"Enjoy your vacation." napakatamis ng ngiti ni granny sa amin ng sabihin iyon.
Dahil hindi natuloy ang dinner date namin noong nakaraan kaya nag-schedule ng panibago ang matanda.
"Ayos ka lang?" tanong ko kay Hazelle dahil napapansin kong kanina pa siya walang kibo.
"Ah, yeah. May naisip lang."
Nangunot ang noo ko. She's not her usual self.
Ganoon pa man ay hindi na ako nagtanong pa.
Naging tahimik ang biyahe namin papunta sa beach resort.
Of course si granny ang pumili ng 3 day vacation date na ito.
"Get to know each other." naalala kong bilin niya sa amin.
She's really manipulative. Halos hindi ko na matagalan na kaharap o kausap siya. Wala lang talaga akong magawa dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila. Isa pa ay may pinirmahan akong kontrata. Kaya ipit na ipit talaga ako.
Naisip ko pa bigla si Kyla. Medyo ilag siya sa akin ngayon. Hindi ko alam kung bakit. I need to talk to her. Siguro pagkauwi namin galing sa bakasyon na ito.
Nakarating kami sa resort na tahimik pa rin si Hazelle at panay lang ang sulyap sa akin.
Alam kong may gusto siyang sabihin pero nagdadalawang isip siya.
Hinahayaan ko lang naman, baka kasi hindi pa siya handa.
"So what are we gonna do now?" animo nabuburyo niyang tanong.
Ilang oras na ang nakalipas mula ng dumating kami sa beach resort na ito pero walang nagtangka sa aming dalawa na lumabas para i-enjoy ang dagat at pinong buhangin.
Tumuloy kami sa isang hotel suite and of course through granny.
After lunch ay bumalik lang kami sa suite at umupo sa sofa ng living room. Bukas ang TV pero parehong wala roon ang atensyon namin.
Ako ay kausap si Blake through chat.
Si Hazelle naman ay pasulyap-sulyap pa rin sa akin tapos titingin sa mga daliri niya at paglalaruan iyon.
Napabuntong hininga ako at naiinis na tumingin sa kanya.
"Anong gusto mong sabihin?" tanong ko sa kanya dahilan para bahagyang manlaki ang mata niya sa akin.
"H-how did you know?"
"Your stares told me so."
She heavily sigh. "So I am that transparent, I guest." she then chuckled.
"Why don't you voice it out?"
"I'm hesitated—I mean I'm not hundred percent sure about what I've heard."
"Tungkol saan?"
Lumipat siya sa tabi ko pero may sapat na distansiya. Tumingin siya sa pinto at bigla ay parang nag-alangan sa sasabihin. Natatakot siguro na baka marinig ng mga guards ng granny niya.
Hinatak niya ako papunta sa verandah. Inilock pa niya ang French door.
"Is it that confidential?" tanong ko sa kanya.
"Listen carefully, Nic." she's dead serious.
Tumango ako sa kanya.
"I hate what I've heard pero hindi ako pinapatahimik ng konsensiya ko."
"Sabihin mo na, ang dami mong satsat, eh." nawawalan ng timpi na sabi ko.
Inirapan niya ako bago naging seryoso ulit ang emosyon ng mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/261554896-288-k474884.jpg)
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
De Todo(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...