"Please tell me I'm not losing my license, Doc." kinakabahan kong sabi kay Doctor Esguerra, Jomzel's father and also the The Chief Executive Officer (CEO).
Yesterday, the board members talked about my issue at ngayong umaga pagkarating ko sa Ospital ay may binigay sa akin na note si Megan, nakita niya raw iyon sa favorite spot ko sa nurse's quarters at galing ang nasabing note kay Mrs. Esguerra, asawa ng CEO. She's also a Doctor.
Pagkabasa sa note ay agad akong pumunta sa office of the CEO. Kahit kabadong-kabado ako ay pinilit ko ang sarili ko.
"Your health is not stable for this job, nurse Saavedra."
Iyon pa lamang ang sinasabi niya ay parang gusto ko ng magmakaawa na wag akong alisan ng lisensiya.
"I'm sorry, Doc. But please not my license.."
"Don't worry hija, hindi ko naman hahayaan na mangyari iyon." this time, he's not the CEO of this hospital. He's now acting as if I'm one of his children.
"But, sorry to say. Nagpasya ang board members na ipadala ka sa mission. I thought that it was much better than being suspended."
"Of course, Doc! Of course. Oh my God! Thank you tito." hindi ko napigilan ang sarili ko na tumayo at yakapin ang butihing Doctor, hindi naman ako nabigo dahil tinapik-tapik niya ang likod ko.
This time, he's also not my CEO. He's my tito Jomeri, my friend's father who used to be a father figure to me way back College.
Doon bumukas ang pinto at pumasok ang pamilya niya.
Pumasok si tita Marizel, ate Marjorie at si Jomzel.
"Mukhang late na kami, ah?" bungad ni tita Marizel o Doctora Esguerra kapag oras ng trabaho at for formality na din.
"Hi, hija. How are you?" bakas ang pag-aalala sa ginang ng haplusin nito ang aking pisngi.
"I'm fine, Doc." I smiled at them after wiping the tears in the corner of my eyes. "I just..got scared." I bit my lips when my voice cracked. Kanina ko pa pinipigilan ang luha ko. Gusto kong umiyak pero ayokong ipakita sa kanila iyon.
Narinig ko ang buntong hininga ni Jomzel bago lumapit sa akin para yakapin ako at haplusin ang aking likod dahilan para muling mangilid ang luha sa mata ko. Sumasakit na ang lalamunan ko kakapigil ng hikbi.
After some discussion about the said mission in Palawan, me and Jomzel finally went out of his father's office.
Nakaakbay siya sa akin hanggang sa makalabas at doon ay nakita namin si Megan na palakad-lakad, parang hindi mapakali habang kagat ang hinlalaking daliri. Ganoon ito kapag malalim ang iniisip at may bumabagabag.
Agad itong napatingin sa amin ng marinig ang pagbukas ng pinto. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito pero hindi nakatakas sa akin ang mabilisan at kakaibang emosyon na dumaan sa mukha nito ng mapadapo ang paningin sa braso ni Jomzel na nakaakbay sa akin. Napanguso ito at kinagat ang labi pero agad ding nagbago ang ekspresyon ng mukha nang tuluyan na kaming makalapit sa kinatatayuan niya.
"So?" she smiled at us, waiting for any news.
We also give her a smile that made her gasps.
"Really?"
Tumango ako. "Pero ipapadala ako sa Palawan for a while. Hangga't.. You know, while I'm under the medication. Mabuti na rin iyon, right? I mean.. I deserve to lose my license or to get suspended for working under that kind of medication."
"Your health may be not stable for this kind of job and working while not healthy may be against our profession. But you don't deserve to lose your license as a registered nurse. Pinaghirapan mong makarating kung nasaan ka man ngayon kaya huwag kang papayag na mauwi lang sa wala lahat ng iyon. " mahabang sabi ni Jomzel sa akin. Napatingala na lang ako sa kanya at ngumiti.
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
Random(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...