Chapter 38

793 65 24
                                        

Trigger warning: self harm, if you're not into this content then you are free to skip this and just proceed to the next chapter.

"Masarap po." tipid ngunit nakangiti kong sagot sa tanong ng matanda.

Tinanong kasi ako kung kamusta ang mga pagkain. Hindi naman ako nagsinungaling dahil hindi maipagkakaila na magaling ang tagapagluto nila.

Isang ngiti ang ibinigay sa akin ng matanda pagkatapos ay uminom ito ng tubig at pinuri ng paulit-ulit ang kaniyang kusinera.

"Are you okay?" bulong sa akin ni Hazelle maya-maya.

"Yeah. May naalala lang ako." sagot ko.  Pinilit ko na lamang ubusin lahat ng pinaglalalagay ni Hazelle sa plato ko at mukhang tuwang-tuwa naman ang lola nito.

Sinakyan ko na lamang din ang kanilang gusto kahit na hindi pa rin mawala sa isip ko ang bata sa litrato.

Gayon pa man ay alerto pa rin ako sa mga kaharap ko. Sa katunayan nga ay pinunasan ko pa ng tissue ang kumalat na pagkain sa gilid ng labi ni Hazelle dahilan para mamula ang pisngi nito at mapatitig sa akin. Lihim akong napangiti, mamaya ay aasarin ko ito.

Sa gilid naman ng mga mata ko ay kitang-kita ko kung paano ngumiti ang matanda.

Ngiti ng tagumpay ngunit hindi rin nalingid sa akin ang biglang pagtalim ng tingin nito.

Doon pa lang ay naghinala na ako..

Kaya ng ihatid ako ni Hazelle sa gate ng kanilang bahay ay akmang magtatanong ako pero naunahan niya ako.

"What was that, Nic?" tila naiiritang tanong niya sa akin.

"What?" naguguluhan ko rin na tanong.

"Are you falling in love with me?" napamaang na lang ako sa tanong niya.

Gusto kong isipin na nagbibiro lang siya pero walang kasing talim ang kanyang mga mata.

"Why would I?"

"Siguraduhin mo lang!" inirapan niya ako ngunit kasunod niyon ang pamumula na naman ng pisngi nito.

"Sinakyan ko lang ang mga pakulo mo kanina. That's all."

"Don't do it again or else..or else.." hindi nito matuloy ang gustong sabihin.

"Or else what?"

"I don't have plan to fall in love with a gangster. So stop acting sweet."

Nangunot ang noo ko sa narinig.

"Why? Tinalaban ka ba kaagad sa ginawa ko?" nang-aasar na tanong ko.

"Ang kapal naman ng mukha mo!"

"Look Hazelle, kailangan nating gawin ito. Naiintindihan mo? Ikaw ang nagplano nito 'di ba? Pero bakit ngayon ay nagkakaganyan ka? Bakit hindi ka ba tiwala sa sarili mo? Natatakot ka ba na mahulog sa akin?"

"Wala kang kasing kapal, pangit mo ka-bonding!" pinagkukurot niya ako sa braso pero pinigilan ko siya, ngunit hindi sinasadya ay napatingin ako sa bintana na nasa ikalawang palapag ng kanilang bahay. Lihim na naman akong napangisi.

What are you planning, old lady?

Inilapit ko ang mukha ko kay Hazelle dahilan para tumigil ito sa pagpipilit na makawala sa pagkakahawak ko sa dalawang braso niya. Halos maduling ito sa pagkakatingin sa akin dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

"Wha-What are you d-doing?" nauutal na tanong niya sa akin.

Lihim akong sumulyap sa bintana at nakita ko ang biglang pagsasara ng kurtina.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon