Chapter 55 (Part III)

775 63 50
                                        

Kiel Dominic's POV


"E-Ella..." tawag ko sa kanya, agad naman siyang nag-iwas ng tingin pagkakita sa akin.

"Ella, please let's talk." Nanginginig ang mga tuhod na lumapit ako sa puwesto niya at nagtangkang hawakan ang kanyang mga kamay ngunit napalunok na lamang ako kasabay ng tila pagsaksak sa puso ko nang muli siyang umiwas.

"J-just leave, Fuentabella," mariin at malamig na turan niya.

"Ella, I'm not the father of Hazelle's child," sabi ko na ikinalingon niya sa akin kasabay nang pagsasalubong ng kanyang mga kilay.

"What did you say?" may bahid ng iritasyon na tanong niya.

"Thaddeus, he's the father. Hazelle and him were engaged to be married secretly, Ella. I-I'm not the father."

"K-Kiel.." Magkakahalong emosyon ang nakita ko sa mukha niya.

"Maniwala ka sa akin, please. I'm telling the truth, Ella," basag ang boses na pagsusumamo ko.

"Kiel, please..." nahihirapang pakiusap niya sa hindi ko alam kung ano. Marahil ay gusto niya na tumigil na ako sa mga sinasabi ko? But I won't, I ain't.

Kapag ginawa ko iyon, kapag huminto ako ay parang tinanggap ko na rin na talo ako, na hindi na kami muling magkakaayos pa. Na.. Sumusuko na ako sa aming dalawa.

"Ella, paniwalaan mo naman ako, ayoko nang maulit 'yong nangyari sa atin dati dahil lang sa pagmamanipula sa atin ng ibang tao, ayoko nang napaglaruan ulit ng buong mundo.. Ayokong dumating na naman sa puntong m-magkakalayo ulit tayo katulad ng nangyari sa atin noon," pilit kong pinipigilan ang pagbagsak ng aking mga luha pero traydor sila, eh. Kusa nilang pinupuno at pinag-iinit ang mga mata ko.

F*ck!

"A-Anong ibig mong s-sabihin, Kiel? Mayroon ka bang hindi s-sinasabi sa akin?" Nangingibot ang mga labi at namamasa ang kanyang mga mata nang tumingin siya sa akin. Ang kaninang pagkairita sa kanyang mukha ay napalitan ng isang nagugulumihanan at tila nasasaktang ekpresyon.

Umiling ako at mapait na ngumiti bago sandaling inalala ang mga kataga na paulit-ulit kong kinakabisa noon sa eroplano habang nasa biyahe pabalik ng Pilipinas. Mga kataga na hindi ko nasabi sa kanya, mga kataga na akala ko ay masasabi ko nang basta-basta.. Pero hindi pala, dahil sobrang taliwas ng mga nangyari sa mga pangyayaring nasa imahinasyon ko lang.

"Engineer na ako, Ella. Noon masyado pa tayong mga bata para rito. K-kinakausap ako palagi ng parents mo, pati ni M-Michael, na hayaan muna kitang mag-aral, m-magtapos muna raw tayo nang pag-aaral, w-wala pa raw tayong nararating, b-bata ka pa raw, PB." Mapait akong ngumiti kasabay nang pagbabalik ng mga alaalang iyon sa isip ko.

"Totoo naman. Sa ilang buwan na relasyon natin noon, I treated you like a grown up woman, n-nakalimutan ko na 14 years old ka nga lang pala. Michael used to nag at me at all times kapag kaming dalawa lang, pero kapag kaharap ka nagpapanggap kami na okay, na hindi siya galit, ganoon ka kamahal ng kuya mo, minsan akala mo napalaban na naman ako sa ibang gang pero ang totoo.. n-nasapak ako ng kuya mo h-haha. Okay lang naman, naiintindihan ko, masyado ka pa nga namang bata noon, ako nasa legal age na. Pero ngayon iba na 'di ba? Palagi kong sinasabi noon na hindi ako pumapatol sa bata, pero kinain ko ang mga salita na 'yon nang makita at makilala ulit kita." She's not saying any words, just.. Looking at me with her teary eyes.

"Please allow me to babysit your heart once more, Ella, like I used to do, like the old sweet days.. Remember when I promised you that I'm not going to give you up, ever? Hindi ako sumuko sa atin, lumayo lang ako, Ella. Mas p-pinili kong saktan ka habang nasa malayo ako, kaysa naman paasahin at pakapitin kita sa relasyon na walang kasiguraduhan. Umalis ako Ella, iniwan na naman kita, ayokong matali ka sa akin, masyado ka pang bata noon, eh. Gusto ko, magfocus ka sa mga pangarap mo. Mas ginusto ko na lang na panoorin ka sa malayo na inaabot ang mga iyon, kaysa pakapitin ka sa 'kin at sa relasyon natin kahit na alam kong mahihirapan ka lang. I want you to be free. I want you to live just like the other teenage girls, enjoying their lives, hanging out with their friends, having puppy loves, and looking for their happy crushes.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon