"Hi!" masiglang bati ni Zachareus sa akin bago dinikit ang pisngi niya sa pisngi ko.
"Hey." nakangiti kong sagot sa kanya.
"Kamusta ang pakiramdam?" tanong niya bago umupo sa kalapit na upuan. Pinatay ko ang hose at ibinalik sa sabitan na katabi ng gripo dito sa garden. Nagpresinta kasi akong magdilig ng mga halaman ni lola, hindi pa din kasi ako pinayagan na pumasok sa School ngayon dahil mas makabubuti daw kung magpapahinga pa ako ng isang araw para din daw hindi na halata masyado ang mga kalmot at pasa ko sa katawan kapag pumasok na ako ulit.
"Okay naman, nabanggit sa akin ni mama na inasikaso mo daw ako nung isang gabi. Salamat."
"Salamat lang?"
"Eh.. Ano bang gusto mo?"
"Hmmm." tumingin sa itaas si Zachareus habang nakalagay ang kamay sa baba, animo nag-iisip.
"Kiss." tinuro niya ang pisngi niya sa akin.
"Sus yun lang pala." agad ko siyang hinalikan sa pisngi na ikinagulat niya naman.
"What?!" natatawa kong tanong sa kanya.
"Wag mong gagawin sa iba yan ha?!"
"Ha? Ano bang sinasabi mo diyan?" naguguluhang tanong ko.
"Nagbibiro lang ako, ganun ka ba talaga kadaling maniwala?"
"Eh..ikaw naman yan, kaya okay lang."
"Kaya nga wag mong gagawin sa iba!" naiinis na aniya.
"Para tong tanga." natatawa kong sabi. "Malamang naman no, ano yun basta na lang akong hahalik ng ibang tao? Baka lalo akong machismis na malandi nun. Oo nga pala, speaking of chismis, salamat ulit, doon sa sinabi mo sa interview."
"Nadagdagan na naman tuloy ang utang mo sakin." aniya sabay ngisi ng nakakaloko. "Paano kaya kita sisingilin?"
"Ililibre na lang kita." sagot ko sa kanya na animo iyon na ang pinaka magandang ideya.
"Tss. Marami akong pera, Miss Saavedra."
"Edi wag ka ng maningil. Para ka naman kasing others diyan."
"Hayy masyado kang funny." ani Zachareus, nakangising iiling-iling.
"Paano naman akong naging funny aber?" nakapameywang na tanong ko.
"Masyado ka kasing funny-walain. Mukha ba talaga akong maniningil? Umupo ka nga dito." agad akong umupo sa tabi niya.
"Tulad nga ng sabi ko sa interview, I want to protect you as if I'm your brother. EvenifIdon'twanttobejustabrothertoyou" hindi ko naintindihan yung sinabi niyang huli dahil masyadong mabilis at mahina.
"Ano? Happy birthday to you?" takang tanong ko. Iyon kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya bagama't hindi sigurado pero katunog.
"Walang ulitan sa bingi. Teka, mabuti pala at hindi ka pa pumasok ngayon."
"Hindi ako pinayagan ni mama."
"Mas magandang magpahinga ka muna, grabe inaapoy ka ng lagnat nung isang gabi, alalang-alala si tita sa'yo. Hindi pa naman umuwi si Micahel kaya walang kaantabay si tita sa pagaasikaso sa inyo ni Mia, si Manang Rosa naman ay umuwi sa probinsiya." mahabang ani Zachareus. Doon ko pa lang nalaman na umuwi pala si Manang Rosa sa kanila. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit hindi umuwi si Kuya.
"Bakit kaya hindi umuwi si Kuya Michael nung isang gabi? At parang pagod na pagod siya. Hindi naman siya ganoon dati." biglang umilap ang paningin ni Zachy.
"Baka sobrang busy sa trabaho." tanging sagot niya. Madami mang katanungan sa isip ko ay sinarili ko na lang.
"Hindi naman nalulugi ang mga negosyo namin no?" hindi siguradong tanong ko.

BINABASA MO ANG
Until our paths cross again, my Engineer. (COMPLETED)
Acak(COMPLETED | UN-EDITED) They were just kids when they first met and promised to marry each other someday but for some reason, they needed to separate ways. They meet again after six years and fell in love with each other but for the same reason, th...