22

676 40 16
                                    

Happy Birthday to me! 🎈🎉🎂
One Chapter muna ngayon then isa ulit sa hapon or gabi. Stay tuned! 😉😍



22

"Tell me you're joking." umiiling at hindi makapaniwalang sabi ko kay Blake.

"I'm not, okay?" minsan lang magseryoso itong si Blake. Actually tuwing ganito lang ang usapan o kapag tungkol sa isang mission na pinagawa sa kanya ng gang. But I'm not one of them, nga lamang ay masyadong nakuha ang atensyon niya noong nagtanong ako about Cayl Guevarra. At seryoso siya ngayon. Ibig sabihin, kailangan seryoso din ang kausap niya dahil lumalabas ang pagiging short tempered niyang tao.

"Paanong nangyari na magkapatid sila?! Teka.. You're really serious, right? Hindi ito joke time. Wala naman sigurong hidden camera dito, 'no?"

Marami pa sana akong sasabihin pero hindi ko na naituloy ng makita ko ang nanlilisik niyang mata at mariing pagpiga sa ibaba ng tainga, iyong part na malambot kasi walang buto?

He's pissed!

I mentally chuckled.

Agad kong itinaas ang dalawang kamay at iniharap ang parehong palad sa harap niya.

"Okay—wag kang mangangagat." mahilig kasing mangagat 'to dati nung highschool. Si Cassey laging nabibiktima.

Kaya kapag nakita mo siyang pinipiga ang tenga, lumayo ka na.

Nakita ko pa ang pagbaba at pagtaas ng adam's apple niya. Talagang naasar sa kadaldalan ko, eh iniinis ko lang naman talaga siya!

"So, kindly explain?"

"Just like what happened to Zander, your cousin. Parang ganoon lang din ang nangyari kay Thaddeus Claverias, oh wait—he's now going to be a Fuentabella in papers."

Mas lalo akong nagulat sa narinig. Si Tadeo? Papayag na maging Fuentabella? Eh.. Mortal silang magkaaway ni Kiel?

Iyong nalaman ko pa nga lang na magkapatid pala sila ay hindi na kapani-paniwala. Iyon pa kayang malalaman ko na pumayag si Tadeo na palitan ang apelyido niya?

"Seryoso ka talaga, 'di ba?" napakagat na lang ako ng labi ng bigla niyang hiklatin ang braso ko at akmang kakagatin ng biglang may humawak sa braso niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala kung sino iyon.

"Kenneth Mendoza?!" lumipat sa akin ang tingin ni Kenneth.

"Sinasaktan ka ba nitong lokong 'to?"

"Excuse me? Nag-uusap lang kami pare. Ganito talaga mag-usap ang mga close na tao."

Tulala pa rin ako kay Kenneth. Kailan pa siya nakabalik ng bansa? Pagka-graduate niya ng Highschool nagpaalam siya sa akin non na sa ibang bansa na ipagpapatuloy ang pag-aaral niya.

"Close, huh? Like brother-sister relationship?"

"No. I prefer the intimate relationship."

Namalayan ko na lang na may staring contest na silang dalawa.

"Ano bang nangyayari sa inyo?!" tumayo ako mula sa pagkakaupo. Pinagtitinginan na kami ng ibang customers dito sa coffee shop.

"Wag nga kayong gumawa ng eksena."

"Mayabang 'to, eh. Biglang susulpot tapos manggugulo sa usapan natin."

Bumuntong hininga ako at pinaupo sila pareho.

I have no time for this! Break time ko lang sa duty kaya ako nakapunta dito.

"I have to go. Sa susunod na lang ulit tayo mag-usap, Blake." saka ko naman binalingan si Kenneth.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon