Flashback.
"So you have done it earlier than I expected." sabi ko kay Fredd.
"Thanks to your father's source."
Hindi na ako nagtaka pa sa sinabi niya.
"So what's in your hand now?"
"You'll not believe what I find out." he smirked and handed me a brown envelope.
I immediately opened it to see what's inside.
Habang tinitignan ko isa-isa iyon ay unti-unting nagsasalubong ang mga kilay ko.
"Isang araw may isang batang lalaki na anak ng mag-asawang mayaman ang dinakip ng mga sindikato para pagkakitaan.
Kidnap for ransom iyon at napakalaking halaga sana ang balak nilang hilingin sa pamilya ng batang iyon. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng pagkakataon na tumakas ang bata.
Sa kasagsagan ng malakas na ulan at napakadilim na gabi ay nagtatakbo ang batang iyon sa gitna ng daan at tamang-tama naman ang pagdaan ng isang sasakyan lulan ang mag-asawang hindi mabiyayaan ng anak.
Walang pagdadalawang isip na hinintuan nila ang kawawang bata at tinulungan, iniuwi nila ang bata sa kanilang bahay at doon inalagaan ng ilang araw bago pumutok ang isang balita tungkol sa batang nawawala.
Napag-alaman nila na ang batang iyon at ang batang kinupkop nila ay iisa ngunit tila huli na dahil napamahal agad ang bata sa babae at ayaw na nitong ibalik sa totoo nitong magulang dahilan para pagmulan ng away sa pagitan nilang mag-asawa ngunit nanaig ang pagmamahal ng lalaki sa kanyang asawa.
Hindi sila magkaanak at ilang taon na rin silang kasal.
Nang mga panahon na iyon din ay biglang nagkasakit ang ama ng bata na kinupkop nila dahilan para lumipad patungong ibang bansa ang buong pamilya nito para doon ipagamot ang padre de pamilya. At dahil din doon kaya napabayaan nila ang paghahanap sa kanilang anak na nawawala. At kaya naman noong ibigay ng mag-asawa ang bata sa bahay ampunan ay walang kumuha rito, hindi dumating ang totoo nitong pamilya dahilan para lang bawiin iyon ng mag-asawa at tuluyang ampunin."
Kahit hindi na tapusin ni Fredd ang kanyang kwento ay nahulaan ko na agad ang mga susunod na mangyayari.
Lalaki ang batang iyon sa poder ng mag-asawang tumulong sa kanya at ilang taon lang ay magkakaroon ng sariling mga anak ang mag-asawang iyon dahilan para mabuo ang panibugho sa puso niya.
At ang bata na iyon ay lumaki bilang si Misael Saavedra...
Iyon pala ang totoong nangyari. Now I wonder if Lady Cruzita has an idea about what happened to his son.
Kung hindi siguro kinupkop at inangkin ng mag-asawang Saavedra ang bata noon ay walang Misael ngayon.
Don Manuel and Doña Esmeralda were wrong when they adopted that boy back then to become their legal child.
Kung iisipin nga ay parang sadyang mapaglaro ang tadhana dahil ang batang iyon ay anak ni Cruzita Guevarra na lola ni Hazelle.
Si Misael Saavedra ay si Crisanto Guevarra pala. At ilang taon din itong hinanap ng kanyang ina.
At ngayon ay masama ang balak nila.
Noong malaman ni Cruzita Guevarra na nakakulong ang kanyang nawawalang anak ay agad itong gumawa ng paraan.
Ngayon nga ay nalaman ko rin kay Hazelle na babaguhin ang mukha ni Misael—Crisanto para tuluyan ng makatakas sa mga kasalanang ginawa nito.
Lahat pala ay planado. Mula sa balitang patay na si Misael hanggang sa mga plano pa lang na gagawin ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
Random(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...
