32

737 65 30
                                    

KIEL DOMINIC FUENTABELLA

"Aalis na tayo, hijo. Sigurado ka ba na hindi ka magpapaalam sa kanya?" tanong ni Manang sa akin, narito kami ngayon sa tapat ng bahay ng mga Saavedra. Nagpaalam lang ako kina tito at tita bago ang mismong flight papuntang America.

Isang beses pa akong tumitig sa bahay nila bago humarap kay Manang.

"Let's go, Manang." sabi ko sa matanda bago nangunang sumakay sa van. Kita ko ang hesitasyon sa mukha niya pero sumunod din naman sa akin sa sasakyan matapos pakawalan ang isang malalim na buntong hininga.

Umandar ang sasakyan at hindi na ako muling lumingon pa sa likuran, ramdam ko ang mga titig sa akin ni Manang ngunit nagpatay malisya na lamang ako dahil hindi ko kayang magsalita ng hindi nagiging emosyonal.

Pakiramdam ko sa mga oras na ito ay papanawan ako ng buhay dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.

Gusto ko mang makita siya bago umalis ay hindi ko kaya. Baka biglang magbago ang isip at puso ko kapag nakita ko ang lungkot sa mukha niya.

Sakay ng van papuntang airport, kasama ang mga malalaking bagahe at importanteng gamit mula sa bahay ay tahimik naming tinahak ang daan papunta sa Saavedra Airlines. Kasunod ng dalawang Ambulansiyang nauuna ay ang itim na sasakyan ni Fredd.

Ilang minuto pa nga ay narating namin ang pribadong daan papunta sa Exclusive Hangar ng mga Saavedra at natanaw ko agad ang isa sa mga private plane nila. Katawa-tawang eroplano nila ang gagamitin namin gayong hindi manlang ako nagpaalam sa babaeng anak ng may-ari.

Mula sa ambulansiya ay pinanood namin ang maingat na pagbababa sa tila walang buhay na katawan ng isang lalaki.

Napabuntong hininga ako. Hanggang ngayon ay hindi ko mapaniwalaan ang mga nangyayari. Hindi ko alam kung matatanggap ko ba siya bilang kapatid pero nananaig naman sa akin ang epekto ng parehong dugo na nananalaytay sa ugat naming dalawa.

Maingat na isinakay sa eroplano ang walang malay na pasyente at nang masiguro ng medics team na maayos na ang pwesto at mga apparatus na sumusuporta sa buhay nito ay agad na silang bumaba at pumunta sa ikalawang ambulansiya para sunod na asikasuhin si Kyla.

Hindi tulad sa naunang pasyente ay naging mas madali ang pagbaba at pagsakay nila sa ambulansiya at sa eroplano kay Kyla dahil gising naman ito.

Naging tahimik ang buong biyahe papunta sa America, tanging si Manang lang ang nangunguna sa pagsasalita. Magkatabi man sa upuan ang magulang ko ay hindi naman nag-uusap ang mga ito. Hindi ko alam kung naiilang ba sila sa presensya ng bawat isa o sadyang kapwa may malalim na iniisip lang talaga sila.

Pagkalapag ng eroplano sa Amerika ay bumungad sa amin ang isang masamang balita mula kay Fredd matapos nitong makipag-usap sa telepono.

Natunugan daw ni Timothy Claverias ang ginawang pagtakas ni Mommy at Thaddeus at sa mga oras na ito ay nasa biyahe na ito kasama ang mga tauhan papunta dito sa America.

Agad kumilos ang mga tauhan ni Daddy sa pangunguna ni Fredd. At sa  loob lang ng 24 oras ay naisaayos ang lahat.

Naging mabilis ang pag-transfer ng medical records ni Kyla mula Pilipinas hanggang sa America patungo sa Canada, nag offer ng malaking pera si Dad para lang sumama ang Doctor na may hawak sa kanya. Ayaw naming ipasa sa iba ang paghawak niyon dahil mahirap na, masyadong risky ang gagawing operasyon kaya mas maganda kung isang Doctor lang ang hahawak sa kanya.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon