Kamusta kayo guys? Okay lang ba ang lahat? Sino dito ang taga Batangas? Nawa ay ingatan po kayo ng Panginoon sa lahat ng oras, palagi na pong nililindol ang Pilipinas lalo na nga diyan sa Batangas City. Maging sa labas ng Pinas, sa iba't-ibang panig ng mundo, hindi lamang lindol ang nararanasan ng mga tao. Mag-ingat po tayong lahat at sana ay maging MAPANALANGIN PO TAYO. Taga Bataan po ako pero talagang natakot ako sa lindol nung nakaraan, what more pa kaya dun sa mga lugar na talagang malakas ang pagyanig. PRAY, PRAY, PRAY. Hindi ko alam kung paano ako magri-reach out sa ibang tao kaya gagamitin ko na lang ang pagkakataon na ito para maipaabot sa inyo ang isang paalala. The end is coming, hindi natin alam ang eksaktong oras pero dahil sa mga palatandaan na nararanasan ng mundo, kailangan na nating maging handa sa muling pagbabalik ng ating Diyos. Magtiwala tayo sa KANYA, SUMAMPALATAYA, TANGGAPIN NATIN SIYA BILANG ATING HARI AT TAGAPAGLIGTAS.
Marahil may ibang tao na makakabasa nito na hindi kagaya ng paniniwala ko, siguradong mayroong sasalungat pero nirerespeto ko po kayo. Ang akin lang po ay isang paalala, isa pa po, wala naman pong masama kung maniniwala tayo sa Diyos, na totoo Siya. Marami din pong hindi naniniwala sa Bibliya pero para sa akin wala naman pong masama sa laman niyon, kung tutuusin ay makatutulong pa nga po iyon para maging mabubuti tayong mga tao. Nakasaad po doon ang mga gabay kung paano mamuhay ng ayon sa kalooban ng Panginoon.
Hindi ko na masyadong papahabain pero sana tinapos niyo ang pagbabasa. PLEASE 😭
INGATAN AT GABAYAN NAWA TAYO NG LORD! ☝️
BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
Random(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...