5

918 34 12
                                    

"Bakit may tuta dito sa kwarto mo?! WAAAAH!" napatalon ako pakarga kay Zachareus sa sobrang gulat ng biglang dilaan ng tuta ang paa ko. Ang walang hiyang kaibigan ko tawa ng tawa. Pinaghahampas ko siya sa likod habang nakakarga pa din ako sa kanya, nakakunyapit yung binti ko sa bewang niya.

"Arf! Arf!" kahol ng pashneyang tuta! Lalo akong sumiksik kay Zachareus. Sa inis ay kinagat ko ang balikat niya kaya ayon naglikot-likot siya sa sakit.

"Aww! Tama na! Argh! Dinaig mo pa si  Nappy kung kumagat!"

Hindi ko siya pinansin, napipikon ako sa ginawa niya, alam naman niya na takot ako sa aso o tuta pero talagang dinala niya pa 'ko dito sa kwarto niya at isa pa, malakas ang hinala ko na itong pashneyang tuta na ito ang gusto niyang ipakita sa akin!

Nang mapalapit sa kama ay tumalon ako doon at agad na kinuha si Clingy. Ang sama ng tingin ko kay Zachareus samantalang hindi siya matigil sa kakatawa. Kinuha niya ang tuta at kinarga at nakita ko iyon bilang pagkakataon para umalis sa lugar na iyon. Hindi ko pinansin ang mga pagtawag niya.

"Huwag kang susunod!" pagbabanta ko sa kanya ng maramdaman ang mga yabag niya pasunod sa akin. Agad naman siyang natigilan at lumambot ang expression ng mukha, nawala ang nakakalokong ngisi at tawa doon at napalitan ng pagaalala ng mapansing malapit na akong maiyak.

OA na kung OA pero nakakainis kasi, eh. Siguro hindi niyo pa nararanasan 'to pero yung feeling na ginawang katatawanan yung bagay na kinatatakutan mo? Nakakapikon nakakainis, nakakaiyak!

"Hey.. I just want to show Nappy to you." malambot ang tonong aniya.

"Magsama kayo ng alaga mo!" tinalikuran ko na sila ng tuta niya at nag dire-diretso palabas ng bahay nila.

"Miks wait!"

"Mikay!" #balakajan!

"Mikaella! Whooo!"

"Hey! Ganda!" okay muntik na kong bumigay doon pero hindi! Naiinis pa din ako!

Hindi ko na talaga siya pinansin at patakbong lumabas ng bahay nila, kahit nakasalubong ko ang natatawa at umiiling-iling na kasambahay nila pagkababa ko ng hagdan ay hindi ko na din pinansin pa.

Siguro nakakatawa nga ang reaction sa mukha ko kanina. Mas lalo akong nainis, did I act like a kid again? Napapadyak ako sa daan at sa halip na umuwi sa bahay ay dinala ako ng mga paa ko papunta sa park, bagay na hindi ko sana ginawa.

"Mikaella!" kumakaway pa sa akin si Samantha, sa harap niya ay ang kanyang lola na nakaupo sa wheel chair bagaman at mukhang mas maayos ang lagay ng kalusugan nito ngayon kaysa noong unang dating nila dito sa Manila. Katabi naman ni Samantha sa kanan niya ang kanyang ina.

Maganda ang ngiti nila sa akin kaya napangiti din ako. Lumapit ako sa kanila kahit na may pag-aalangan. Hindi ko sila iniiwasan, sadyang natatakot lang ako makabalita mula sa kanila ng hindi magandang bagay.

"Kamusta po?" nagmano ako sa dalawang ginang samantalang hinawakan ko naman sa balikat si Samantha.

"Maayos kami hija, mukhang wala naman masamang epekto sa katawan ni nanang ang bagong kapaligiran, sa totoo nga niyan ay mas bumuti ang kalusugan niya mula ng mapunta kami dito. Ikaw? Bakit hindi ka pumupunta sa bahay ng mga.. F-Fuentabella?" bigla ay nag-alangan ang ginang kung itutuloy ang huling salitang sinabi. Naging alanganin din ang kanyang ngiti.

Ayoko ng kinakaawaan ako, ayoko ng nakikita ng ibang tao ang kahinaan at nararamdaman ko. Ganoon ako pinalaki ng pamilya ko, ngunit sa inasta ng ginang ngayon, sa halip na magpaapekto ay mas pinili ko ulit na mag pretend na okay lang ako. Binigyan ko sila ng matamis na ngiti bago nagsalita.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon