44

672 51 19
                                    

This Chapter is connected to chapter 25, pwedeng basahin niyo muna iyon para mas maintindihan niyo kasi POV ni Mikaella 'yong nasa Chapter 25 then ito naman ay POV ni Kiel.

"Come on, Nic!"

"Wait." napahawak ako sa tapat ng dibdib, nakita ko ang pag-ikot ng eyeballs ni Hazelle dahil doon.

"Akala ko ba handa ka na?" iritadong tanong niya.

"Yes, but.. Kinakabahan ako, the last time I talked to her family was years ago."

"Akong bahala." hinatak niya ako palapit sa pinto ng hospital room at agad iyong binuksan. Pagkapasok namin ay bumungad ang nagtatakang mukha ng mga Saavedra.

"Goodevening po, tito, tita, Joice.. Michael." and Ella.. Gusto ko rin sana siyang batiin pero naunahan ako ng kaba at hiya. Kailan pa ako naging mahiyain?

"Wait, who's she?" narinig kong bulong ni Joice kay Ella.

"Hi! I'm Hazelle. But call me Zelle for short. And you are?" mukhang narinig din ni Hazelle ang tanong ni Joice kaya siya na ang nagpakilala sa sarili niya.

"Joice." bakas ang pagtataka sa mukha niya.

Samantala ay hindi ko na naman maalis kay Ella ang paningin ko. Marahil ay naramdaman niya iyon kaya bigla siyang napatingin sa akin at bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang magsalubong ang mga paningin namin.

"What happened to you, by the way?" tanong ni Hazelle na ngayon ay umiiral na naman ang kadaldalan.

Naging alerto ako dahil iyon din ang gusto kong itanong. Anong nangyari sa kanya?

"Over fatigue. Makulit kasi, eh." tumalon ang puso ko nang makitang napanguso si Ella sa sinabi ni tito Mikael. She's still my Ella, iyong Ella na mahilig ngumuso noon.

"Over fatigue? I don't think so. Nandoon kami bago siya mawalan ng malay." sabi ni Hazelle.

And I don't think so too, parang ayokong maniwala na over fatigue ang dahilan nang nangyari kanina sa kanya. But I refused to talk.

Pero madaldal si Hazelle, at gusto ko siyang pigilan dahil mukhang hindi komportable si Ella sa mga sinasabi niya pero hindi manlang tumitingin sa gawi ko si Hazelle, feeling close din siya kaya ngayon ay nasa mismong harap siya ng bed ni Ella.

Pamilya ka?

Kita ko na parang may iniisip si Ella, siguro iyong nangyari kanina sa condo.

"I-It was just a fatigue." sagot ni Ella na bahagya pang nautal, napakagat din siya sa labi. At alam na alam ko, na hindi siya nagsasabi ng totoo kapag ganoon ang reaksiyon niya.

"But.." sabi ni Hazelle na parang ayaw magpatalo at maniwala sa alibi ni Ella. Mabuti na lamang at may dumating na babaeng doktor kung kaya natuon doon ang paningin ng lahat. Nakita ko pa na napahinga ng malalim si Ella.

I knew it, may tinatago siya. At ayoko nang naiisip ko, ayokong mag-isip ng hindi maganda. Ayokong isipin na m-may s-sakit siya..

Pagkatapos kausapin ng Doctor ang parents ni Ella ay agad din itong umalis. Lumabas naman si Michael at Joice para icheck ang bill. Si tito Mikael at tita Michelle ay kausap ko ngayon pero ang paningin ko ay pabalik-balik kay Ella na ngayon ay kinukulit ni Hazelle.

"I'm a nurse kaya sanay na ako sa ganito." narinig kong sabi ni Ella habang tinatanggal ang sariling dextrose. May kung ano sa dibdib ko, proud na proud ako sa kanya.

"My gosh, you're really amazing! Sana talaga hindi Architecture ang pinag-aralan ko!" matinis ang boses sa pagkamangha na sabi ni Hazelle.

Nakatingin lang ako kay Ella habang nagkukwento si Hazelle kung paano niya pinangarap dati na maging nurse o doctor, hindi nga lamang siya pinayagan ng kanyang lola. Pero nangunot ang noo ko nang makita na tila nakatingin lang siya kay Hazelle pero ang isip ay lumilipad. Parang.. Wala siyang pakialam sa paligid.. Parang may sarili siyang mundo, parang may ibang pinagkakaabalahan ang isip niya.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon