Sorry hindi ko natupad yung sinabi ko kahapon na maguupdate ulit ako ng hapon o gabi. Naglaba kasi ako kahit Birthday ko. 😭😂
It's been a while.
My lips were partly opened. Hindi ako makapagsalita, hindi ko na din magawang itama ang nababasa kong reaction sa mga mata nila.
I'm just standing there and so are they, seems like they were shocked and so am I, no one dared to say anything or even move a flinch.
My eyes were glued to the man standing beside the lady. Magkalapat ang paningin naming dalawa at wala akong mabasang reaksiyon o emosyon sa kanya ngayon.
"Mommy! Daddy!" iyon ang nakapag panumbalik sa akin sa kasalukuyan.
"Y-yes, baby?" hinarap ko si Chase at narealize na hindi pala kami ni Zachy ang tinatawag niya kung hindi ang totoo niyang mga magulang kasama sila mama at papa.
Kuya Michael and Ate Joyce headed towards us pero agad nagpababa kay Zachy ang bata at tumakbo palapit sa Mommy at Daddy niya.
If you guys are wondering, Mommy at Daddy ang tawag ni Chase sa lahat ng makita niyang grown people, like me and Zachareus for example.
Pagtingin ko ulit sa dalawang tao na nasa harapan namin ni Zachy ay nagsimula nang tumalikod ang dalawa. Wala na akong nagawa kung hindi ang sundan sila ng tingin.
Sobrang lakas ng kabog mg dibdib ko magmula pa kanina nang makita ko siya at maglapat ang paningin naming dalawa.
"Are you okay?" lumipat ang tingin ko kay Zachy na ngayon ay kunot ang noo at malalim ang tingin sa akin, animo ay pilit nitong binabasa kung ano man ang nasa isip ko ngayon.
Tumango ako at pilit na ngumiti. "O-oo naman." nakagat ko na lamang ang labi ko dahil basag ang boses ko ng sabihin iyon.
Bumuntong hininga si Zachy at hinawakan ako sa siko upang alalayan palapit sa pamilya ko.
Isang sulyap pa ang ginawa ko sa dalawa at nakita kong may kausap na ang mga ito. Nagsasalita ang lalaki pero ang mga mata ay nasa akin. Muling tumahip ang kabog sa dibdib ko.
"Miks, naghihintay na sila." nang marinig iyon ay nagpagiya na ako kay Zachy pero ramdam ko pa din ang paningin sa akin ng lalaki.
Hanggang sa makaupo na ako sa table kung saan naroon ang Pamilya ko ay parang wala pa rin ako sa sarili.
Ramdam ko maging ang mga titig sa akin ni Zachareus. Alam kong alam niya na may kakaibang dating pa din sa akin ang taong iyon.
Ngumiti na lang ako ng tipid sa kanya at ng magsimula ang kainan ay siya ang nanguha ng pagkain para sa akin pero nawala ang ngiti na iyon nang makita ko kung gaano kadami ang pagkain na kinuha niya para sa akin.
"Hindi ko mauubos 'to, Zachy."
"Mauubos mo yan, you should. Ang laki ng ipinayat mo, oh." wala na akong magawa, alangan naman na ipagbabalik ko pa ang ibang pagkain na hindi ko kayang ubusin. Isa pa ay naging abala na si Zachy sa pag-aasikaso kay Chase. Masyadong close ang dalawa, porke't palagi sa bahay namin si Zachy kaya magkasundo sila. Hinahayaan lang din naman sila nila Kuya dahil may taga alaga sila sa tuwing abala sila sa kani-kanilang trabaho. Busy din naman si Zachy pero maraming tumutulong sa kanya sa mga gawain tulad na lang ni Attorney Lazaro at ng mga Agent. Mapagkakatiwalaan at propesyonal ang mga iyon kaya laking kaluwagan sa parte ni Zachareus.
Isa pa ay masyadong maalaga si tita Lucila, araw-araw pa nga nito kung dalhan ng pagkain sa kompanya ang anak para lang masiguro na kumakain ito ng maayos at malinis na pagkain.
"You look like a family." puna ni Zander sa amin, ang tinutukoy ay ako, si Zachy at si Chase.
Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin. Pero napasibangot na lang ako ng sang-ayunan nila tito at papa ang sinabi ng pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
Random(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...
