"Cheers!" sabay-sabay na sigaw nila habang nag-iinuman. Nasa harap lang kami ng cabin nila, tanaw na tanaw ang dagat sa hindi kalayuan.
"Paano ba 'yan, kayo na lang ang maiiwan dito?" tanong ng head nurse.
"Yeah, nakakalungkot. Kung pwede lang i-extend pa ng mas matagal ang pag-stay natin dito." malungkot na sabi ng isa sa female nurses. Sabagay tatlo lang naman sila. Si Ella, si Megan at iyang isa pa na hindi ko alam ang pangalan.
"We came here to work, pero hindi naman siguro masama kung mananatili pa tayo rito ng ilan pang araw." sabi ng isang Doctor.
Their medical mission has finally come to an end.
But what excites me is Ella will be left here. Kasama si Megan at isang Doctor hangga't hindi pa natatapos ang ginagawang Hospital.
Ibig sabihin ay makakasama ko pa siya ng matagal, ibig sabihin ay mas magiging maluwag na ang schedule niya. Mas pwede ko na siyang kulitin.
"Stop staring." may kahalong inis at pagkalasing na mahinang sabi ni Ella. Hindi ko pala namalayan na titig na titig na naman ako sa kanya. Paano ay saktong nasa harap lang niya ako. Ito talaga ang pinili kong pwesto. Kung wala nga lang siyang katabi sa kanan at kaliwa niya ay maglalakas loob ako na tabihan siya.
Nagpigil ako ng ngiti. Atleast she's talking to me now, right? Mas maganda na 'yon. Achievement na kaysa naman hindi niya manlang ako tinitignan. Nagsimula siyang kausapin ako after our confrontation on the sea side last time. Kinabukasan ay nakita ko na kasama niya si Nasha, she spent most of her time with her since binigyan nga siya ng leave ng head nurse nila. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit siya pinag-leave pero nagpapasalamat ako na dahil doon ay nagkaroon ng kaunting improvement ang pakikitungo niya sa akin. Noong una ay panay pa rin ang pagsusungit at pamimilosopo niya sa akin, panay rin siyang sarkastiko kapag sumasagot pero bawat araw ay nagkakaroon ng pagbabago, pagbabago na sa tingin ko ay positibo. Hindi ko alam kung nainis na lang siya at sumuko na't nagsawa sa pangungulit ko kaya naman parang hinahayaan na lang niya ako o sadyang lumalambot na ulit ang puso niya sa akin.
Palagi kaming kasama sa night out ng Medical Team, nakakatuwa na parang gumagawa pa sila ng paraan para magkalapit kami ni Ella. Until the last day of their Medical mission came, inimbitahan nila kami na sumama sa party nila at ito na nga, dito lang sa tapat ng cabin nila sinet-up ang selebrasyon para raw madali lang silang makakapunta sa mga silid nila kapag naparami ng inom.
That night all we did is drink liquor and laugh. Parang walang problema, at kahit papano ay nakita ko na ngumingiti si Ella at nakikitawa paminsan-minsan. And also that night, I made a promise to myself na ibabalik ko ang kinang sa mga mata niya. Na gagawin ko ang lahat kahit pa maubos ako ng sobra.
Ella, she's too drunk. I don't know why but I find it cute when I saw another side of her, instead of feeling disappointed. Lahat yata talaga sa kanya ay mamahalin ko at tatanggapin ng buo.
Honestly, she's like a crazy woman, crying, sobbing and laughing. Paulit-ulit iyon, tatawa siya tapos iiyak. At higit sa lahat ay umaakto na parang bata, para siyang nagpapa-cute at tinatawag na oppa kaming mga lalaki.
"Umatake na naman ang cute syndrome niya!" bulalas ni Leo.
"What's that?" naunahan ako ni Cayl sa pagtatanong.
"Ganyan talaga siya minsan kapag lasing. She's copying the korean leading lady when they're drunk." sagot ni Isaac na ikinanganga ko.
F*ck. I want to hide her, I don't want anyone except from me to see her in that condition. She's too adorable, and I am afraid that they might snatch her away from me. I only want her for me, for my self.
![](https://img.wattpad.com/cover/261554896-288-k474884.jpg)
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
Random(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...