30

795 63 26
                                        

"I'm sad, hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, hija? Hindi ka naman magbe-baby sit kay Nasha, you'll just work as her private nurse."

"Sorry po Ma'am pero hindi ko talaga pwedeng iwan basta-basta ang trabaho ko."

"Here, just accept this and keep. Don't hesitate to call me if happened that you changed your mind, okay?"

Tinanggap ko na lang ang calling card na inaabot ng ginang. Naging kaibigan pala ng Mommy ni Kiel ang ginang sa ibang bansa at kasabay lang din nila na bumalik sa Pinas.

Tahimik lang na nanonood sa amin sa tabi si Kiel. Bakit ba nakatambay 'to dito? Wala ba tong trabaho?

Napanguso ako ng bahagya na agad ko ding inayos dahil tumingin sa akin ang loko at hindi nakatakas sa mapag-obserba kong mga mata ang lihim na pagngisi niya.

Umirap na lang ako at saktong huminto ang paningin ko kay Nasha at sa baby sitter nito. Nagpipicturan ang dalawa sa lobby ng hotel.

"Mauuna na po ako, Mrs. Fuentez."

"Bye, hija. Sana magbago ang isip mo." pahabol pa na sabi nito sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya bilang tugon.

"Sa akin hindi ka magpapaalam?" natigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses niya.

Huminga ako ng malalim bago humarap sa lalaki.

"Bye." nakakaloko at sarkastiko ang ngiti na turan ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Tumalikod na lang ako ulit at doon lumabas ang totoong ngiti sa labi ko.

Napailing ako at naglakad na ng tuluyan pabalik sa tent namin.

Pero habang naglalakad ako ay bigla na naman akong napahinto.

Did I just.. Smiled?

Ngumiti ako?

Saglit akong napaisip kung kailan ang huling beses na ngumiti ako, iyong ngiti na hindi pilit, iyong ngiti na hindi tipid.

Kakaiba ang ngiti na iyon kanina, iyon yung ngiti ko na.. Matagal ko ng hindi nagagawa.

Ngiti na kusa.. Ngiti na hindi mapigilan.

What's happening to me?

Hanggang ngayon ba naman kakaiba pa din ang dating ng lalaki na iyon sa akin? Tinuktukan ko ang sarili ko dahil sa inis.

Dahil halos kalahating araw lang ay tapos na ang part 3 ng dental day mission namin kaya nagkayayaan na naman ang mga kasamahan ko na mag clubbing at swimming mamayang gabi.

"Lahat sasama ha? Tinanong ko na sila Doc kanina, 'g' daw sila!" sabi ni Leo, isa sa male nurse namin.

"Oo nga. Iyong mga kj diyan baka hindi na naman sumama!" pagpaparinig pa nila. Napailing na lang ako.

Tutal ay wala akong trabaho simula bukas kaya sasama ako sa kanila. Matagal-tagal na din kasi ang huling punta ko sa club. About swimming, noong nakaraan pa naman namin plano iyon. Dangan nga lamang ay pagod na pagod kami palagi pagkatapos ng buong araw sa mission.

And this day is our lucky day. Pero mas swerte sana kung natapat na linggo kinabukasan para hindi sila mangangamba na tanghaliin ng gising.

Sabay-sabay kaming naglakad pabalik sa Cabin. Nagkukwentuhan ang iba tungkol sa club na pupuntahan namin mamaya.

"Invite them! Kailangan natin ng big time na kasama mamaya. Malay niyo makalibre tayo ng alak o pulutan!" boses iyon ni Isaac.

"Ako na bahala diyan! May number ako ni Engineer!" napahinto ako sa paglalakad ng marinig iyon.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon