55 (Part I)

895 54 20
                                    

"Everything will be alright, Nic." Hazelle assured.

Ako dapat ang nagsasabi sa kanya ng mga salitang iyon dahil ako ang lalaki pero siya pa ang nagpapalakas ng loob ko.

Inayos ko ang suot na neck tie at tiningnan ang cellphone sa hindi ko na alam kung pang ilang beses na pagkakataon.

Wala man lang tawag o text message galing kay Ella.

She's on a vacation, part of the plan iyon pero wala sa plano na hindi ko siya ma-contact. Ilang minuto na lang ay Engagement Party na namin ni Hazelle.

At hindi iyon alam ni Ella, nag-aalala na ako, walang nakakaalam kung nasaan siya. Kahit sina Fredd at Zachareus na eksperto sa imbestigasyon ay hindi nagtagumpay na mahanap si Ella.

Ang dami ng katanungan ang nasa isip ko.

'Anong nangyari?'

'Maayos ba ang kalagayan niya?'

'Nasaan na siya?'

'Paano kung may nangyari ng masama sa kanya?'

Hindi ako mapalagay pero nagtitiwala ako sa kanya.

About the Engagement Party, of course it was arranged by Cruzita Guevarra.

Mabuti na lamang at hindi pa masyadong halata ang bukol sa tiyan ni Hazelle kung hindi ay tiyak na magkakagulo.

Maaaring matuloy ang Engagement pero hindi ang kasal. We will not let that happen.

Not now that me and Ella were happy together again.

Not now that Thad and Haze were secretly engaged.

Maliwanag at malawak na event hall ang bumungad sa amin.

Ang kisame ay napapalamutian ng mamahalin at magagandang disenyo ng chandelier.

May pulang carpet ang kabuoan ng sahig.

Napakarami ng tao at media sa paligid.

Bawat isa ay sumisigaw ng kapangyarihan at karangyaan base pa lamang sa tela ng kanilang mga kasuotan.

Hindi ko inaakala na ganito kalaki ang Engagement Party na ito.

Pero hindi na nakapagtataka dahil ang naghanda nito ay si Cruzita Guevarra.

Mula sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Crisanto Guevarra na masayang nakikipag-usap sa isang lalaki habang may hawak na kopita ng alak sa kaliwang kamay nito. Napangisi na lang ako ng makita roon ang Mommy ni Sabrina. Nagsama-sama ang mga kampon ng demonyo.

Ang lakas ng loob ni Crisanto, umaakto ito na parang walang kasalanan, na parang walang dapat pagbayaran. Tumatawa na parang walang media sa paligid.

Halos lahat ng paningin ay nasa amin ni Hazelle. Bawat hakbang na ginagawa namin ay nakasunod ang mga mata nila sa amin.

Nakita ko ang aking buong pamilya at ang mga iba pa naming kakilala.

Huminga ako ng malalim, hindi pwedeng matuloy ang engagement na ito, hindi.

Naglapat ang paningin namin ni Thaddeus at tumango siya sa akin.

Sa mga nakalipas na taon, ngayon ko napagtanto na malaki na pala ang naging usad sa relasyon namin bilang magkapatid.

Who would have thought that two former rival gang leaders would be brothers and will reconciliate?

Nagsimula ang programa, lahat ay mga nakaupo sa mararangyang lamesa, ang iba ay nagsimula nang kumain habang ang iba naman ay patuloy sa pagsimsim ng mamahaling alak.

Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon