Hello mga kapatid! Naiiyak ako dahil sa magkahalong saya at lungkot. Saya dahil nakatapos na naman ako ng panibagong libro. Lungkot dahil mamimiss ko si Kiel at Ella. Sa totoo lang ay naiisipan kong gumawa ng Book 3 nito pero alam ko na hindi pa kaya ng schedule ko ngayon.
Sorry kung hindi ko man natupad ang ipinangako ko sa inyo na magandang ending. Ang totoo niyan ay pinilit ko lang talaga na tapusin ito kahit na unstable ang mental health ko at idagdag pa ang busy schedule.
Sa ngayon ay pagtutuunan ko muna ng pansin ang dalawang book collaboration ko lalo na iyong soon to be published under PaperInk Publishing House na may pamagat na Captivating His Manacled Heart. Nawa ay may tumangkilik niyon lalo kapag naisa-libro na.
Lubos akong nagpapasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa akin lalo na iyong mula pa lang sa FILWAG or Falling in love with a gangster hanggang sa ending nitong Until our paths cross again, my Engineer. Hindi ko kayo makakalimutan. Kung mangyari man, magpakilala lang kayo sa akin dahil minsan makakalimutin ako sa pangalan at username pero madali akong makatanda kapag nagpakilala kayo hehehe!
Mahal ko kayo, mapasilent readers man or iyong mga active, pati iyong mga nagcocomment palagi at madalas nagppm sa akin.
God bless sa ating lahat at sana nariyan pa rin kayo sa ibang mga story ko.
❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
Acak(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...
