Sorry super late update! Salamat sa paghihintay.
"Sorry, sorry Miks."
"Nagsasawa ka na ba sakin?" emosyonal kong tanong sa kanya.
"Ano? Ano ba naman klaseng tanong yan?"
"Kasi parang sinusumbat mo na ikaw yung nandito! Hindi ko naman hiniling na samahan mo ko sa mga oras na ganito."
Hindi nakapagsalita si Zachareus sa sinabi ko, napanganga na lang siya ng bahagya at napatitig sa akin. Hindi ko alam kung makokonsensya ko sa sinabi ko pero nasabi ko na kaya kahit alam kong nasaktan siya ay wala na ding saysay kung babawiin ko.
"Ha! This is crazy!" natatawang ani Zachareus, iyong tawa na hindi masaya. Iyong tawa na pinagtatakpan ang totoong nararamdaman niya.
"I'm sorry Zachy, h-hindi iyon ang gusto kong sabihin, a-ano---"
"I'll take you home." pagputol niya sa sasabihin ko pa sana.
"Zachareus---"
"Are you hungry?" muling pagputol niya sa sasabihin ko, diretso lang ang tingin sa daan.
"Hindi." sagot ko, nakatingin sa kanya, umaasa na titignan niya rin ako pero hindi nangyari 'yon. Nasaktan nga yata siya sa sinabi ko.
"Okay, then. I'll take you home."
Hindi na ko tinignan o kinausap ni Zachareus hanggang sa makarating sa tapat ng bahay.
"A-ano. Salamat, Zachy."
"Take care." iyon lang ang sinabi niya at muli ng pinaandar ang sasakyan, napabuga na lang ako ng hangin. Pero nabuhayan ako ng loob ng muli ay matanaw ko ang sasakyan niya pabalik, nagpigil ako ng ngiti.
Hindi talaga ko matitiis ng kaibigan ko na 'to.
"Yes?" matamis ang ngiti na tanong ko.
"Aish!" padabog siyang bumaba ng sasakyan at hinila ako papasok sa loob ng bahay.
"Bakit ka bumalik?" tanong ko sa kanya.
"Gamutin natin yang mga sugat mo." malamig niyang tugon. Nagpigil ako ng ngiti, nagpapalambing ang kaibigan ko.
"Okay." sagot ko na lang.
Pagdating sa loob ay sinalubong kami nila mama. Tinawagan pala sila ni Zachareus kanina.
"Are you okay?" niyakap agad ako ni mama.
"Okay lang po ako, mabuti po at dumating si Zachareus."
"Ang plastik mo." bulong ng kaibigan ko, siniko ko nga.
"Ah Manang, pwede pong makahiram ng first aid kit niyo?"
"Para saan?" tanong ni lola Esmeralda.
"Medyo nasugatan po si Mikaella kanina dahil pinagkaguluhan siya ng media."
"Those people! Kael, I will not going to let this thing passed! Do something!" nanggagalaiting ani lola kay papa.
"Yes, 'ma. Inutusan ko na ang mga tauhan para alamin kung sino ang may pakana ng lahat ng ito.
"Hindi kaya may kinalaman siya dito?" makahulugang tanong ni lola.
"Sino pong siya?" tanong ko sa kanila.
Nakita kong nagtinginan silang lahat, lalo akong naguluhan.
"Wala 'yon anak. Mabuti pa ay gamutin niyo muna ang mga sugat mo, may pag-uusapan lang kami sa library room." tumayo si papa at sumunod naman sa kanya sila mama at lola maging si Zachareus.
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
Diversos(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...