naman na hilig kong makinig ng music habang tumatakbo. Teka sinundan mo ba ako?"
"Ahm, I was about to left home when I saw you running out of the gate, so yeah. Sabay na tayong mag jogging." sabi niya sabay takbo, natigilan pa muna ako saglit bago sumunod sa kanya.
About Zachareus and his mom. Namili sila ng lote sa Forbes Village (our village's name) at pinatayuan ng two storey house. Ngayon nga ay kasalukuyan na silang doon naninirahan ng mommy niya, patuloy pa din ang medication ng ginang ngunit napakalaki na ng progress ng mental health nito. Masasabing bumalik na siya sa dating siya. Pero bilang kasiguraduhan, para maalis na din ang trauma na sinapit sa kamay ni Misael, ay kumukonsulta pa din sila sa Psychiatrist para sa therapy.
![](https://img.wattpad.com/cover/261554896-288-k474884.jpg)
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
Random(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...